webnovel

A New Start

"Stooooooooooooop!"

"Noooooooooooooo!"

"Run! Run for your lives!"

Paulit-ulit na mga sigaw ang naririnig ng isang binatilyong nakahiga sa sanga ng puno. Umiiyak ang mga bata, naapakan ang iba at ang iba naman ay nagkakandarapa sa pagtakbo. May iba din na nasawi dahil sa kaguluhang iyon.

"Papalapit na sila! Takbo!" sigaw ng isang matandang babae.

Bumaba sa puno ang binatilyo at tiningnan kung ano ang paparating. Tatlong malalaking Cyclopes ang papunta sa isang maliit na nayon. Kung titignan ay mga gutom ito. May nahuli itong lalake at parang manok na kinain ito. Tinulungan ng binatilyo ang matanda na makapagtago tapos kinarga niya yung batang naiwan sa daan at muntikan ng maapakan. Umiiyak ito at sugatan. Binigay niya ang bata sa matandang pinatago niya sa likod ng malaking puno.

"Everyone stop running! Instead find a safe place to hide." sigaw niya sa mga tao. Tila wala itong narinig at patuloy pa rin sa pagpapanic ang mga ito.

"EVERYONE STOP!" buong lakas niyang sigaw sa mga taong nagkakagulo. Parang nabingi naman ang lahat sa lakas ng sigaw na nagmumula sa binatilyong nakatayo sa isang fence.

"Everyone listen to me. No matter how fast you can run it won't even matter. Why do you have to run away from those monsters when you can do something to prevent them from coming."

"What else could we do? They will end up eating us one by one if we don't run."

"They're giants! What can we do against them?"

Takot na takot ang mga taong hindi mapalagay sa kinatatayuan nila. Pero kahit gusto nilang tumakbo ay parang naninigas ang mga katawan nila.

"Listen to me carefully." mariing sabi ng binatilyo. Ang mga taong nakapaligid sa kanya ay nakatingin sa kanya. Naghihintay ng sasabihin niya tulad ng inutos niya sa mga ito.

"Go find a safer place to hide. Secure the women and the children first. All men who knows how to fight must stay. Do you understand me?"

"Yes mi lord!" sabay-sabay na sabi ng mga tao.

Mula sa narinig na response ng mga tao may tuwang naibibigay ang pagtawag sa kanya ng mi lord. Napangiti ito at buong pagkataong tinanggap ang katagang Lord sa kanya.

"Everyone move!"

Mabilis na binuhat ng mga ina ang mga anak nilang nahihirapan sa pagtakbo. Ang mga lalake namang marunong makipaglaban ay nagpa-iwan habang yung iba ang umaalalay sa mga babae at bata.

"Prepare your weapons. Siguraduhin niyong bihasa kayo sa pag gamit ng mga armas na un."

Iisa isang kumuha ng armas ang mga lalake, ung iba may dalang esapada, ung iba naman ay spears at ung iba ay bow and arrow. May magkakapatid din na inilabas ang tinatago nilang catapult at inihanda ang bala nito. Kontento naman ang binatilyo sa kanyang nakikita.

"Prepare to fight for your freedom."

"Aye!" sigaw ng lahat.

Nakapasok na ang mga cyclopes sa vicinity ng nasabing nayon. Nasa harap pumwesto ang binatilyo at may hawak na espada. Buong tapang siyang naglakad palapit sa mga Cyclopes at pilit kinausap ang mga ito.

"What's your business in this town. By the way what's this town called?

"FRESH MEAT!"

"HE'S MINE!" nakakabingi ang boses ng mga cyclopes. Napakalakas nito at halos tulo laway na dahil sa lagkit ng mga laway nito.

"Man! Aren't you told about proper hygiene?" nagtakip ng ilong ang binatilyo na para bang mas lalong ginagalit ang mga cyclopes.

Galit na galit ang tatlong giant cyclopes sa kaangasan ng binatilyong nasa harap nila. Tumakbo siya pabalik sa mga kasama at naghintay na makalapit pa ng husto ang mga cyclopes.

"Everyone, get ready for battle. Ngayon niyo matitikman ang totoong kalayaan na inyong inaasam. Just follow my every command and we will win this battle."

"Yes Lord!"

"You two hide behind those barns. The three of you ready the catapult and the rest follow me."

Pagkatapos magbigay ng utos ay pumwesto na ang mga ito sa kani-kanilang mga lugar. Yung mga natira ay sumunod sa kanya at inihahanda na ang mga armas.

"Weapons ready! Archers find your spot!" tumakbo agad ang mga archers sa pwestong komportable sila.

"Spear-men to the front, hit the toes first and give them a nice pain. Hahaha."

Halos sampung metro na lamang ang layo nila sa mga cyclopes. Itinaas ng binatilyo ang kanyang espada simbolo ng pag-atake.

"Archers aim for the eyes!" pinilit tamaan ng mga archers ang target kaso sa laki ng mga ito ay nahirapan silang abutin kahit ang baba nito.

"Mi Lord it's useless. Masyado silang malaki para umabot yung pana namin sa mata nila."

"Are you saying that my plan is useless?" Tiningnan niya ng masama ang lalake at nakaramdam ito ng takot.

"No sire."

"Aim for the eye!" parang nahypnotismo ang mga archers na sumunod sa inuutos sa kanila. Tumakbo yung isa papunta sa paanan ng isang cyclopes at mahigpit na humahawak sa suot nitong sandalyas. Unti-unti itong umakyat sa paa ng higante at ginamit ang pana bilang apakan sa binti nito. Tinusok niya ang binti ng higante at inapakan ang pana para maabot niya ang suot nitong pang-ibaba. Nang maabot ng archer ang dulo ng suot nito ay mabilis na itong nakaakyat sa bulsa ng higante papunta sa damit nito. Hindi siya nahalata ng higante dahil abala ito sa paghuli sa ibang nasa baba na maliksi kung kumilos. Ang binatilyo naman ay nagpunta sa dalawang lalakeng nasa barn na naghihintay ng utos niya.

"Ready the hays, give them to the men in the catapult to serve as bullets and light them up before throwing them away."

"Yes my lord."

Kinuha ng dalawang lalake ang lahat ng hays na pwede nilang dalhin papunta sa mga nag-aabang na kasama. Tumakbo ang binatilyo papunta sa napagitnaang higante at pilit kinuha ang atensyon nito.

"One eyed creature! I've got a deal for you." Parang wala itong narinig at nakatalikod pa rin sa kanya.

"Fire the catapult!" utos niya.

Tinamaan ang cyclopes sa ulo nito at galit na napaharap sa kanya.

"Now I've got your attention!"

"Your a dead meat!" sabi ng higante.

"Wait up! I've got something for you."

"What?"

"I will give you everyone in this town for a catch."napalingon ang mga lumalabang kalalakihan at nagtaka.

"What's the catch?"

"Kill your brothers! In that way you can have a feast all by yourself."

Tiningnan ng cyclope ang mga taong nakapaligid sa kanya tapos tinignan ang mga kapatid.

"Ha! you can't fool me!" dinampot niya ang binatilyo at tinitigan. Akmang kakainin ito ng sumigaw ang katabi nitong cyclope. Pagkaharap ay may berdeng likido na ang lumalabas mula sa mata nito. Nagawang tusukin ng archer ang mata ng target niyang higante at napahiyaw ito sa sakit. Tinanggal nito ang pana tsaka itinapon sa lupa. Galit na galit na ito at pilit binubuka ang mata.

"What have you done?" sigaw ng higante.

"I did nothing. How am I supposed to move when your squeezing me." nakangiting sabi nito. Mas lalong nagalit ang cyclope at itinapon siya pababa. Bagsak ang katawang halos mabali sa lakas ng pagbagsak niya. Dumadaing ito sa sakit ng kanyang katawan. Pinilit niyang tumayo at bumalik sa pakikipaglaban, napasandal siya sa isang puno at nag-isip.

"I know there's something I can do." dumura siya ng dugo at halos bumagsak ng nagsimula siyang lumakad. "I know there's something I can do! I know there's something I can do.!" paulit ulit niyang sabi sa sarili.

Mula sa kanyang kinaroroonan ay nakita niyang paubos na ang kanyang mga kasama. Gutay-gutay ang mga katawan na nilalamon nga mga higante. Sa mga nasaksihan ay biglang sumakit ang ulo nito. May mga bumubulong sa kanya na nahihirapan siyang intindihin. Palakas ng palakas ang mga bulong at napahandusay siya sa lupa.

"STOP! STOP!" sigaw niya. Sinampal sampal niya pa ang kanyang sarili at inuntog-untog ang ulo nito, pero hindi pa rin nawawala ang mga bulong na kanyang naririnig.

"Charle~" paulit-ulit na un ang sinasabi. Halos himatayin siya sa kakaibang naramdaman. Napagdesisyonan niyang ipikit na lamang ang mga mata at pakingan ang mga boses na nakatatak sa utak niya.

"Charlemagne Sauveur Gilbert Winchester!" isang buong pangalan ang kanyang narinig.

"Charlemagne Sauveur Gilbert Winchester." pagkasabi noon ay bigla niyang naidilat ang mga mata. May kakaibang kapangyarihan ang dumadaloy sa kanyang katawan. Walang kahirap-hirap siyang nakatayo at naglakad. Napatingin ang tatlong cyclopes sa kanya na para bang naninibago sa dating nito.

"I AM CHARLEMAGNE SAUVEUR GILBERT WINCHESTER! With this name I command you to bow down to your KING!" tinuro niya ang mga higante. Nagkatinginan ang mga ito at natawa.

"What King? Hahaha!" sabay-sabay na tawanan ng magkakapatid.

"BOW DOWN TO YOUR KING!" may kung anong pwersa ang humahatak sa mga cyclopes na lumuhod.

"Thi-s c-can't b-be!" sumubsob ang mga mukha ng cyclopes sa lupa. Nilapitan ito ni Charlemagne at kumuha ng espada.

"Show me your face!" kusang humarap ang mukha ng isa sa mga cyclopes at biglang dinukot ni Charlemagne ang mata nito. Itinaas niya pa bilang simbolo ng pagkapanalo nila.

"THE VICTORY IS OURS! Simula sa araw na ito walang sinuman ang pwedeng tumapak sa lupang ito. Claristun is mine and mine alone!"

Lumuhod sa kanya ang lahat ng mga taong naninirahan sa Claristun. Dahil dineklara niya ang sarili bilang hari ng Claristun ay natuwa ang mga taong nakatira doon. Hindi namalayan ni Charle na nakalikha na pala siya ng barrier na nagbabawal na makalabas o makapasok ang kung sinuman sa loob ng teritoryo niya. Pinaslang niya ang tatlong giant cyclopes at sinunog ang mga katawan nito. Laking gulat nila ng magmistulang abo ang mga katawan nito sa oras na nalapatan ito ng apoy. Hinayaan nalang nila ang pangyayaring iyon at masayang nagcelebrate ang mga taga-Claristun sa freedom nila at sa kanilang magiting na bayani.

"All Hail The King!" sigaw ng mga tao. Nagsilabasan na ang ibang mga naninirahan doon na pinatatago niya. Masaya silang sinalubong ng ibang taga-nayon at dali-daling inalalayan ang kanilang tagapagligtas. Hindi na inisip ni Charle kung saan galing ang kapangyarihan niya, ang tanging tumatatak sa isip niya ay kaya niyang kontrolin ang mga tao doon at ipagawa ang kung ano mang naisin nito.

"Bring forth the finest wines and maidens to entertain the King!" utos ng matanda na kailan lang ay tinulungan niya sa pagtayo. Agad agad namang binigyan ng alak si Charle at kusang lumalapit ang mga dalaga sa nayon na iyon. Sa sobrang tuwa nila ay hindi na nila napapansin na apektado silang lahat sa kapangyarihang inilabas ni Charle.

Sa kabilang banda, naramdaman nina Carlie at Chayanne ang kapangyarihang pinakawalan ni Charlemagne. Hindi lang nila matukoy kung saan ito mismo nanggaling.

"Charlemagne!" sabay banggit ng dalawa. Parang may kung anong kuryenteng naramdaman si Charlemagne ng banggitin ang pangalan nito. Napatingin siya sa kalangitan at maya-maya ay binalewala niya na lang ito.

"Could he be one of us?" tanong ni Carlie kay Chayanne.

"What do you mean by one of us? Hindi nga natin alam kung sino tayo at kung ano tayo."

"Same lang yung feeling na nararamdaman ko ng makita kita. Somewhat were connected."

"We don't remember anything."

"But you have your powers."

"What power?" maang na tanong ni Chayanne.

"You can communicate with the animals and control them."

"Isn't it normal?" inosente niyang tanong.

"No it's not." sabat ni Venz. "Hindi namin kayang kausapin ang mga hayop sa kagubatang ito."

"Kanina ka pa?" tanong ni Carlie.

"Ngayon lang sa part na akala ni Veronicque na normal lang makipag-usap sa mga hayop." iniabot ni Venz ang dalawang sapatos sa kanila.

"Thanks. Siya nga pala Venz babalik ba kayo sa Murken Forest?"

"Yeah, kailangan namin yung silver-eyed lion."

"What?!" bulalas ni Chayanne. "Anong gagawin niyo sa kanya?"

Tinalikuran sila ni Venz at dere-deretso itong umalis. Nakasunod sa kanya ang mga kasamahang kargado sa armas na gagamitin para hulihin ang liyon.

"Venz!" sigaw ni Chayanne. Lumapit sa kanila si Vlad at kinausap.

"We really need to capture that lion."

"What for?" tanong ni Carlie.

"For it's eyes. Alam niyo kasi kailangan namin yung mata ng liyon para ibigay sa pumoprotekta sa amin. Hindi namin siya nakikita pero alam namin pag nandyan na siya." nakayukong paliwanag ni Vlad.

"It's unfair!" halos maluha si Chayanne ng malamang papatayin ang kaibigang liyon. Sa kaibuturan ng puso niya ay pilit niyang ipinagbigay alam sa liyon ang panganib na kakaharapin.

"Be safe my friend. Please anyone who can hear me, help me protect my friend lion." napaiyak siya sa alalahaning pwedeng mahuli ni Venz ang liyon at patayin ito. Sa pinagtataguan ng liyon ay narinig niya ang warning ni Chayanne. Agad itong umalis kasama ang iba pang rare na mga hayop.

Dinamayan ni Carlie si Chayanne na hindi pa rin mapakali sa maaring mangyari. Si Vladimar naman ay sumama sa grupo ni Venz. Naiwan ang dalawa sa mga babaeng kasamahan ni Venz sa hide-out nila.

Sa Claristun, nagsasayawan ang mga kababaihan, naglalasing ang mga kalalakihan at masayang naglalaro ang mga kabataan. Hindi na sila muling mangangamba sa pwedeng kaharapin nilang panganib dahil alam nilang ililigtas sila ng kanilang hari. Pinalilibutan na si Charle ng mga kababaihang nais maging reyna niya. Pero sa lahat ng kababaihang yun may isa siyang natipuhan ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya ito magawang kontrolin. Nakatayo ang dalaga sa isang sulok habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ito nakikipagsiyahan at hindi rin ito nakikipaghalubilo.

"Who is she?" ininguso niya ang babae.

"Oh, actually, I just got to meet her a while ago. When we were attacked. It's a strange coincidence that you and that girl appeared in this town the same day."

"Really?" mas lalong naging interesado si Charlemagne sa babaeng ngayon lang din napansin ng mga tao roon. Tumayo siya at nilapitan niya ito.

"I've heard na ngayon ka lang din napunta sa lugar na ito." nakasandal siya sa pader ng isang bahay at nakatalikod sa babae. Hinintay niyang sumagot ito pero wala siyang nakuha. Hinarap niya ito at tinitigan.

"Hindi ka mukhang taga-rito." tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang ito ng manipis na puting damit at wala pa rin itong kibo.

"Are you deaf? Hello?" kinawayan niya pa ito ngunit nakatingin pa rin ito sa kalangitan. Halos mawalan na ng pasensya si Charle at hinawakan niya ang mga kamay nito. Bigla naman itong natauhan at napatingin sa kanya.

"Y-yes is there anything I can do for you?" dere-deretsong saad ng dalaga.

"You're not from here aren't you?" tumango lang ang babae.

"Nagising lang ako ng marinig ko yung mga sigawan ng mga tao sa nayong ito. Hinila nalang ako bigla para magtago. I don't even remember anything bago ako magising." nakayukong saad nito.

"Ganun din ako. Pagkagising ko yun na yung naabutan ko. Pero naalala ko pangalan ko. Ikaw ba?"

Umiling-iling ang dalaga dahil kahit pangalan niya ay hindi niya naalala. Napansin ni Charle ang tela ng suot nitong damit.

"Wait." inutusan ni Charlemagne ang isang bata na kunin ang suot nitong damit bago pa ito nagbihis. Mabilis naman itong sumonod at nakabalik din agad. Kinompare niya ang dalawa at hindi siya nagkamali, magkapareho ang mga suot nila. Mas lalo itong nagpagulo sa sitwasyon. Hindi na niya alam kung magkakilala ba sila ng dalagang kaharap niya o baka naman magkadugo sila.

Napatingin ang babae sa duguang damit ni Charle yun kasi ang suot-suot niya nung nakipaglaban siya sa mga cyclopes. Kinuha niya ito at hinawakana ng dugo, bigla siyang napapikit at may mga imahe siyang nakikita. Dalawang babae ang pupunta sa nayong iyon at may labanang magaganap. Naputol ang mga imaheng iyon ng yugyugin siya ni Charlemagne.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong nito.

"You're going into another fight. This time it's not cyclopes or giants." nabibigla pa rin ang dalaga sa nakita nito.

"You can see the future?"

"I guess so."

"A fight with whom?"

"Two girls. And they seem to be nice people. Ang di ko lang maintindihan kung bakit maglalaban kayo."

"Hayaan mo na. It may be a warning. Mas paiigtingin ko ang seguridad ng Claristun. Hindi ko sila hahayaang makapasok dito."

Agad umalis si Charlemagne at nakipagsiyahan ulit sa mga tao. Ang dalaga naman ay nagpunta sa isang tahimik na lugar kung saan pwede siyang magconcentrate. Doon ay tumingala siya sa kalangitan at pumikit. Kinalma niya ang isipan at huminga ng malalim. Maya-maya pa ay nagbalik ang kaninang naputol na mga pangyayari.

"Dalawang babae ang nakapasok sa teritoryo ni Charlemagne, bakas sa mga mukha nito ang walang kamalayan sa nangyayari sa nayon. Sa isang banda ay galit si Charlemagne at pinagpapaslang ang mga taong nakapalibot dito. Nagkaharap sina Charle at ang dalawang babae at kinausap pa ito pero galit ang nauna at kinalaban ang mga babae. Ayaw ng dalawa ng gulo kaya hindi ito lumalaban. Nalunod si Charle sa sariling kapangyarihan at nagmistulang halimaw . May malakas na hangin ang pumagitna at isang lalake, hindi isang babae, hindi niya masiguro ang nakita pero alam niyang may taglay itong napakalakas na kapangyarihan."

Naputol ang kanyang konsentrasyon ng umulan bigla, naghanap siya ng masisilungan dahil medyo malayo-layo siya sa sentro ng nayon. Napaisip siya kung sino ang pumagitna sa mga naglalaban.

"Cydee!" sigaw ni Charlemagne. Nagitla siya ng marinig ang pangalang iyon. Kinapa niya ang dibdib na biglang natuwa ng banggitin ang panglang iyon.

"Cydee!" ulit ni Charlemagne. Hindi alam ng dalaga kung siya ba ang tinatawag nito, pero kinawayan niya ang lalaking tumatawag sa pangalan na Cydee.

"Anjan ka lang pala tara na at mukhang lalakas pa ang ulan." inakbayan ni Charle si Cydee at binigyan ng isang malaking dahon na kayang dumepensa sa ulan kahit papapunta lang sa nayon. Magkahawak kamay silang tumakbo at mistulang mga batang natutuwang nagtakbuhan sa ilalim ng ulan. Maya-maya pa ay narating na nila ang bahay na tinutuluyan ni Charlemagne. Nagkatinginan ang dalawa at biglang nakaramdam ng hiya si Cydee. Ngumiti lang siya at umiwas na ng tingin. Sinalubong sila ng matanda at binigyan ng damit pamalit, binigyan din sila ng mainit na inumin.

"Bakit pala Cydee?"

"Ayaw mo? may bumulong kasi sakin na pangalan mo raw ay Cydee." ngumiti lang si Charle.

"Cydee, yan ba talaga pangalan ko?" inihipan niya muna ang inumin bago tumikim dito.

"Kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin." galit-galitang saad ni Charlemagne.

"Sinabi ko bang ayaw ko? Charlemagne~" naalala niya ang kanyang divination.

"Ano?" inubos ni Charle ang kanyang inumin na hindi naiinitan.

Nag-tatalo ang kanyang isipan kung sasabihin ba niya ito or hindi. Sa huli ay napagdesisyonan niyang huwag na muna sabihin ito.

"Ahmm. Salamat sa pagsundo at sa pangalan ko." bigla siyang hinalikan sa noo ni Charle at ngumiti lang. Namula naman ang kanyang mga pisngi dahil sa ginawa ng binatilyo. Nagtataka siya kung bakit may epekto ang bawat galaw ni Charlemagne sa kanya. Hindi na muna niya inisip ang maaring mangyaring labanan dahil masyado ng marami ang nangyari sa araw na iyon. Ipinasya niya nalang matulog at ipahinga ang katawan dahil maaring sa susunod ay hindi na siya makakatulog ng mahimbing

Bagong simula sa Claristun ang pagkamit nila ng kalayaan mula sa kinatatakutang mga nilalang. Pero hanggang kailan kaya sila magiging malaya kung ang mismong tagapagligtas nila ang siyang bibilanggo sa sarili nilang kalayaan.

Habang isa-isa ng nagsisilabasan ang mga kakayahan ng mga bumagsak na Gods and Goddesses may isang nilalang na nakatingin sa bawat kilos nila. Nakaantabay at nakabantay, kung ano at sino ay walang nakakaalam. Ano ba ang gusto nitong mangyari at ano ang kinalaman nito sa mga Gilbert Winchesters. Kahit saan pa bumagsak ang mga Gods and Goddesses kaya niyang sundan bawat kilos nila. Pero sino nga ba siya ? at ano ang tungkulin niya ? Isa ba siyang kalaban o isang kakampi?

"Till we meet again." isang bulong na narinig ulit ni Carlie. Napatayo siya at lumabas para tignan kung naroon nga ang imaheng paulit-ulit na kanyang napapanaginipan. Kung ano ang gusto nito ay dapat niyang malaman pero hindi niya alam kung saan magsisimula ni hindi nga niya alam kung ano iyon.

Bab berikutnya