webnovel

My Innocent Maid XXV

Marco

Alas dose y media na nang makarating ako sa harap ng eskuwelahan ni Katherina. I know, I'm too late pero alam ko na hihintayin niya ako. Pero pagkaparada ko ng sasakyan ko ay hindi ko siya nakita Kahit saan. Nilibot pa nang paningin ko ang buong lugar at hindi ko talaga siya makita. Inilabas ko ang phone ko para tawagan ito pero hindi nito sinasagot.

Ilang beses ko pa siyang tinawagan at hindi ako tumigil hangga't hindi niya ito sinasagot. Sa dami nang tawag na ginawa ko ay hindi pa rin ako sumuko pero sadyang wala pa rin talaga.

Agad akong tumawag sa bahay para tanungin kung nakauwi na 'to. Sabi ni Manang ay hindi pa daw at dumating na din daw ang guro niya. 

Nagsimula na akong mag-alala lalo na't hindi pa nito gaanong kabisado ang lugar. Kaya nga hinahatid at sinusundo ko siya para hindi na ito mahirapan.

"Fuck! Where are you, Katerina." nag-aalalang sambit ko at tinawagan ito ulit. Ang kaso, talagang walang sumasagot hanggang sa hindi ko na ito makontak pa na mas lalong nagpakaba sa akin.

Papasok na sana ako sa loob para magtanong sa guro nito nang matanaw ko si Lhynne na papalabas ng gate. Agad ko siyang tinawag. Nagulat pa nga ito nang makita niya ako. Nang makalapit na ito ay nagtataka siyang nagtanong sa akin.

"Ano pa po ang ginagawa niyo dito, Senyorito?" takang tanong nito sa akin.

"Kadarating ko lang at hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Nagkita ba kayo kanina?" nag aalang tanong ko dito na agad niyang inilingan.

"Hindi po kami nagkita kanina, Senyorito. Kanina pa po ang uwian nila at paniguradong wala na pong tao sa silid nila. Sinubukan niyo ba po bang tawagan?" nag-aalala na ding tanong nito sa akin.

"I've tried so many times. Nakailang beses na akong tumatawag sa kanya pero hindi nito sinasagot. And I'm so damn worried. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar at hindi din nito alam kung paano umuwi." frustrated kong sabi at  napasandal sa sasakyan ko habang ang dalawang kamay ko ay nasa aking batok.

"Tatlo lang naman po ang kaibigan niya dito, Senyorito, pero hindi ko alam ang mga numero nila. Baka naman po inihatid na siya ng mga kaibigan niya sa bahay." pahayag nito na hindi ko sinang-ayunan.

"Tumawag ako sa mansiyon at sinabing wala din ito doon at hindi pa umuuwi. Dumating na nga ang guro niya pero wama pa din ito." Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang pag-aalala ko. Mayroon yung napapahilamos ako ng mukha ko at napapasabunot nalang sa aking buhok.

"Baka may pinuntahan lang po sila, Senyorito. Uuwi din po siya, hindi po ugali ni Katherina ang umalis ng bigla-bigla. Baka nainip sa inyo at nagpahatid sa mga kaklase at may dinaanan o kaya naman ay namasyal po." pampalubag loob na sambit nito sa akin. Siguro nga pero hindi ko maiwasang mag-alala pa din dahil hindi man lang nito pinaalam sa akin.

"Sana nga, Lhynne. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon." nanghihina kong sambit at binuksan ang sasakyan ko at pinapasok na doon si Lhynne para makauwi na kami ng mansiyon.

Nang makauwi na kami ay agad akong punasok sa loob at tinanong kung dumating na ito. Wala pa ding Katherina ang nadatnan namin pag-uwi. Sobrang nag-aalala na ako para dito pero wala naman akong magawa kung hindi ang maghintay at umasang ligtas ito. Sinubukan ko ulit itong tawagan baka sakaling sagutin niya pero talagang nakapatay na anh telepono nito. Napahinga nalang ako ng malalim habang nanlulumong naglakad paakyat ng hagdan.

"Pakitawag nalang ako sa kuwarto pag dumating na siya." bilin ko kay Lhynne bago ulit humakbang pataas ng hagdan.

Pagpasok ko sa aking kuwarto ay pabagsak akong humiga sa aking kama at kinuha ang unan para itakip sa aking mukha. Hindi ako mapakali kakaisip kung nasaan na nga ba ito. Kung ayos lang ba siya o kung ano na ang nangyayari sa kanya. Wala naman akong magawa kung hindi maghintay lang sa ngayon. Baka nga naman tama si Lhynne at may dinaanan lang ito at ng mga kaibigan niya o namasyal lang.

"Hoping that she's fine and unharmed." sambit ko at pinilit na makatulog. Dahil na rin siguro sa pag-iisip at pagod nitong mga huling araw ay nakatulog ako.

Pagkagising ko, agad akong napabangon at tinignan ang oras sa aking relo. Alas tres na pala ng hapon at siguro naman ay nakauwi na ito. Agad akong bumangon sa kama at bumaba na para tanungin kung dumating na nga ba ito. Pero nang sabihin nilang hindi pa ito dumating hanggang ngayon ay dumagsa na sa loob ko ang mga pangyayaring hindi ko dapat iniisip. Sobrang nag aalala na ako. Nanghihina akong napaupo sa sala at tumitig sa kisame na para bang makakakuha ako ng sagot doon.

Mariin akong napapikit dahil sa samu't saring pakiramdam na nadarama ko. Gusto kong may gawin ako kaya napamulat ako at agad na kinuha ang susi ng kotse. Hahanapin ko siya kahit saan at hindi ako titigil hangga't hindi ko ito nakikita.

Palabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong kanina pa laman ng isip ko.

"Bakit ngayon ka lang, Mahal ko. Saan ka nanggaling? Sino naghatid sa 'yo? Ayos ka lang ba?" dire-diretsong tanong ko at iginiya ito paupo sa sala.

"Diyan lang," sagot nito sa walang emosyong salita at tahimik lang ulit na naglakad.

"Ayos ka lang ba?" ulit ko sa tanong ko dahil parang wala na itong balak na magsalita pa.

"Oo," simpleng sagot nito at inayos ang dala niyang libro na para bang may binubuklat sa mga pahina.

"Sinong kasama mo? Paano ka nakauwi?" tanong ko ulit dito at hinawakan ang kamay niya pero iniiwas niya lamang na ipinagtaka ko.

"Hinatid ako ni Dex. Sige po, Senyorito, magbibihis lang po ako para makapag-umpisa na akong magtrabaho." wala pa ring emosyong sabi nito at tumayo na mula sa pagkakaupo nito. Nilagpasan niya lang ako na para bang wala ako sa tabi niya. Marami pa sana akong itatanong dito pero ang nagawa ko nalang ay ang tanawin ito habang nakatalikod at papasok na sa loob ng kanyang kuwarto.

I felt something is not right with her. The way she acts. Never niya akong kinausap sa ganyang tono but now she acts like she didn't care at all. Hinintay ko siya hanggang sa matapos itong makapagbihis para makausap na muli. Dahil nag-aalala pa rin ako sa mga ikinikilos nito.

Pumasok ako sa dining area at umupo sa silya na nakatapat sa pintuan ng kanyng kuwarto. Paglabas nito nang kuwarto ay agad ko siyang nilapitan at hinila sa kanyang mga kamay papuntang garden. Wala itong kibo habang naglalakad kami palabas ng bahay.  The Katherina I know will talk when you pull her. Pero ngayon, kakaiba. She's acting like she's not Katherina at all. At hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman kung anong nangyayari dito. Pagdating namin sa garden ay pinaupo ko siya at tumayo ako sa harap niya.

"Anong problema?" agad kong tanong dito.

"Wala naman po, Senyorito. Bakit po ba?" kaswal na balik tanong nito sa akin. Parang hindi siya ang nagsalita sa tono at sa way nang pakikipag-usap nito.

I bursted out, "Wala? Niloloko mo ba ako? Pinag alala mo ako ng sobra dahil hindi kita nadatnan sa eskuwelahan niyo." napasabunot ako sa buhok ko at tumingin dito nang matiim. "Then, hindi ka pumasok sa home-schooling mo. Tapos sasabihin mo na wala kang problema? Who are you kidding, Katherina?" inis na sabi ko dito at tinawag ito sa pangalan niya.

"Wala nga po, Senyorito. Bakit ba ang kulit niyo?" inis na ding sambit nito sa akin na ikinagalit ko.

"Woooaah! Wait there! Hindi mo nga sinasagot mga tanong ko sa 'yo tapos sasabihin mong makulit ako." turo ko sa sarili ko at inis na umupo sa tabi niya. "Halos hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa pag aalala. Ilang beses kitang tinawagan pero ring lang ng ring. Tapos wala lang ang sagot mo sa akin at ako pa ang makulit ngayon?." galit na sambit ko dito at pinipilit na pakalmahin ang aking sarili ko dahil sa totoo lang naguguluhan at nagagalit na din ako.

"Hindi ko naman po sinabing tawagan niyo ako, Senyorito." Napatunganga ako sa iainagot niya dahil ni minsan ay hindi pa siya sumasagot sa akin sa ganyang tono.

"What the fuck!" galit na mura ko pero pinilit ko pa ding kumalma dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari dito. "Okay,  kahit ito na lang ang sagutin mo. Saan ka nanggaling at bakit ka nagkakaganyan?" mahinahon kong tanong dito at nagbabakasakaling sagutin niya ako ng maayos. Napansin kong tahimik lang ito at nakatitig sa halaman na nasa aming harapan.

"Hindi ko alam. Basta nagpasama ako kay Dex sa kung saan." seryosong sagot nito at tumingin sa akin. Naghintay pa ako kung magsasalita pa ito pero wala nang salita na lumabas mula sa bibig niya. Nakatitig lamang ito sa akin. Bakit parang may nababanaag akong lungkot at sakit sa kanyang mga mata.

"Tapos na po ba kayong magtanong, Senyorito? Kasi kung tapos na ay aalis na po ako at magsisimula na pong magtatrabho." Napatango nalang ako sa sinabi niya dahil alam kung wala na akong mapapala sa sagot nito.

I know that there is something wrong about her at kailangan ko itong malaman. But how can I know it, If she doesn't want to tell me.

Nang tumayo ito mula sa kinauupuan niya ay umalis na ito at diretsong pumasok sa loob without looking back at me. Naiwan akong tulala sa labas habang nakatitig sa pintong pinasukan niya.

"What's in you, Mahal ko, at parang wala ka sa sarili mo?" tanong ko sa hangin at napabuntong hininga na lamang dahil wala naman akong makuhang sagot mula sa hangin. Malungkot akong napatayo at pumasok na din sa loib ng bahay.

Bab berikutnya