webnovel

Chapter 1- Introducing Kimberly Evasco

THE LAST SUNSET

Chapter 1

Nakangiting pinagmamasdan ni Kimberly ang mga kanyang mga magulang na nilalambing ang isa't isa. Her Dad, Eric, has just got home from work. Pagkadating nito ay sinalubong kaagad ito ng halik at yakap ng kanyang inang si Helga. Tinulungan din ng Mommy niyang alisin ang sapatos ng kanyang Daddy at nakahanda na ang tsinelas na pambahay nito. Pati ang damit na pamalit nito ay handa na rin.

Napakamaasikaso ng kanyang ina at napakaresponsable naman ng kanyang ama. Sa tagal na ng kanilang pagsasama ay hindi pa nagkaroon ng malaking away ang mga magulang niya, mga munting tampuhan lamang na

mabilis rin namang naaayos.

"Hay naku, ang sweet naman ng Mommy at Daddy ko!" nakangiting palipad hangin niya. "Hmp, 'yong bunso namin, naglalambing din! " nakangiting wika ni Helga sa anak. "Ano pa inaantay ng princess namin?" wika naman ni Eric. His arms were wide open habang iniimbita ang anak na lumapit sa kanilang mag-asawa. Mabilis namang lumapit si Kim sa mga magulang at nagyakap silang tatlo ng mahigpit. Hinalikan ng ama niya ang kanyang ina sa labi at pagkatapos ay siya naman ay hinalikan nito sa noo.

Napakaswerte nilang magkakapatid sa kanilang mga magulang. Mahal na mahal sila ng mga ito. Tatlo silang magkakapatid. Panganay ang lalaki, isang engineer at sa ibang bansa nagtatrabaho. Ang pangalawa naman ay babae at may sarili nang pamilya. Siya ang bunso at siya na lang ang kasama ng kanyang mga magulang.

"Gagradweyt na ang bunso natin! Anong gusto mong kuning kurso anak?" tanong ni Eric. "Veterinary po Daddy!" mabilis na sagot ni Kim. "Sabi ko nga eh!" natatawang sabi ng ama niya.

Magmula pagkabata ay mahilig na talaga sa mga hayop si Kimberly. Sa katunayan ay mayroon siyang isang pares ng lovebirds na pinangalanan niyang si Romeo at Juliet. Mayroon din siyang algang pusa na ang pangalan ay si Jones. Ngunit ang pinakapaborito niyang alaga ay ang asong niregalo sa kanya ng kanyang kuya Perry na binili pa sa ibang bansa. Isa iyong Golden Retriever, pinangalanan niya naman itong Strike. Lagi niya itong kasama tuwing walang pasok at kapag mamamasyal siya. Mahigit dalawang taon na niyang kasama si Strike.

Dahil sa labis na pagkahilig sa mga hayop, bata pa lang ay gusto na niyang maging veterinarian. Kaya naman

pagtuntong niya sa kolehiyo, sa isang kilalang vet school siya magpapaenroll. Magiging isang tanyag siyang doktor

ng mga hayop balang araw, pangako niya sa kanyang sarili.

Sabay silang tatlong napalingon nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Mabilis na tumayo si Kim upang tingnan kung sino ang nasa labas.

"Kim!" masayang sabay sabay na masiglang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kaklase na sina Pearl, Anne at Sandra. Patakbong lumapit ang mga ito sa kanya at saka binigyan siya ng mahigpit na yakap. "Halika na!" sabi sa kanya ni Pearl na 'di mawala ang excitement sa mukha. "Saan?" nagtatakang tanong niya. "Syempre sa school! Saan pa ba?" si Sandra ang sumagot. "May dala akong videocam, gawa tayo ng video recording! Lilibutin natin ang buong school, papasukin natin ang lahat ng rooms! Syempre, lahat ng teachers kukuhanan natin, syempre pati mga classmates, at school mates natin. Mamimiss natin ang high school hindi ba?" medyo malungkot ang tono ni Anne sa huling nasambit. "Sige!" mabilis niyang pagsang-ayon.

Talaga namang mamimiss niya ang high school. Naalala niya ang freshman years niya, nabubully pa siya noon dahil kulot ang buhok niya at may braces pa. Nang junior na siya, pinilit siya ng mga kaibigang magpaunat ng buhok dahil sa JS prom. A little change won't hurt, sabi pa ng mga ito, kaya sa bandang huli pumayag na rin siyang ipastraight ang kanyang buhok.

Agaw pansin siya sa gabi ng prom. Aaminin niyang maski siya ay nanibago sa sarili. When she saw herself in the

mirror, parang ibang tao na ang nakikita niya. Namangha siya sa pagbabagong naganap sa kanya dahil sa makeover na ipinilit sa kanya ng mga kaibigan niya. Idagdag pa na wala na siyang braces, lalong lumitaw ang ganda niyang hindi inakala. 'Maganda ka naman talaga, 'di ka lang bilib sa sarili mo!', naalala niyang sabi sa kanya ni Pearl. Ito ang pasimuno sa pamimilit sa kanyang magpaunat ng buhok.

Noong prom din ang unang beses na naranasan niyang maisayaw. Niyaya siyang sumayaw ng isang Senior student, Genaro ang pangalan. Kilala niya ito. Member ito ng isang banda sa kanilang school, ito ang lead vocalist at siya ring gitarista ng banda. Maraming girls ang nagkakacrush dito. Gwapo kasi ito at matangkad maliban lang sa talentado ito. Pero hindi niya alam kung bakit hindi siya nakakaramdam ng atraksyon dito. Ewan ba niya, abnormal na kung abnormal pero ni minsan ay wala pa siyang naging crush. Wala ngang may gustong maniwala sa kanya.

Habang isinasayaw siya ni Genaro, titig na titig ito sa kanya kaya naman pakiramdam niya ay sing pula na ng kanyang suot na cocktail dress ang mga pisngi niya. Nag-iinit ang mga pisngi niya hindi dahil sa kinikilig siya kundi dahil sa matinding pagkailang at hiya. Kung may kinikilig man, iyon ay ang mga kaibigan niyang parang maiihi na habang pinagmamasdan sila ni Genaro habang sumasayaw sa himig ng isang sweet music. Nakita niya naman ang

tinaguriang 'mean girls' ng campus na parang uusok na ang mga ilong sa sobrang inis at inggit sa kanya, dahil kasayaw lang naman niya ang crush ng buong campus at ultimate crush ng leader ng 'mean girls'! Pero hindi niya mahanap ang paki niya ng mga oras na iyon. Hindi naman niya hiniling kay Genaro na isayaw siya nito. Ito ang lumapit at nagyaya sa kanya. Kasalanan niya bang siya ang isinayaw nito? Wala rin namang malisya para sa kanya ang pagsasayaw nila. Ewan niya lang kay Genaro na tila wala sa sarili habang isinasayaw siya.

Responsable siyang estudyante pero dahil sa mga abnormal niyang kaibigan naranasan niyang makapagskip ng klase. Hindi niya iyon makakalimutan dahil napagalitan pa siya noon ng favorite teacher niya sa subject na history. Sobra niya iyong dinamdam. Pero ngayon, tuwing naiisip niya ang mga nangyari ay natatawa na lamang siya. Masarap ding magbreak ng rules paminsan minsan.

Ang dami dami nilang hindi makakalimutang alaala sa high school. Babalikbalikan nila ang mga ito ng may ngiti sa labi at luha sa mga mata. Totoong nakakasabik ang grumadweyt ngunit nakakalungkot din ang mga maiiwang alaala, kasama na ang mga gurong kay tagal nilang nakasama, pati ang mga kaklaseng nakapagpasakit ng ulo ng mga ito. Ang pinakanakakalungkot sa lahat, magkakahiwahiwalay na silang magkakaibigan.

Si Pearl gustong maging cook, sa ibang University balak mag-aral. Si Anne gustong sumabak sa modeling career at kung suswertehin daw, mag-aartista pa! Si Sandra naman sasama sa mga magulang at sa ibang bansa na mag-aaral ng fine arts. Kanya kanya na sila pagkatapos ng graduation kaya kailangang sulitin nila ang bawat oras na magkakasama sila. Dapat happy lang! Iniisip niya na lang na magkikita kita pa naman sila balang araw, at pagdating ng araw na iyon, successful na silang lahat at proud na proud sa kanikanilang mga sarili.

Patakbong lumapit sa kanya si Strike at marahang nginangatngat ang laylayan ng palda niya. "No Strike, you stay here! Bawal ka sa school. Pagagalitan ako ng teachers. Malalagot ako sa principal!" aniya. Lumuhod siya at niyakap ang alagang aso. Hinaplos niya ng ulo nito. "Hindi bale, isasama naman kita sa bakasyon ko, usapan natin iyon, 'di ba? Kaya huwag ka nang malungkot, OK? "

"Saan ka magbabakasyon Kim?" tanong ni Anne. "Sa ate Charmaine ko. Susunduin nila ako after ng graduation. Excited na nga ako eh, maganda daw kasi doon sa kanila!" nagniningning ang mga matang wika niya. Sabi kasi ng Mommy't Daddy niya, may farm ang asawa ng kanyang ate. She's never been there kaya pakiramdam niya ay ito na ang kanyang magiging best vacation ever! Sa sobrang excitement, minsan nahihirapan na siyang makatulog sa kakaisip.

Nagpaalam na si Kim sa mga magulang at humayo na silang magkakaibigan.

Nasa gate pa lang sila ng school nagsimula nang magrecord ng video si Sandra. Isa isang itinutok niya ito sa kanilang lahat. Pinag-hi sila at pakiramdam nila ay para silang mga tour guide sa ginagawa nila kasi bawat daanan nila ay sinasabi nila kung ano ang tawag at binibigyan ng description. Mula sa gwardiya hanggang sa mga janitor ay humingi sila maski ng pagbati man lamang at good luck para sa next milestone ng kanilang mga buhay.

Tulad ng plano, isa isa nilang pinuntahan ang kanilang mga guro at pinasalamatan ang mga ito. Bawat nadadaanan nilang school mate ay kumakaway sa camera at ngumingiti

maliban sa grupo ng 'mean girls' na pareparehong nakasimangot. "Move on na kayo! Gagraduate na tayo bukas, mga bitter pa rin kayo!" kantyaw ni Sandra sa mga ito. Imbes na ngumiti ay lalo lang nagsungit ang mga ito. Tinawanan na lamang nila ang mga iyon.

Pagdating nila sa kanilang room, sila nalang pala ang kulang at kompleto na ang kanilang klase. "OK, dahil gagraduate na tayo, dapat magtell all na tayo! Magkakahiwahiwalay na tayo, so let us all pretend na ito na iyong last chance to say what we always wanted to say. Lalo na 'yong may mga itinatago diyan!" natatawang wika ni Sandra. Iyon nga ang ginawa nila. Iyong iba ay nahihiya pa at kailangan pang tanungin at piliting sumagot.

"Oh Ivan, the great bully ikaw na!" wika ulit ni Sandra. Tumayo ito kaagad at tumingin ito kay Kim. "I like you Kim."

Nanlaki ang mata ng buong klase. Pinakanagulat syempre si Kim. "Yes, you heard me right, I like you! I really do! I know this is too late and I'm so stupid not telling you earlier!" Nagsimula nang kiligin ang buong klase at si Kim naman ay tila nanigas na lang sa kinauupuan. "I'm sorry for everything. Sa panunukso ko sa 'yo, sa pang-aasar, sorry if I made you cry. I just didnt know how to tell you I like you, I showed it the wrong way. I'm sorry for being a bully. I loved your hair, and even with braces you still looked pretty to me. I'm sorry hindi ko nasabi."

"Ayeeeeehhhh!!" hiyawan ng buong klase. Gusto nang lamunin ng lupa ni Kim. Hindi niya kinakaya ang rebelasyon ni Ivan. Pero as usual, ang mga kaklase lang niya ang kinikilig, hiya naman ang kanyang nararamdaman at matinding pagkailang.

"Haba ng hair!" tukso ni Pearl sa kanya. "Ikaw na girl! Una si Genaro, ngayon naman si Ivan! Ikaw na talaga!" Kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan. "Tumigil ka nga!" naaasar na wika niya. Gusto niyang pagsisihan ang pagsang-ayon sa plano ng mga kaibigan. Pero wala na, tapos na,nangyari na. Hindi tuloy niya alam kung saan maiinis, sa naranasang pambubully ni Ivan, o sa pag-amin nito ngayon.

Napakamemorable naman talaga ng araw bago ang kanilang graduation! Napapailing siya. Hindi bale, pagkatapos ng graduation, siguradong babawi naman siya sa saya. Sobrang excited na siya sa kanyang magiging bakasyon sa lugar ng kanyang ate Charmaine. She can't wait!

Bab berikutnya