"Stable naman na po ang kalagayan niya madam at hindi na po ninyo kailangang mag-alala. Sa susunod na linggo ay maaari na po siyang lumabas." dinig kong sabi ng isang babae habang pilit kong binubuksan ang aking mga mata.
"Yehey! Kung ganun maihahatid na po ninyo ako sa school grandmama?" rinig na rinig ko ang napakasiglang sambit ng isang batang babae.
"Sige po madam. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo." pagpapaalam ng babae kanina.
"Sige doc. salamat" pagsagot ng isang mahinang boses na babae
"Syempre naman apo. Oh sige na at umuwi ka na at kunin mo na ang bag mo. Mag-aaway na naman kayo ng kuya mo 'pag pinaghinintay mo pa yun ng matagal" pagsagot naman nito sa batang babae
"Hmp! Isusumbong ko naman siya kay daddy kapag inaway niya 'ko." pagalit na pagsagot nito.
"Oh sha sha at umuwi ka na kung ganun at baka maunahan pa kayo ng daddy niyo sa pag-uwi." pagpipilit niya sa kaniyang apo.
"Okay grandmama... bye bye" at kasabay nito ang pagsara ng pintoan.
Hindi ko pa rin iminumulat ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Nagulat nalang ako nang may humawi sa pisngi ko kaya unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang napakagandang ginang at nakangiti sakin.
"Gising ka na. Bakit ka umiiyak? May masakit ba?" napakamalumanay nitong mungkahi habang pinupunasan ang luha ko.
"Si-sino po kayo?" tanong ko habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi ko din alam kung bakit ako umiiyak pero hindi ko talaga mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko na parang may masakit sa puso ko na dapat alam ko pero wala... wala akong maisip.
"Bab-ba-kit ga-ganito..." tanong ko sa kaniya at pinilit kong i-angat ang mga kamay ko at pinukpok ang ulo ko.
"Kung ganun nagka-amnesia ka nga. Nagising ka na din kanina kaya tinawag ko ang doctor. Pero pagkatapos ko itong tawagan ay pumikit ka din at hindi na gumising. Dahil sa nangyaring aksidente sayo ay ang ulo mo ang natamaan ng husto. Himala nga daw at nabuhay ka pa. Hindi rin daw alam ng mga doctor kung babalik pa ang ala-ala mo." pagpapaliwanag nito na ikinagulat ko.
"A-ano?" yun nalang ang alam kong sabihin dahil kahit ano namang gawin ko ay wala akong alam. Hindi ko nga din alam kung paano ako napunta sa kalagayan na 'to kaya hindi ko na din alam kung ano ba dapat ang irereak ko.
"Anim na buwan kang coma iha. Sinabi na din nilang wala ka ng pag-asang mabuhay pero hindi namin kayang sukoan ka dahil natagpuan ka mismo sa hacienda namin. Hindi din namin alam kung paano ka napadpad dun pero ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin para malaman kung sino ka at hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Natakot pa kami sayo noong natagpuan ka namin dahil nakasuot ka pala ng maskara, akala namin natatanggal na yung mukha mo kasi hanggang buhok mo ay kuhang-kuha. Mukhang pinagawa mo ang suot mong maskara dahil para talaga itong totoo. Malaki din ang naitulong nito dahil ito ang nasira hindi ang mismo mong mukha. Pagkaadmit namin sayo dito sa hospital ay agad nilang kinuha ang identification mo. Hindi namin alam ku
ay palihim ka na naming pinaimbistiga. Umabot na ng ilang buwan at wala paring resulta ang paghahanap namin kung sino ka. Anim na buwan ka na ring nandito sa hospital kaya ang mga sugat mo sa katawan ay naghilom na." mahaba nitong paliwanag at hinawakan ang kamay ko.
Napakainit ng kamay nito hindi tulad ng kamay ko na napakalamig.
"Bakit niyo po ako tinulongan? Kung anim na buwan na po pala akong walang malay ay imposibleng magigising pa po ako." tanong ko na kahit papaano ay hindi pa naman pala ako tuloyang nawalan ng utak at may alam pa ako.
"Ang aking ina ang nagsabing hanggat may buhay ka pa ay huwag daw naming tatanggalin ang pag-asang magigising ka pa. Hindi man daw namin alam kung sino ka ay siguradong may pamilya ka na umaasang mahanap ka at naghihintay sayo. Ayaw man namin noong una pero sumunod nalang din kami dahil wala namang mawawala kung hihintayin ka naming magising. Nakakatakot lang dahil nang matagpuan ka namin ay nakalagay ka sa isang bag. Hindi lang isang simpleng aksidente ang nangyari sayo kaya lihim din ang ginawa naming paghahanap kung sino ka at sa takot na rin naming malagay ka pa sa kapahamakan." masaya ako dahil naniwala silang mabubuhay pa ako pero bigla akong natakot nang sabihin niyang nakalagay ako sa isang bag.
"Hi-Hindi ako naaksidente? Ku-kung ga-ganun may gustong pumatay sakin?" nanginginig ako sa takot at ngayon ay umiiyak na ako. Alam ko na sa ngayon kung ano ang rason ng iyak ko... at dahil ito sa takot. Takot ako. Takot na takot ako.
Hindi ko alam kung sino ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung isa ba akong masamang tao kaya nila ako pinatay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sana pala namatay nalang ako kung ganito lang din na matatakot ako... natatakot ako na baka isang araw matatagpuan nalang ulit ako sa kung saan at patay na.