Chapter 1885: What Goes Around Comes Around (6)
"Haha, syempre kaya ko! Si Pudding, malamig at tahimik. Palagi siyang kalmado at walang ekspresyon… Si Little Bean naman, cute na foodie na magaling sumipsip sa ibang tao. Kaya kong makita kung sino sila sa ekspresyon nila," sabi ni Huo Mian habang tumatawa. Hindi niya napipigilan ang tawa niya pag ang kambal ang pinag-uusapan.
"Haha, panalo ka…" Tumawa rin si Xixi.
- Sa sandaling iyon, sa golf course -
Pagkatapos maglaro ng golf, dinala ni Su Yu at Tang Chuan ang kambal sa lounge para bumili ng snacks.
"Come on, Bro, bakit mo sila palaging dinadala dito para mag-golf kasama ako? Wala tuloy tayong matapos," reklamo ni Tang Chuan.
"Ano hindi mo natapos? Uncle Tang, baka mamaga ang dila mo kung palagi kang nagsasabi ng mga masasamang bagay tungkol sa ibang tao," sagot ni Little Bean.
"Hindi mangyayari yun, maayos ang dila ko…" sabi ni Tang Chuan, sadyang iniinis ang kambal.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com