Chapter 1840: Mobsters Ang Mga Anak Mo (1)
"Alam kong hindi ako pasado sa iyo dahil hindi nga naging kayo ni Su Yu kahit nanatili siya sa tabi mo all these years. Alam ko at wala akong pakielam kung wala akong chance. Pero ang pagiging diretso ang strongest suit ko. Hindi ko malalaman ang sagot hanggang hindi ko sinusubukan, di ba? Kung wala akong lakas ng loob para subukan, eh di wala akong karapatan para pagnasaan ka. 'Wag kang magalit, President Huo. Kung ayaw mo, eh di 'wag. Okay lang. Pero kung pagsisisihan mo ang desisyon mo sa hinaharap at gusto mong lumapit sa akin, bukas palagi ang pinto ko." Tumayo agad si Jiang Ye.
"'Wag kang mag-alala, walang tsansa iyan. HIndi ngayong buhay ko o sa susunod."
Tinanggihan siya ni Huo Mian.
Tumigil maglakad si Jiang Ye, hinarap niya si Huo Mian at sinabi, "Gustong gusto ko kapag arogante ka."
Walang nasabi si Huo Mian.
Pagkaalis ni Jiang Ye, nagpatuloy sa pagtatrabaho si Huo Mian.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com