Chapter 1774: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (45)
Isang oras at apatnapung minuto tumagal ang matinding laban….
Tahimik lang na nanuod lang lahat, takot na madamay sa away na ito…
Halos hindi makahinga si Huo Mian sa mga pangyayari…
Natatakot siya nab aka masaktan si Su Yu dahil mukhang malakas si Huo Siqian.
Sa bandang huli, parehong parang naligo sa pawis ang dalawa, ang kanilang mga katawan ay balot ng mga sugat, at bibigay na ang kanilang mga binti, pinunasan ni Huo Siqian ang dugo sa kanyang labi. "Su Yu, nakakabilib ka. Makakaalis na kayo…"
Inabot ni Su Yu ang kanyang kamay at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha… bago ito humarap muli kay Huo Mian.
Habang iniinda ang sakit, hinawakan nito ang kamay ni Huo Mian at dinala ito palabas ng mansyon…
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com