Chapter 1689: Makita Kang Masaya (10)
"Mhm."
"Diyos ko, anong nangyaro? Katatawag lang ni Gao Ran kay Xiaowei, takot na takot siya."
"Sabihin mo sa asawa mo ayos lang si Huo Mian, daplis lang ang natamo niya. Kwento ko na lang sa inyo ang nangyari kapag nagkita tayo."
"Sige… Magulo talaga ang mga pangyayari noong mga nakaraan, ingatan moa ng sarili mo ah?"
"Sige."
Matapos ibaba, agad na bumalik sa pagtatrabaho si Su Yu hanggang alas-2 ng umaga.
Dahan-dahan siyang tumayo, nag-inat, at naglakad papunta sa kwarto ni Huo Mian; tiningnan niya ito habang natutulog ito, masayang-masaya siya.
Masaya si Su Yu, basta tahimik lang siyang naroon para kay Huo Mian; minsan hinihiling na lang niya na sana hindi na bumalik si Qin Chu. Sa ganoong paraan, magkakaroon siya ng dahilan para habang-buhay na alagaan si Huo Mian.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com