Chapter 966: Masyadong Maraming Tao ang Gustong Mamatay Ka d (7)
"Mr. Qin, um… Nagbibiro lang ako, haha." Umatras si Zhu Lingling.
"Pero sineryoso ko," seryosong sinabi ni Qin Chu.
"Huo Mian… pigilan mo nga asawa mo, seryoso ba siya?" Parang maiiyak na si Zhu Lingling at walang magawang tiningnan si Huo Mian na para bang gustong humingi ng tulong dito.
Si Huo Mian lang siguro ang tao sa buong mundo na makakapigil kay Qin Chu.
"Honey… ahem… hayaan na natin silang umuwi."
Tiningnan ni Huo Mian ang dalawa na nasa kanilang harapan, at nang makita kung gaano katuliro ang mga ito, hinayaan na niya ang mga ito.
Palihim sana silang lalabas para kumain ng roast duck, pero masyado silang napagkatuwaan nina Qin Chu at Huo Mian.
Pinunasan ni Huo Mian ang kanyang bibig at saka hinila si Qin Chu…
"Salamat sa roast duck." Ngumiti si Huo Mian.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com