Chapter 851: Mabuhay Bilang Lalaki (2)
"Tinawagan ako ni Yue, pero 'di ko maintindihan kung ano sinasabi niya, marami siyang sinabing weird… Nag-alala ako para sa kanya at akala ko lasing siya, kaya tinanong ko kung nasaan siya. Ayaw niya sabihin sakin, tapos kinuha ng lalaki yung phone niya. Tinawag niya akong gigolo at sinabi niya na papunta sila sa Universe Nightclub. Nag-alala ako na baka mapahamak si Yue, kaya pumunta rin ako doon. Pagkadating ko, nakita ko sumasayaw sila sa private room. May mga lalaking nakapalibot kay Yue, punit yung damit niya, at mukhang malungkot siya. Kaya, lumapit ako at gusto ko siyang hilahin, pero ayaw niyang makinig sakin. Tapos, binugbog ako nung lalaking may mga tattoo at dinala ako sa rooftop. Tatalon na dapat sa building si Yue… Gusto ko siya pigilan, pero binugbog nila ulit ako, kaya tinawagan kita," paglalarawan ni Zhixin sa mga pangyayari ng gabing iyon. Tahimik lang habang nakikinig si Huo Mian…
"Sis, kamusta si Yue?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com