"Hindi, sinusubukan ko lang alalahanin ang tobacco na hinihithit ng papa mo. Naaalala ko na ang kahon nito ay blue pero hindi ko matandaan ang pangalan. Ikaw ba? Gusto ko kasi siyang bilhan nito bago tayo pumunya," walang bahala na sabi ni Huo Mian.
Naantig ang puso ni Qin Chu pagkatapos marinig ang sinabi ni Huo Mian…
Ang akala niya ay galit ito pero ang totoo ay iniisip na nito kung anong sigarilyo ang ibibigay sa tatay niya.
Paanong hindi mahuhulog ang loob niya sa babaeng katulad niya?
Sa huli, bumili si Huo Mian ng ilang kahon ng Nanjing na sigarilyo sa supermarket.
Nagkakahalaga ito ng 580 yuan bawat kahon; mukhang ito ang paboritong sigarilyo ng papa ni Qin Chu.
Bumili rin siya ng mga sariwang prutas at pagkatapos nagmaneho pauwi.
Habang pinaparada niya ang kotse sa Imperial Park, nakita niya na papasok ang kotse ni Qin Chu.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com