"Oo, plano ko munang pagalingin ito mula sa ugat nito kaya titigilan mo muna ang pag-inom sa pills. Ang sleeping pills ay pwedeng kontrolin ang nerves niyi… at magdudulot ito ng maraming side effects. Syempre, kung hindi ka naniniwala na kaya kitang bigyan ng pinag-isipan na treatment plan, edi pwede ka ng mamuhay ng walang treatment."
Hindi nagsalita si Ni Yang pagkatapos marinig ang sinabi niya; nahirapan siya.
Nung lumabas si Huo Mian mula sa VIP room, nakangiti siya, dahil punayag si Ni Yang sa huli at piniling paniwalaan siya.
Ang paggamot sa depresyon ay mahirap at matagal na gawain kaya hindi makikita agad ang epekto nito. Dahil naniniwala si Director Li sa kanya, ayaw niyang biguin ito.
"Girl, ano ang pinagkakaabalahan mo?" Pinadalhan ni Zhu Lingling ng WeChat message si Huo Mian nung nakalabas siya sa eroplano.
"Syempre, abala sa pagsagip ng mga buhay."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com