"Hindi ko sasabihin sayo," pamisteryosong ngumiti si Huo Mian.
"Sige, hindi na kita tatanungin kung ayaw mo naman sabihin. Malamang naman ay may kinalaman yan sa akin." Kumpyansang sabi ni Qin Chu.
Pagkatapos nilang sumayaw, kumain sila ng late night snacks, at nakainom si Huo Mian ng maraming red wine na minsan niya lang gawin.
Naghanda si Qin Chu ng tatlong bote ng red wine pero kulang pa ito, kaya kinailangan niya magtawag ng tao para kumuha pa ng isang bote mula sa wine cellar.
Mabuti na lang, ang bagong bahay na ito ay may sariling pribadong wine cellar sa baba, kaya hinayaan niya lang si Huo Mian na mawala siya sa sarili…
Idagdag pa rito, si Qin Chu ay nasa good mood kaya hinayaan niya lang uminom si Huo Mian hangga't gusto nito, pero sa huli…
Pagkatapos nila maubos ang pang-apat na bote, biglang tumayo si Huo Mian…
Pagkatapos, lumapit ito kay Qin Chu…
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com