"Wala." Kaagad namang nagising ulit si Qin Chu sa realidad.
"Bakit ka natulala para sa wala?"
"May naalala lang ako bigla tungkol sa mga nangyari dati sa america kaya naging medyo emosyonal ako."
"Huh? Ibig sabihin ba nito may babae rin sa America na nag-shopping at kumain kasama ka?" Nagsimulang makaramdam si Huo Mian ng selos.
"Hindi, walang kahit na anong babae sa United States. Hindi ko sila nakikita doon." Matigas na pagkakasabi ni Qin Chu.
"Naniniwala ako sayo." Pagkakita sa sincere na paliwanag ni Qin Chu, nagdesisyon si Huo Mian na huwag na itong asarin.
Pagkatapos nila kumain, napadaan sila sa isang ice cream stand ng isang batang babae at dahil hindi kayang tanggihan ni Qin Chu ang pagmamakaawa ni Huo Mian, isang vanilla ice cream ang lumitaw sa mga kamay ni Qin Chu.
Si Huo Mian, sa kabilang banda, ay bumili ng chocolate flavor. Pero, pagkatapos ng ilang kagat, hindi pa rin siya nakuntento rito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com