"Bakit naman hindi?" Nakasuot si Wu Xiaoxue ng itim na dress at pulang beanie. Halata na rin ang maliit na umbok sa kanyang tiyan.
"Oh, ano ang maitutulong ko?" Maraming kailangan gawin si Huo Mian kaya wala siya sa mood para makipag-away kay Wu Xiaoxue.
"Napadaan ako sa isang lugar na dimsum habang papunta ako kaya binilhan na rin kita ng merienda."
Pagkatapos, inilapag ni Wu Xiaoxue ang takeout bag sa lamesa…
Tiningnan ito ni Huo Mian - marami itong laman na pagkain. May panghimagas, macarons at milk tea.
Nagising ba si Wu Xiaoxue sa maling parte ng kama ngayong umaga?
"Bakit mo ito ginagawa?" Naguguluhan, ibinaba ni Huo Mian ang kanyang pen sa kanyang kamay.
"Alam ko kung kailan ako magpapasalamat," simpleng sagot ni Wu Xiaoxue.
Kaagad naman naintindihan ni Huo Mian ang ibig niyang sabihin. Sa totoo lang, kailanman hindi niya inakala na marunong rin pala tumanaw ng utang na loob si Wu Xiaoxue.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com