Dumilim ang mukha ni Wu Xiaoxue pagkabukas ng ampao at nakita ang dalawang nakakaawang 100 yuan na pera sa loob. Tinuro niya si Ning Zhiyuan at malakas na sinabi,
"Tingnan mo? Ano nga ba ulit ang sinabi ko? Hindi na dapat natin siya inimbitahan sa kasal, binigyan niya lang tayo ng 200 yuan. Hindi pa nga sapat ito pangkain ng agahan. Paano niya nagawa ito? Ang bawat mesa ay nagkakahalaga ng 15,800 yuan. Pumunta lang siya para kumain at bigyan tayo ng 200 yuan. Hindi ba siya nahiya?"
"Hindi naman siya kumain. Umalis siya kaagad pagkabigay sakin ng pera," sagot ni Ning Zhiyuan.
"Napakamapagmatiyag mo naman, ang daming tao ngayon pero naalala mo pa kung kumain siya. Ning Zhiyuan, anong meron sayo? May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?"
"Xiaoxue, masyado kang nag-iisip na naman. Kung hindi ko pa siya nakakalimutan, bakit kita papakasalan?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com