webnovel

Paglilipat

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 63: Paglilipat

Kahit kakasabi niya pa lang na iniligay niya ang sweldo niya sa card ni Huo Mian, hindi pa rin ito pumapasok sa utak ni Huo Mian.

"Waiter, bill please," sabi ni Qin Chu.

"Yes sir, ang lahat po ay nagkakahalaga ng 1080 yuan."

"Siya ang magbabayad," tamad na sinabi ni Qin Chu habang nakaturo kay Huo Mian.

Inilabas ni Huo Mian ang kanyang ICBC debit card sa kanyang purse. Kung tama ang pagkaka-alala niya, may natitira pang bababa sa 800 yuan sa card niya. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang inilagay ni Qin Chu. Hindi naman siya pinaglalaruan nito, di ba?

Pagkatapos ma-swipe ang card, maingat na ibinalik ito sa kanya ng waiter. Pagkatapos, sabay silang naglakad paalis sa restaurant.

Puno pa rin ng tanong si Huo Mian pero nahihiya ito magtanong.

"Gusto mo itanong kung magkano ang sweldo ko buwan-buwan no?" Dahil nakita niya ang pag-aalinlangan nito, si Qin Chu na ang nagtanong para sa kanya.

Mabilis na tumango si Huo Mian.

Hindi mapigilang mapangiti ng kaunti ni Qin Chu nang makita niya ang cute nitong pagsagot.

"Bakit hindi mo i-check sa banking app mamaya?"

"..."

Anong klaseng sagot yan? Pinaglalaruan ba siya nito?

Nang biglang, nag-ring ang cell phone ni Qin Chu.

"Sige, naiintindihan ko pero may mas importanteng business akong kailangan gawin ngayon. Pakisabi na delayed ang meeting for another thirty minutes."

Pagkatapos niya magsalita, ibinaba na niya ang phone.

"Dahil may importanteng business ka, maghiwalay na tayo rito. Sasakay nalang ako ng bus pauwi."

Cold na tumingin si Qin Chu kay Huo Mian, "Ang importanteng business na sinasabi ko ay ang paghatid sayo pauwi," sabi niya.

Kitang-kita sa expression ni Qin Chu na sinasabi nito na siya ay isang hangal.

Minsan, napapa-isip siya kung si Huo Mian, na minsan nang nabansagang genius dahil sa IQ na 130 nito, ay isa sa mga weirdos na may mataas na IQ pero mababa ang EQ.

Pagkarinig sa sinabi ni Qin Chu, kitang-kita na medyo nahuli ang expression ni Huo Mian nang ilang saglit.

Pagkatapos, isang mainit na pakiramdam ang nagsimulang pumuno sa kanyang dibdib.

"Tara, pasok na sa kotse."

Pagkatapos ng twenty minutes, ibinaba ni Qin Chu si Huo Mian sa kanyang apartment building.

"Nakauwi rin sa wakas. Salamat sa paghatid."

HIndi pa rin siya sanay sa maayos na pagtrato sa kanya ni Qin Chu, Syempre, nagkahiwalay din sila ng mahigit seven years.

Kailangan pa niya siguro ng oras para masanay sa biglaang pagiging malapit nila.

"Pagkagaling ko sa trabaho, susunduin kita."

"Hindi na kailangan."

"Tapusin mo na ang lease mo para sa apartment na ito. Lilipat ka na kasama ako," base sa tono ni Qin Chu, isa itong utos.

"Hindi," mabilis na tanggi ni Huo Mian.

Tumingin si Qin Chu sa kanya nang may kumplikadong expression sa kanyang mukha, "Mag-asawa na tayo. Huwag mong sabihin na maghihiwalay tayo agad pagkatapos ng kasal? Maliban nalang kung iniisip mo na dahil tapos na ako tumulong, hindi mo na ako papansinin sa loob ng kalahating taon at pagkatapos ay makikipag-divorce ka na. Hindi mo na ba tutuparin ang mga sinabi mo dahil hindi mo na ako kailangan?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin," tutol ni Huo Mian.

"Edi okay na ang lahat, susunduin kita ngayong gabi. Wala ka nang kailangan dalhin na kahit ano dahil ready na ang lahat sa bahay ko," hindi na niya inantay ang sagot ni Huo Mian at umalis na kaagad si Qin Chu.

Habang nakatingin sa matangkad at malapad na likod nito habang naglalakad siya palayo, napabuntong-hininga si Huo Mian.

Seven years na ang nagdaan pero ang pagiging bossy at suplado niya ay di pa rin nagbabago. Mas naging malala pa nga ito.

Ngunit, ang pagtira kasama siya… okay lang ba talaga yun? Hindi ba siya nakatira kasama ng pamilya niya?

Nakilala na niya ang mag-asawang Qin ilang taon na rin ang nakalipas at ayaw ng mga ito sa kanya.

Hindi niya rin naman gusto ang mga ito. Pagkatapos ng pagkamatay ni Uncle Jing, mas nakikita niya ito bilang murderers ni Uncle Jing kaysa sa pagiging magulang ni Qin Chu.

HIndi ma-imagine ni Huo Mian kung paano siya titira sa isang bubong kasama ng mga taong kinakasuklaman niya.

Dumating is Qin Chu sa kanyang opisina pagkatapos ng limang minuto bago magsimula ang meeting.

Dumiretso siya kaagad sa conference room. Pagkakuha sa mga dokyumento na iniabot ng assistant niya sa kanya, dinaanan niya ng tingin ang mga ito at nakinig sa mga reports ng mga executives ng bawat department.

Pagkatapos ng ilang oras, natapos na ang meeting. Hindi nagsalita si Qin Chu nang kahit isang beses simula sa umpisa hanggang sa huli.

"Mr. Qin, natapos na po ang meeting ng maayos. May balak ka pa po ba idagdag?" maingat na tanong ni Mr. Yang.

Mabagal na isinara ni Qin Chu ang hawak niyang file at tumingin sa buong kwarto.

Isa-isang binaba ng mga executives ang kanilang ulo, walang may lakas ng loob na makipagtitigan sa kanilang boss sa takot na baka may magawa silang mali.

"Sabihan ang Finance Department na doblehin ang sahod nang lahat ng mga empleyado sa buwan na ito."

"Mr. Qin, Ito ay..." sobrang biglaan na magandang balita kaya walang masabi si Yang.

Lahat din ng mga executives ay naging tuliro. Special ba ang araw na ito?

Bab berikutnya