webnovel

Kabayaran

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 58: Kabayaran

Umiling si Huo Mian. "Hindi, gusto ko lang bigyan si mama ng mas marami pang oras dahil hindi rin ganoon ka-ganda ang kalagayan niya at takot ako na baka hindi niya kayanin."

Tumingin ng matagal si Qin Chu sa mga mata ni Huo Mian, talo na agad ito sa sobrang sincere ng mga mata nito.

"Sige, gagawin natin kung ano ang gusto mo."

Pagkatapos, tumayo si Qin Chu para umalis…

"Saan ka pupunta?"

"Babalik sa kumpanya," habang nagsasalita, hinubad ni Qin Chu ang kanyang scrub suit at palabas na.

"Bakit hindi ka muna kumain bago umalis? May employee cafeteria sa baba," biglang nagsisi si Huo Mian sa kanyang sinabi. Ang isang katulad ni Qin Chu kakain sa employee cafeteria?

"Hindi, ayos lang ako."

Sabi na nga ba, hihindi siya…

Nasa may pintuan na si Qin Chu, nang biglang tumalikod ito at mukhang may nakalimutan. Kinuha niya ang baso ng maligamgam na tubig at ininom lahat ng ito.

"Ang sarap," pagkatapos. Tuluyan nang umalis si Qin Chu…

Naiwang tuliro si Huo Mian at napa-isip, 'paano naging ganoon kasarap ang isang basong tubig?'

Pagkabalik ni Qin Chu sa GK, binati siya ng naguguluhang Assistant Yang.

Nawala bigla ang president sa loob ng limang oras at dahil patay ang cellphone nito, gaano man kaliit o kalaking halaga ang kailangan gawin ay di niya magawang sabihin o matanong man lang dito.

Dahil dito, sa Chairman of the Board siya nagtanong ng mga gagawin. Nag-alala masyado ang chairman at ipinag-utos na hanapin ang President.

Balak pa nga nito magpatawag ng pulis…

"Mr. Qin bumalik ka na rin sa wakas," mukhang miserable ang mukha ni Assistant Yang.

"Anong nangyari?"

"May importanteng dokumento ang kailangan ng pirma niyo pero patay ang phone niyo. Kaya tinawagan ko ang chairman, para siya ang umasikaso. Pero..."

"Ituloy mo lang."

"Pero nag-aalala ang chairman sa kalagayan mo. Maraming tao galing sa corporation ang naghahanap sa'yo sa buong city. Akala nila naaksidente ka, Mr. Qin, saan ka nagpunta?"

"Bakit ko kailangan sabihin sayo kung saan ako pumupunta?" cold na tiningnan ni Qin Chu si Assistant Yang.

"Hindi, hindi ito ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang po ako sa inyo at marami rin ang kailangan asikasuhin sa corporation. Di ko po kayang i-handle lahat kapag nawala ka po ng limang oras."

"Kung madali lang maging assistant sa GK, sa tingin mo ba papa-swelduhan kita ng 30,000 a month?" tanong ni Qin Chu.

Walang masabi si Assistant Yang…

Pero tama naman siya. Di ba responsibilidad naman talaga ng assistant ang mag-asikaso ng mga bagay-bagay para sa president?

"Mr. Qin, kailangan po ng pirma niyo sa mga documents na ito. Pakitingnan po."

"Sige," tumango si Qin Chu, mukha nang pagod ito.

"Mr. Qin, mukhang nanghihina ka."

"Bigyan mo ako ng tubig," utos ni Qin Chu.

"Syempre po."

Maingat na nilapag ni Assistant Yang ang isang baso ng maligamgam na tubig sa desk…

Habang nakatingin siya sa kanyang mga files, uminom si Qin Chu ng kaunti.

Nagsalubong ang mga kilay nito…

"Ano pong problema Mr. Qin? Masyado bang malamig ang tubig?"

"Bakit wala itong lasa?" Inangat ni Qin Chu ang kanyang ulo at seryosong nagtanong.

Nagulat si Assistant Yang sa tanong nito kaya naman nautal ito. "Hindi naman po ito kape o tsaa. Isang simpleng tubig lang po ito. Di ba po dapat walang talagang lasa ito?"

"Kaso yung tubig na kakainom ko lang ay sobrang sarap."

"Um...Mr. Qin, saan niyo ininom yung tubig? Pwede ko naman pong tingnan yung brand mamaya."

Hindi sumagot si Qin Chu, nagtrabaho nalang ito ulit.

Nanatiling nasa magandang kondisyon si Jing Zhixin pagkatapos ng operasyon. Sinabi na rin ni Huo Mian ang magandang balita sa kanyang ina. Kahit medyo malungkot pa ito, nakapagrelax siya kahit papaano dahil sa balita.

Pagkatapos, papunta na si Huo Mian sa OB/GYN Department para magreport sa head nurse pero napatigil siya dahil sa hindi pamilyar na middle-aged woman.

"Ikaw ba ang ate ni Jing Zhixin?"

"At ikaw naman ay si?"

"Isa ako sa mga nanay ng mga biktima sa aksidente. Sobrang injured ang anak ko; napilay siya."

"May kailangan ka ba sakin?" tanong ni Huo Mian habang nakatingin sa mukha ng babae.

"Sapat na ba sa iyo yung binigay nilang bayad? Pumayag ka rin ba na pribadong aregluhin nalang natin ito?"

"Anong bayad? Aregluhin ng pribado?" naguguluhan na tanong ni Huo Mian dahil wala pang kumakausap sa kanya tungkol sa kahit anong bayad.

Bab berikutnya