webnovel

Panganib

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 26: Panganib

"Huo Mian, wala ka nang kailangan sabihin pa. Napagdesisyunan na ito kaya gawin mo nalang ang utos sa iyo. Ito ay ipinapaubaya sa iyo ng ospital. Kapag naka-recover ng maayos ang official, bibigyan ko ng reward ang mga tumulong sa procedure ng bonuses at honors."

Umiling si Huo Mian at tumayo. "Director, hindi ko kailangan ng awards at honors," sabi niya, "Sa tingin ko ay hindi ko kayang gawin ito. Sorry po pero hindi ko po matatanggap ito."

"Sobrang tigas talaga ng ulo mo no?" rinig sa boses ng Director ang pagkalungkot.

"Director, sinasabi ko lang po ang totoo base sa nakikita ko. Masyado po kasing mahalaga itong surgery. Kung magpapa-anak po tayo o kung ano man pong malapit dito baka pumayag pa ako ngunit ito ay isang neurosurgical procedure, baka makasagabal lang ako sa team. Mas maganda pong maghanap po kayo ng mas babagay sa dito. "

Tumayo si Huo Mian at dumiretso sa may pintuan. Hindi niya tatanggapin itong mapanganib na procedure.

Kinuwekwestyon niya ngayon ang pag-iisip ng Director. May hundreds of outstanding nurses naman ang First Hospital, kaya bakit siya ang pinili, isa lang siyang intern sa OB/GYN department, para maging isang scrub nurse sa napaka-importanteng operasyon? Nakakatawa.

Bubuksan pa lang ni Huo Mian ang pinto nang biglang nagsalita ulit ang director.

"Huo Mian. Ang totoo niyan, hindi ako ang nagdesisyon para ikaw ang maging scrub nurse sa surgery na ito. Isa sa mga attending neurosurgeons na humahawak sa case na 'to ang personal na nag-request sayo."

"Isang attending neurosurgeon ang nag-request sakin?" napatalikod si Huo Mian sa pagkagulat.

"Oo at itong attending neurosurgeon ay sobrang mainitin ang ulo at mahirap ma-imbitahan. Kaya naman sobrang daming effort ang binuhos namin para lang makumbinsi siyang gawin itong surgery, ngunit may isa lang siyang request –'yon ay ikaw ang maging scrub nurse niya. Kung hindi, hindi niya itutuloy ang surgery. Ngayon dapat malaman mo na buhay ang nakataya dito. Isang bigtime official ang nasa ospital pa rin natin. Kung ano man ang mangyari sa kanya… parehas tayo maapektuhan at ang buong ospital ay babagsak kapag hindi ito naisagawa ng maayos. "

"Pero…" gulat na gulat si Huo Mian. "Wala akong kilalang kahit sinong attending surgeons. Baka namali lang siya ng pangalan? Wala na ba akong ibang kapangalan na nurses dito sa ospital?"

"Wala. Ikaw lang ang tanging Huo Mian dito. Hindi ako magkakamali tungkol dito."

"Pero…" medyo nag-aalangan pa rin si Huo Mian.

"Huo Mian, itigil mo na ang kakasabi ng 'pero', wala na dapat tayong inaaksayang oras. Mangyayari ang surgery three hours from now, at dapat nasa OR ka na one hour before para mag-prep. Kailangan mo rin makilala ang iba mo pang team members."

"Director…"

"Huo Mian, isa itong utos. Dapat tanggapin mo ito," nawawalan na ng pasensya si Director Wu. Nag-iba na ang mukha nito at ang kilos nito ay parang namimilit na.

Natahimik si Huo Mian.

Iniisip niya na maging overly inconsiderate dahil balak niya magresign ngayon na. Ngunit kapag ang surgery ay nag-fail at namatay ang official, paniguradong makokonsensya siya?

Gusto na umiyak ni Huo Mian. Dapat alam na niya na hindi good news ang dahilan ng pagtawag sa kanya ng director mismo.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan, tumango na rin sa wakas si Huo Mian.

"Great. Mag-ayos ka na ngayon. Dapat nasa Neurosurgery Department's VIP OR ka na sa may top floor pagkatapos ng isang oras."

"Okay," tumango ulit si Huo Mian.

Pagkalabas ng Director's Office, gulong-gulo ang utak ni Huo Mian.

Pagkabalik niya sa Obstetrics and Gynecology Department, nakita niya ang head nurse na naghihintay kasama pa ang ibang nurses. Medyo mukha silang welcoming committee.

"Huo Mian, tinawagan ako ng director at mabilis na pinaliwanagan tungkol sa sitwasyon ngayon. Bilisan mo magpalit, at pagkatapos, magsagawa ng full-body sterilization. Pag natapos mo na lahat, may magtuturo sayo paakyat sa operation room sa pinakamataas na palapag."

"Uh… Head Nurse, ayos lang po. Kaya ko naman po mag-isa," hindi sanay sa special treatment si Huo Mian.

"Hindi pwede. Sobrang importante ng gagawin mo at dapat magawa mo ito ng maayos."

"Miss Huo, ang swerte mo! Narinig kong personal na ni-request ka ng isang attending neurosurgeon!"

"Hindi ko rin alam ang nangyayari."

"Kaibigan mo siguro yung attending surgeon? Bakit walang nangyayaring ganito kaganda sa 'min?" Pag-angal ng ilan sa mga batang nurses.

"Uh… Wala akong kilalang mga attendings," salungat na sagot ni Huo Mian.

"Tama na ang pag-uusap. Bilisan mo na at maghanda ka na, Huo Mian. Ipapaalala ko lang sayo na magandang nakuha mo ang tiwala ng Director sa task na ito, pero kapag nagkamali ka, hindi lang pagpapatalsik ang magiging parusa mo. Alam mo kung gaano kaimportante ang pasyenteng ito, tama ba?" ang salita ng head nurse ay straight to the point.

Tumango si Huo Mian at sumagot, "Alam ko. Pag nag-fail ito, katapusan na rin ng buhay ko."

Pagkatapos niya magsalita, namutla ang ibang batang nurses.

"Ngayon, sa tingin niyo pa ba maswerte si Huo Mian?" tanong ng head nurse nang may madilim na expression. "Meron pa ba sa inyo na gusto pumalit sa kanya?"

Bab berikutnya