webnovel

Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (3)

Editor: LiberReverieGroup

Mula pagkapanganak hanggang sa magdalaga, nasanay si Qiao Anhao na

laging may ibang taong gumagawa para sakanya ng mga bagay-bagay.

Pero noong naghiwalay sila ni Lu Jinnian dati ng anim na buwan, nasanay

siyang kumilos para sa sarili niya – magbayad ng bills, maglinis, magpalit ng

bumbilya, at magluto. Pero pagkatapos nilang maikasal, inispoiled siya nito ng

sobra, sa puntong hindi niya na kayang mabuhay ng wala ito sa tabi niya.

Mula noong mabaog si Qiao Anxia, si Little Rice Cake na ang naging munting

kayamanan ng mga Qiao, at dahil sobrang bibo rin nito, giliw na giliw sina

Uncle at Auntie Qiao, na wala ng ibang hiniling kina Lu Jinnian at Qiao Anhao

kundi ang mahiram ito palagi.

Isang araw, sa hindi malamang kadahilanan, sobrang lamig sa Beijing kaya

pagkauwi ni Lu Jinnian, bahing siya ng bahing. Sakto, nandoon din si Auntie

Qiao para bisitahin si Little Rice Cake, pero noong nakita nito na parang may

sakit siya, nagpaalam ito sakanilang magasawa na iuuwi nalang muna nito si

Little Rice Cake para hindi mahawa sakanya.

Sa totoo lang, maayos naman talaga ang pakiramdam ni Lu Jinnian noong una,

pero pagsapit ng alas nuebe ng gabi, bigla siyang inapoy ng lagnat. Kagaya ng

dati, ayaw niya pa ring magpadala sa ospital, at dahil abala si Madam Chen sa

gawaing bahay, si Qiao Anhao nalang ang nagasikaso sakanya.

May first aid kit sila sa bahay, pero simula noong makasal sila, siya lang ang

nakakagalaw 'nun, kaya ngayong hindi siya makabangon, kailangan itong

hanapin ni Qiao Anhao. "Hubbym nasan yung first aid kit?"

"Nasa ibabaw ng TV" Hinang-hinang sagot ni Lu Jinnian.

Nang mahanap na ito ni Qiao Anhao, hindi na siya nag'abala pang magbasa ng

manual, at kagaya ng nakasanayan, muli siyang nagtanong kay Lu Jinnian,

"Anong kailangan mong gamot para sa lagnat? Anti-inflammatory ba? Ilan

kailangan mo?"

Malinaw na sobrang sama ng pakiramdam ni Lu Jinnian, pero sa kabila nito,

walang pa rin kahit anong bakas ng inis sakanya sa tuwing sumasagot siya sa

mga tanong ni Qiao Anhao. "Dalhin mo dito…"

Pagkapasa ni Qiao Anhao ng first aid kit, naglabas si Lu Jinnian ng dalawang

magkaibang gamot.

At dahil hindi pa kumuha ng tubig si Qiao Anhao, dali-dali itong tumakbo

pababa sa kusina. Habang naghihintay, humiga muna si Lu Jinnian, pero

makalipas lang ang ilang segundo, bigla siyang napabangon nang may narinig

siyang nabasag galing sa baba, kaya sa kabila ng masamang pakiramdam,

nagmamadali siyang tumakbo. Nang makita si Qiao Anhao na nakaluhod sahig

habang nagpupulot ng mga bubog, natakot siya nab aka masugatan ito kaya

bigla niya itong hinila, "Ako na, kunin mo nalang yung gloves.'

Mabilis namang dinala ni Qiao Anhao ang gloves pero nang makita niyang

sobrang putla ni Lu Jinnian, hindi niya ito inabot dito, bagkus, binalak niya

itong isuot sa sarili niya, pero bago niya pa magawa, bigla itong inagaw ni Lu

Jinnian, at lumuhod para linisin ang mga kalat. Nang masigurado nitong wala

ng mga mga bubog na natira, kumuha ito ng tubig para sa sarili nito at sabay

silang umakyat.

Pagkatapos uminom ni Lu Jinnian ng gamot, sabay na silang humiga sa kama.

Kinapa ni Qiao Anhao ang noo nito, at nang maramdamn niya na lalo pa itong

uminit, bigla siyang nalungkot… Gusto niya kasi sana talagang alagaan ito,

pero noong sinubukan niya, naging sakit pa siya sa ulo nito….Mula noong

ikasal sila, ibinigay nito ang lahat ng mga gusto at pangangailangan niya, kaya

ngayon literal na wala siyang ideya sa gawaing bahay… Dahil dito, napapikit

nalang siya at malungkot na nagtanong, "Lu Jinnian, pangit ba ako maging

asawa?"

"Mmh?" Bahagyang dumilat si Lu Jinnian at naguguluhang tumingin kay Qiao

Anhao.

Bab berikutnya