webnovel

Pagpapatuloy (16)

Editor: LiberReverieGroup

Naranasan niya na ring mamatayan ng nanay, kaya naiintindihan niya kung

gaano kasakit para kay Song Xiangsi ang naging pagkawala ng tatay nito. Sa

totoo lang, alam niyang walang salitang sasapat para gumaan ang

pakiramdam nito, pero hindi niya rin naman kayang hayaan nalang itong

daingin ang sakit ng magisa, kaya kahit alam niyang baka itaboy lang siya nito,

dahan-dahan siyang nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marinig ni Song Xiangsi na may papalapit sakanya, gulat na gulat siyang

napatingin kay Xu Jiamu, na para bang nagtatanong ang kanyang namumugto

mga mata kung paano siya nahanap nito.

Wala itong sinabing kahit ano, bagkus, hinawakan lang nito ang kanyang

kamay at hinila siya patayo, at bago niya pa man maproseso ang nangyayari,

bigla siyang niyakap nito at bumulong, "Sige lang, umiyak ka lang."

Habang nagsasalita si Xu Jiamu , ramdam niya na ang paghigpit ng yakap nito

sakanya.. "Kung gusto mong umiyak, nandito lang ako para sayo."

Dalawang oras ng umiiyak si Song Xiangsi, at tumahan na rin siya, pero

matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Xu Jiamu, muli nanaman siyang

naging emosyunal, at sa pagkakataong ito, hinayaan niya lang ang sarili

niyang ilabas ang lahat ng gusto niyang ilabas.

Palakas ng palakas ang ulan, kaya ang magkakasabay na sipol ng hangin,

ulan, kidlat at iyak ni Song Xiangsi ay pantay-pantay na naririnig ni Xu Jiamu.

Mula upisa hanggang dulo, hindi nagsalita si Xu Jiamu at niyakap lang si Song

Xiangsi ng mahigpit.

Naalala niya noong gabing namatay ang mama niya, hinayaan lang din siya ni

Song Xiangsi na ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya habang nasa

tabi nito para hindi niya maramdaman na mag'isa lang siya.

Noong gabing 'yun, dahil sa presensya nito, medyo nabawasan ang bigat ng

puso niya.

Ngayon, kagaya ng ginawa nito sakanya noon, sisiguraduhin niyang hindi rin

niya hahayaang maramdaman nito na mag'isa nalang ito.

Medyo matagal din bago tumahan si Song Xiangsi, pero sa kabila nito, walang

bakas ng kahit anong pagmamadali kay Xu Jiamu, kaya halos sampung minuto

pa silang nanatiling magkayakap, bago siya yumuko para dahan-dahang

punasan ang mga natira nitong luha. Pagkatapos, nang masigurado niyang

mas kalmado na si Song Xiangsi, hinawakan niya ang kamay nito, at sabay

silang naglakad palabas ng mini forest.

Ang Song Xiangsi, na kilala ng lahat na mayabang at mapagmataas, ay wala

pa ring pinagbago… Kung gaano siya ka'masunurin at ka'bait pagdating kay Xu

Jiamu… Ganun pa rin siya hanggang ngayon… Sadyang may mga bagay lang

siyang dapat gawin para hindi na siya masaktan… Pero matapos niyang

maramdaman ang pagaalala nito sakanya, hindi na siya pumalag at hinayaan

nalang itong hilain siya pauwi.

Pagkarating nila sa bahay ng mga Song, dali-daling nagpainit si Xu Jiamu ng

tubig para makaligo si Song Xiangsi bago siya magluto ng ginger soup.

Sa pagkakataong ito, hindi na pumalag si Song Xiangsi habang sinusubuan ni

Xu Jiamu.

At nang maubos niya na ang buong mangkok, mahinahong nagtanong si Xu

Jiamu, "May gusto ka bang kainin?"

Tumungo si Song Xiangsi.

"Anong gusto mong kainin?" Nakangiting tanong ni Xu Jiamu.

"Sweet and sour fish…" Pagkatapos itong sabihin ni Song Xiangsi, bigla siyang

natigilan, at gusto niya pa sanang baguhin ang sinabi niya, pero tumungo na si

Xu Jiamu at mahinahong sumagot, "Sige, paglulutuan kita."

Habang nakaupo sa sala, nakatitig lang si Song Xiangsi kay Xu Jiamu, na

nagmamadaling magluto kahit basang basa pa ang damit.

-

Mabilis na sinerve ni Xu Jiamu ang sweet and sour fish na nirequest ni Song

Xiangsi. Sa takot na baka sobrang nagugutom na ito, dali-dali niya itong

binigyan ng isang pares ng chospticks at habang kumakain ito, maya't-maya

niya rin itong pinaalalahanan na mag'ingat sa tinik.

Mula umpisa hanggang dulo, tahimik lang na kumakain lang si Song Xiangsi

habang hinihimayan ni Xu Jiamu, pero noong patapos na siya at nakitang

gusto pa nitong magligpit, tinignan niya ng diretso sa mga mata at sinabi,

"Magshower ka na."

"Sige." Walang tutol na tumungo si Xu Jiamu, pero bago siya tumayo at

maglakad papunta sa CR, halos kalahating minuto pa siyang nanatili

sakanyang kinauupuan habang nakatitig kay Song Xiangsi, na nagpatuloy sa

pagkain.

Pagkatapos niyang magshower, wala na si Song Xiangsi sa dining table, at ang

tanging naiwan nalang ay ang kalahati ng isdang kinakain nito kanina, at ang

pares ng chopsticks na mukhang biglang nabitawan.

Bab berikutnya