webnovel

Pagkatapos (26)

Editor: LiberReverieGroup

"Isa pa, kahit naman totoong hindi tayo magkakilala, tutulungan pa rin naman

kita kapag tumakbo ka sa akin kasi hindi naman ako masamang tao."

Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, sinubukan niyang maghintay kung may

gusto pang sabihin si Song Xiangsi pero nang maramdaman niya na mukhang

wala itong planong sumagot, hindi na siya nagpumilit pa, lumabas nalang siya

at isinarado ang pintuan.

Habang naglalakad, dali-dali siyang nagsuot ng T-shirt, at wala pang limang

segundo, walang pagdadalawang isip niyang kinuha ang susi ng kanyang

sasakyan at tuluyan ng umalis ng private room.

Kagaya ng pangako, binayaran niya muna ang bill pagkarating niya sa front

desk bago siya lumabas ng Four Seasons Hotel.

Taliwas sa usapan nilang dalawang oras, wala pang alas nuebe noong

nag'walk out siya… saktong sakto sa rush hour….

Dumiretso siya sakanyang sasakyan, pero imbes na sumakay, huminto siya sa

tapat ng driver's seat at habang nakapamulsa, dahan-dahan siyang tumingala,

na para bang tinititigan niya ang bintana ng private room kung nasaan si Song

Xiangsi.

Mahigit labinlimang minuto siyang nanatili sa ganong posisyon, bago siya

yumuko para buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan at humarurot ng alis.

Kahit pala sa pagibig, totoo pa rin pala ang kabasihang, 'opportunity knocks

only once'…. Na kapag hindi mo iningatan ang pagkakataong alagaan ang

taong mahal mo, malabo ng pagbigyan ka pa ulit ng tadhana…

Parang sila… ni Song Xiangsi…

Mula noong iniwan siya nito ng biglaan, walang segundong lumipas sa

nagdaang tatlong taon na hindi niya ito naisip…. Araw-araw, nagdadasal siya

na magpakita na ito sakanya para magkaayos na sila at magkapagumpisa na

ulit ng bagong simula… Pero ngayong tinupad na ang kahilingan niya na muli

silang magkita, para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa

katotohanan na kahit anong gawin niya ay hindi na pwedeng matupad ang iba

niya pang mga kahilingan dahil hindi talaga sila nakatadhana para sa isa't-

isa…

Sobrang nakakalungkot lang na pagkatapos niyang lumaban ng ilang taon,

hindi pa rin pala ito sapat para paboran siya ng langit…

Pero hindi dito natatapos ang buhay… Naniniwala siya na isang araw

magigising nalang siyang okay na siya at naka'moved on na…

-

Mula noong gabing 'yun, hindi na ulit kinontak ni Xu Jiamu si Song Xiangsi.

At maging ang commercial endorsement project na pinakiusap niya sa Board of

Directors ay ibinalik niya na rin kay Chief Luo.

Sa madaling salita, nagpatuloy siya sa buhay niya… Araw-araw siyang

pumapasok sa trabaho, nakikipag meeting sa mga kumpanya na may potensyal

na maging kasosyo ng Xu Enterprise, nagoovertime, kumakain ng mag-isa,

natutulog ng mag-isa, at minsan nagpupuyat din ng magisa… Parehong pareho

pa rin sa mga dati niyang ginagawa, pero para sa mata ng mga taong

nakapaligid sakanya… Malayo na siya sa dating Xu Jiamu… Malayong malayo

ang personalidad nila ni Lu Jinnian… Kumpara sa kuya niya, di hamak na mas

approachable siya… ganun pa rin naman siya hanggang ngayon, pero ang

kapansin pansin lang na pagbabago niya ay parang isang araw ay bigla nalang

siyang naging isang robot na trabaho lang ng trabaho, na hindi nakikitang

tumatawa, nagagalit, o nalulungkot…

Dahil isa siya sa mga major shareholder ng kumpanya ni Chief Luo, normal

lang na may mga pagkakataong nagtatanong ito sakanya, pero noong araw na

ibinalita nito sakanya na pumirma na si Song Xiangsi, hindi siya nagpakita ng

anumang reaksyon at parang normal na dokumento lang, pinirmahan niya ito

ng walang pagdadalawang isip.

Pagkatapos ng pirmahan, nagset sila ng conference para sa lahat ng kasama

sa endorsement project.

Siyempre bilang main lead, nandoon din si Song Xiangsi. Para talaga silang

pinaglalaruan ng tadhana dahil sa lahat ba naman ng pwede nitong

mapwestuhan ay sa tapat pa talaga niya. Halos isang metro lang ang layo nila

kaya kung gugustuhin nilang tignan ang isa't-isa, abot kamay lang, pero sa

kabila nito, hindi tumingin kahit isang beses. Madalang lang din siyang

magsalita at nang matapos na ang meeting, nagyaya si Chief Luo ng dinner

para sa buong grupo, pero tumanggi siya at nagmamadaling kinuha ang mga

dokumentong dala niya, at umalis kasama ang kanyang secretary.

Kagaya ng sinabi niyang rason, totoong nakipagkita siya sa isang kliente.

Medyo mahirap itong kausap, pero sa kabila ng mga pinagdadaanan niya,

naging pasensyoso pa rin si Xu Jiamu at pinagtyagaan itong kausapin sa loob

ng dalawang oras. Bandang huli, hindi pa rin sila nagkaayos, pero imbes na

magalit, hinayan niya lang ito at higit sa lahat, hinatid niya pa ito hanggang sa

elevator.

Pagkabalik niya sa opisina, hindi pa man din siya nakakpagpahinga ay

natanggap niya naman ang tawag ni Lu Jinnian na pinapaalalahanan siya. "Sa

China World Hotel gaganapon ang party mama…."

Pero hindi pa man din ito ito tapos magsalita ay sumagot na siya, "Pupunta

ako."

"Anong nakain mo at bigla mong naisip pumunta?" Gulat na gulat na tanong ni

Lu Jinnian.

Naglakad si Xu Jiamu papunta sa bintana at habang nakadungaw sa

kalangitan, muli siyang nagsalita ng mabagal, "Gusto ko ng ikasal."

Bab berikutnya