webnovel

Peligro (5)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkapindot niya ng 'Okay', muling nagalert ang kanyang phone ng ilang beses –lahat ng btext ay galing kay Lu Jinnian. Sa tagal nilang magkakilala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap siya ng message galing kay Lu Jinnian, kaya habang pinagmamasdan niya ang kanyang screen na maya't-mayang nagpopop up ng mga salitang "Brother-in-law", pakiramdam niya ay parang unti-unting binubunot ang malaking tinik na nakabaon sa puso niya.

Ang unang message ay picture ng isang sky blue na dress na nakahanger, at sa ilalim nito, ay may nakasalansan na isang pares ng high heels na galing sa parehong brand.

Ilang sandali niya ring tinitigan ang picture bago niya ito iexit at buksan ang sunod na message.

[Ako si Lu Jinnian. Alam kong ayaw mong umattend sa kasal namin ni Qiao Qiao, at malinaw yun sakanya, pero inorder niya pa rin ang gown na 'to para sayo. Gutso langf sabihin sayo na wala siyang kaalam alam tungkol sa voice recorder, at sinisigurado ko sayo na hindi niya malalaman ang tungkol dun.]

Natural sa pagkatao ni Lu Jinnian ang pagiging prangka kaya kahit sa maikling text ay nabigyan niya ng diin ang mga puntong gusto niyang linawin.

Muling sumandal si Qiao Anxia sa kanyang kinauupuan at inexit ang pangalawang text para muling tignan ang picture.

At pagkalipas ng tatlong minuto, hindi niya na kinaya at tuluyan na siyang umiyak. 

Hindi niya makakalimutan ang dress na sinend ni Lu Jinnian…Tatlong taon na ang nakakalipas, tandang-tanda niya na nanunuod sila ni Qiao Anhao ng TV, at sakto, may kinakasal sa pinapanuod nila at pagkadaan ngdumaan ang bridesmaid, pabiro niyang sinabi sa pinsan niya na gusto niya na ganun din ang dress na isusuot niya kapag kinasal ito. At nalala niya pa nga na sinabi niyang gusto niyang sa araw na yun, sisiguraduhin niyang siya ang pinaka maganda at wala siyang pakielam kahit matalbugan niya pa ang bride.

Sa totoo lang, nagbibiro lang siya noong araw ngayon, pero hindi niya naman akalain na tatatak pala sa isip ni Qiao Anhao ang mga simpleng salita na para sakanya ay wala namang ibig sabihin at ang pinaka nakakabagbag damdamin sa lahat ay sa kabila ng lahat ng pagmamaldita niya, ay hindi ito nagtanim ng galit sakanya at talagang pinagawan pa siya ng ekstaktong dress na sinabi niyang gusto niya.

Pero segundo lang ang eksenang yun sa TV, hindi ba? Ibig sabihin…. Pinanuod ng pinsan niya ang replay kinabukasan para lang silipin ulit ang dress?

At ano ang ibig sabihin ng huling linya ng text ni Lu Jinnian?

Labintatlong taong minahal ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, at ganun din si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, pero dahil sa kasakiman niya, siya mismo ang naglapag ng pamalong lalatay sa dalawa.

Oo… nagkamali si Han Ruchu, pero kung hindi niya sana sinabi na si Qiao Anhao ang gusto ni Xu Jiamu, wala sigurong trahedyang mangyayari…

Sa tagal nilang magkasama ng pinsan niya, kahit kailan ay hindi siya sinaktan nito. Siya ang may malaking pagkakamali pero bakit noong bumisita ito sa bahay nila, dinalhan pa rin siya nito ng mga paborito niya? Bakit ba sobrang bait pa rin nito sakanya? Bakit pinagtanggol siya nito kay Lin Shiyi kahit alam nitong pwedeng mapahamak ang batang nasa sinapupunan nito sa isang maling atras? At bakit pinaghandaan pa rin siya nito ng gown kahit alam nitong ayaw niyang umattend?

Mas gagaan siguro ang pakiramdam niya kung binungangaan nalang siya ni Qiao Anhao.

Ngayon na napagtanto ni Qiao Anxia na hindi nagmintis ang pagmamahal sakanya ni Qiao Anhao sa kabila ng lahat ng hirap na dinanas nito dahil sakanya, hindi niya na napigilan ang sarili niyang humagulgol para mailabas ang lahat ng bigat na nakapatong sakanya. Ito ang oras na kailangang kailangan niya si Chen Yang, pero noong tatawagan niya na ito, naalala niya na hiwalay na nga pala sila.

Ang buong akala niya ay sapat na ang pagkatao niya bilang Qiao Anxia para hayaan nalang ang mga bagay at magmove on, pero noong nakita niya si Chen Yang kanina, doon niya lang narealize na sobrang namiss niya ito at kahit gustong gusto niyang sumigaw ay para siyang biglang na'pipe noong sandaling yun. 

Bab berikutnya