webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (33)

Editor: LiberReverieGroup

Napahinto si Qiao Anhao sa pageenter ng passcode para pulutin ang mga

papel.

Pero dahil sa winter, sobrang lakas ng hangin at pagkapulot niya ng ika-apat na

papel, biglang umihip ang malakas na hangin kaya nagsiliparan ang mga

naiwang papel papunta sa direksyon ng kinatatayuan ni Xu Jiamu.

Nagmamadaling hinabol ni Qiao Anhao ang mga ito at isa-isang pinulot,

hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang sasakyan kung saan lumapag

ang huling dalawang papel. Pero noong kukunin niya na ang mga ito, may

biglang yumuko sa harapan niya para tulungan siya.

Wala siyang ideya kung sino ang nagmagandang loob na tumulong sakanya

kaya pagkatapos niyang magpasalamat, dali-dali niyang tinignan ang itsura nito,

at kagaya ng palaging nangyayari, biglang nagbago ang tono ng boses niya at

masaya itong binati, "Brother Jiamu!!"

Tumungo lang si Xu Jiamu. Hindi siya yung tipo ng tao na mahilig makiusisa

kaya pagkapulot niya ng dalawang papel, balak niya sanang ibalik din ito

kaagad kay Qiao Anhao, pero noong akmang iaabot niya na ito, may dalawang

salita na hindi niya inasahang aagaw sa kanyang atensyon…Biglang kumunot

ang kanyang noo at dali-daling inagaw ang mga papel para kumpirmahin ang

nakita niya at hindi nagtagal, masaya siyang tumingin kay Qiao Anhao at hindi

makapaniwalang nagtanong, "Qiao Qiao? Buntis ka???"

"En." Tumungo si Qiao Anhao.

"Ilang buwan na?" Dali-daling tumingin si Xu Jiamu sa tyan ni Qiao Anhao, na

mukhang wala namang pinagbago.

"Isang buwan palang." Sagot ni Qiao Anhao.

"Ah…" Hindi alam ni Xu Jiamu kung ano eksakto ang gusto niyang sabihin, kaya

ilang segundo rin siyang natigilan bago magpatuloy. "Yung kapatid ko… alam

niya na ba?"

Umiling si Qiao Anhao. "Hindi niya pa alam kasi kanina ko lang din nalaman."

"En." Tumungo lang si Xu Jiamu at muling binasa ang papel na hawak niya.

Hinding hindi niya makakalimutan kung paano pinatay ng sarili niyang nanay

ang unang anak ni Qiao Anhao, kaya ngayon na may ganito nanamang balita,

bigla siyang napayuko sa sobrang kahihiyan. Hanggang ngayon, hindi niya pa

rin alam kung paano siya titingin sa taong sobrang nasaktan ng dahil sakanya,

kaya ilang sandali rin siyang natahimik bago muling magsalita, "Mula ngayon,

alangan mo na ang sarili mo ha?"

Alam ni Qiao Anhao kung anong ibig sabihin ni Xu Jiamu…

Namatayan siya ng anak noon dahil pinili niyang magpatay malisya sa mga

sintomas na pinparamdam ng sarili niyang katawan, kaya sa pangalawa niyang

anak, gagawin niya ang lahat para protektahan ito.

"Maraming salamat, Brother Jiamu. Oo, pangako aalagaan ko ang sarili ko."

"Tama yan, tama yan." Muli, natahimik nanaman si Xu Jiamu dahil hindi niya na

alam kung anong sunod niyang sasabihin.

Mula't sapul, hindi sinisi ni Qiao Anhao si Xu Jiamu, pero alam niyang bukod

sakanila ni Lu Jinnian, sobrang nasaktan din ito ng dahil sa mga ginawa ng sarili

niong ina, kaya gusto niyang hayaan muna itong makapagisip-isip hanggang sa

dumating ang punto na kaya na siya ulit nitong harapin. "Brother Jiamu, kung

wala ka ng sasabihin, mauna na ako ha?"

"Ah oo oo. Ang lamig dito sa labas kaya pumasok ka na. Tandaan mo, hindi

pwedeng uminom ng gamot ang mga buntis kaya hindi ka pwedeng magkasakit."

"En." Paano siya makakaalis kung hindi pa ibinabalik ni Xu Jiamu sakanya ang

mga papel niya?

Hindi niya alam kung anong iniisip nito, pero base sa nakikita niya, medyo balisa

ito.

At kung hindi pa siya nagsalita ay hindi pa nito maalala. "Brother Jiamu, yung…

check up results ko."

"Ah…oo nga!" Hiyang-hiyang inabot ni Xu Jiamu ang mga papel kay Qiao

Anhao.

"Brother Jiamu, ayos ka lang ba?"

"Oo.. ayos lang ako." Umiling si Xu Jiamu at muling pinaalala, "Pumasok ka na."

"Osige, bye."

"Bye."

Ngumiti si Qiao Anhao kay Xu Jiamu bago siya tumalikod at maglakad papasok

sa villa ni Lu Jinnian.

Samantalang si Xu Jiamu naman ay naiwang nakatulala sakanyang

kinatatayuan.

Bab berikutnya