Pamilyar kay Qiao Anhao ang number dahil galing ito sa kumpanya na kinontak
niya para gumawa ng gagamitin niya para sa sabado. Dahil hindi niya nasagot
ang tawag, tinext nalang siya nito para tanungin kung nasa bahay ba siya bukas
dahil may magdedeliver sana ng costume niya.
Sumagot lang siya ng isang simpleng "Oo" at hindi nagtagal ay naka'receive rin
siya kaagad ang reply mula rito. [Noted. Pakihintay nalang po bukas ng mga
bandang ala-una hapon.]
Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot si Qiao Anhao. Gusto niya sanang
mag'Weibo, pero naalala niya na masisira lang ang gabi niya kung gagawin niya
ito kaya nadesisyon siyang itabi ang kanyang phone at manuod nalang ng TV.
Medyo matagal rin siyang naghanap ng magandang channel bago siya huminto
sa isang variety show. Hindi naman nakakaantok ang palabas, pero siguro dahil
kanina pa siya sayaw ng sayaw, hindi niya na namalayan na nakatulog na siya
sa sobrang pagod.
-
Nagtrabaho si Lu Jinnian hanggang alas nuebe ng gabi. Pagkapatay niya ng
laptop, nag'inat lang siya sandali bago siya tumayo at maglakad palabas ng
study room. Sinadya niyang matapos ng maaga para sana makabonding pa si
Qiao Anhao pero laking gulat niya na sobrang tahimik na ng buong corridor dahil
sa nakalipas na dalawang araw, nasanay siyang may sasalubong sakanyang
paulit-ulit na Chinese Folk Song, kaya nagtataka sumilip sa studio at hindi
kagaya noong mga nakaraang gabi, wala na dito ang asawa niya.
Mula noong nalaman ni Qiao Anhao na nakapasok ito sa finals, hirap na hirap
na siyang yayain itong matulog kaya para maawat ito kasasayaw, binubuhat
niya na ito papunta sa kwarto nila. Kaya nakakapagtaka na huminto na ito
kaagad bago pa mag'alas nuebe…
Dalawa lang naman ang pwede nitong puntahan, kaya pagkatapos niyang icheck
ang studio ay dumiretso na siya kaagad sa kwarto nila. Pagkabukas niya ng
pintuan, narinig niya na may tumatawa sa TV kaya inisip niya na makikita niya si
Qiao Anhao na masayang nanunuod, pero noong sandaling silipin niya ito,
mukhang nagkamali siya dahil sobrang himbing na ng tulog nito.
Siguro pagod na pagod ito kakasayaw nitong mga nakaraang araw kaya
ngayon, nakatulog na ito kaagad…
Naglakad siya sa gilid ng kama para silipin si Qiao Anhao. Marami pa sana
siyang gustong gawin pero noong nakita niyang pagod na pagod ang itsura nito,
hindi niya na ito inistorbo at hinayaan nalang muna itong makapagpahinga.
Medyo alanganin ang posisyon nito kaya kinuha niya ang unan na nasa tabi nito
para ihiga ito ng maayos, at kagaya ng nakasanayan, dahan-dahan niya itong
kinumutan bago niya patayin ang TV at mga ilaw. Hanggang ngayon, hindi siya
makapaniwala na totoo na ang mga nakikita niya kaya sinulit niya ang
pagkakataon na pagmasdan ang mapayapa nitong mukha. Pagkatapos ng ilang
sandali, dahan-dahan siyang yumuko para halikan ang noo nito, at naglakad
papunta sa CR.
Pagkatapos niyang maligo, dahan-dahan siyang humiga sa kama. Sanay siyang
nagyayakapan sila ni Qiao Anhao hanggang sa makatulog. Ilang gabi na rin na
sobrang intimate ng mga ginagawa nila bilang magasawa…Hindi niya alam kung
dahil ba nagdesisyon siyang hindi gisingin ito kaya hindi niya pwedeng gawin
ang mga plano niya, o ano pero parang may kulang talaga kaya hindi siya
mapakali. Bandang huli, naisip niya na wala na ring patutunguhan ang
pagpupuyat niya, kaya pinilit niyang pumikit kahit hindi siya inaantok hanggang
sa tuluyan na rin siyang makatulog.
-
Sa kalagitnaan ng napaka himbing na tulog ni Qiao Anhao, may napanaginipan
siya. May isa raw mataba at maputing baby na nakangiti sakanya. Hinahabol
daw siya nito habang tumatawa hanggang sa… bigla itong tumalon palabas ng
tyan niya kaya sa sobrang gulat, bigla siyang nagising ng nakahawak sa tyan
niya.
Pagkamulat niya, patay na ang TV na naiwanan niyang bukas at tanging ang
dim light nalang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Kasalukuyan na ring
natutulog ng mahimbing si Lu Jinnian sa tabi niya. Medyo biglaan ang
pagkakagising niya kaya naalimpungatan siya. Pinakiramdaman niya muna ang
katawan niya at noong nakumpirma niya na okay naman ang tyan niya, doon
lang siya napanatag na panaginip lang ang lahat.
Pero gustuhin niya mang bumalik sa tulog, hindi na siya inaantok at wala na
siyang ibang maisip kundi ang baby na nakita niya na biglang tumalon palabas
ng tyan niya.
Kagaya noong huli niyang practice bago siya magpahinga, naguguluhan
nanaman siya at hindi niya alam kung ano ba talagang gusto niyang malaman.
Mulat na mulat ang mga mata niya kakaisip ng mga bagay-bagay hanggang sa
marealize niya na may mali talagang nangyayari…
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para silipin ang app ng period
tracker na dinownload niya at doon niya lang napansin na isang buwan na
siyang hindi nagkakaroon.
Pero…mula naman dati, kahit noong dalaga pa siya, kakaiba na talaga ang
cycle niya kaya baka mali rin ang iniisip niya.