webnovel

Ang mga text message sa phone (38)

Editor: LiberReverieGroup

Pinagplanuhan na ito ng dalawang pamilya at kaya ang Qiao Family ang

nagbibid sa mga unang parte at hindi ang Xu Family ay dahil ang mga Qiao ang

namayagpag sa magkasunod na dalawang taon.

Kung papalabasin na ang determinado talagang manalo ang Qiao Family, tiyak

na susuko na ang iba. Isa pa, pabor din ito sa mga Qiao dahil kapag ang Xu

family ang nanalo, hindi nila kakailanganing maglabas ng malaking halaga sa

taong ito.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Han Ruchu kay Qiao Anhao, nagawa pa rin

nitong humingi ng tulog sa mga Qiao… Ang kapal talaga ng mukha!

Pero para hindi mahalata na tinutulungan ng Qiao family ang mga Xu, sinadya

ni Uncle Qiao na magbid pa ng dalawang magkasunod pagkatapos ng unang

bid ni Han Ruchu.

"Three billion, six thousand million going once!"

"Three billion, six thousand million going twice!"

"... and sold!! Sa three billion, six thousand million RMB!"

Pagkapukpok ng martilyo, masayang sinabi ng host, "Congratulations Mrs. Han

Ruchu of Xu Enterprise for winning the final item up for bid this year."

Nagsipalakpakan ang lahat noong tumayo si Han Ruchu para maglakad

papunta sa stage.

Noong sandaling na 'yun, pasimpleng kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone

para itext si Zhao Meng ng, "OK"

Kinamayan muna ng host si Han Ruchu bago nito ibigay mic. Nagbigay lang ng

maiikling pasasalamat ang matandang babae at agad rin nitong ibinalik ang mic

sa host, na masayang ngumti at ganadong-ganadong sinabi, "Ngayon,

iwelcome natin sa stage ang ating master of ceremonies para mapirmahan na

ni Mrs. Han Ruchu sa harap nating lahat ang kontrata. At pagkatapos nito, ang

Miracle Wardrobe ay opisyal ng magiging kanya."

Pagkatapos magsalita ng host, biglang nasira ang mic…

Ang master of ceremonies, na nakasuot ng kulay pink na qipao, ay umakyat sa

stage na may dalang tray. Maingat nitong inilapag ang kontrata, habang ang

host naman ay personal pang kumuha ng ball pen para kay Han Ruchu, pero

noong saktong pipirma siya, biglang huminto ang background music.

Nagtatakang sumilip ang host sa backstage at kinuha ang mic para magtanong,

pero dahil nasira ang kable nito, hindi siya marinig ng mga tao.

Biglang nagbulungan ang lahat.

Kinausap ng host sandali ang mga taong nasa backstage, at pagkabalik niya,

agad-agad siyang yumuko sa mga audience para humingi ng pasensya.

Samantalang si Han Ruchu, na kabaliktaran ng hindi mapakaling host, ay

kalmado lang nakatayo sa stage habang naghihintay ng susunod na

mangayayari nang biglang umalingawngaw ang linyang "Bakit mo ginawa 'yun?

Ikaw…"

"Paano mo magagawang tumingin kay Xu Jiamu, na minsan ng nagligtas ng

buhay mo? Sa loob ng maraming taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang

maging mabait sayo, nakalimutan mo na ba? May puso ka ba!"

Boses babae ang unang nagsalita, samantalang lalaki naman sa pangalawa.

Pamilyar ang boses sa lahat, pero kung kanino, hindi nila matukoy. Dahil hindi

normal ang mga nitong pangyayari, ang kaninang nagbubulungang mga

audience ay biglang tumahimik.

Kahit ang host na aligaga sa stage ay natulala rin sa gulat.

Pero dahil nabanggit ang pangalang "Jiamu", isa-isang nagtinginan ang lahat

kay Xu Jiamu.

Hindi rin alam ni Xu Jiamu kung anong nangyayari, kaya maging siya ay

mapakunot nalang ng noo sa sobrang pagkagulat.

Hindi pa man din napoproseso ng mga tao ang nangyayari, muli nanamang

umalingawngaw ang boses ng lalaki, Mrs. Han, nasabi mo na ba ang lahat ng

gusto mong sabhin?"

Mrs. Han… Jiamu…Pagkatapos ng huling linya, ang mga taong nakatingin kay

Xu Jiamu ay dahan-dahang tumingin kay Han Ruchu.

Ibig sabihin, siya ang babaeng nagsasalita…

"Pwede kong sabihin kay Xu Jiamu na malinis ang konsensya ko! Eh ikaw?

Mrs. Han, kaya mo rin bang gawin 'yun? Bilang isang nanay, kaya mo bang

maging tapat at sabihing ginawa mo ang lahat ng may malinis na

konsensya?" sabio ng ;alaki. Kahit na kalmado ang pananalita ng lalaki,

ramdam na may diin sa bawat salita nitp.

Bab berikutnya