"I encouraged him to go to work. Through my husband, he was able to take part
in a Hollywood picture. In fact, he personally wanted to take the leading male
role for the movie. Despite me having caught him staring at your photo in a
daze or standing in bewilderment, not knowing what to do with himself, at times,
he gradually was able to feel less hurt by you.
"However, forgetting someone isn't something that happens overnight. Though
he drank and smoked, didn't speak much, and was a little bit of a loner, at the
very least, he was able to live like a normal person again. So much so that he
didn't come to see me for as long as a month. At the time, I was really happy. I
thought he'd finally stepped out of the darkness and pain. But then, you
reappeared... yet, he didn't have the courage to continue your story together...
Eventually, he still wanted to work things out with you and re-immersed himself
in that state of suffering and unease..."
Sa sobrang sakit ng mga katotohanang inilatag ni Lucy, biglang may pumatak
na luha mula sa kanang mata ni Qiao Anhao, na dumiretso sa hawak niyang
tasa.
"Actually... Qiao, I really don't understand you. At first, you clearly rejected him
by saying he was unworthy of you. You rejected him that heartlessly, so why did
you come to find him after..."
Gulat na gulat na tumingin si Qiao Anhao kay Lucy at sinabi, "I never rejected
him."
"How could that be? Nian wouldn't lie to me. If you hadn't rejected him,why
would he had thought that death was better than life... How would've his heart
turned to ashes?" Biglang tumaas ang isang kilay ni Lucy na para bang
pinagbibintangan niyang nagsisinungaling si Qiao Anhao. "All in all, Nian
probably didn't want to touch on the matter, but he told me everything in detail.
From what he said, I understood that he waited a really long time for you, then
confessed, but you rejected him..."
"I didn't." Habang umiiling si Qiao Anhao, unti-unting nanlisik ang kanyang mga
mata na para bang may biglang pumasok sa isip niya. Bigla siyang tumayo at
nanggigigil na sinabi, "Siguradong si Han Ruchu ang may gawa ng lahat!"
Sa sobrang galit na naramdaman ni Qiao Anhao, hindi niya namalayan na
nakapag-Chinese siya. Hindi siya maintindihan ni Lucy kaya gulat na gulat itong
tumingin sakanya. "Qiao? I don't quite understand."
Samantalang si Qiao Anhao ay parang walang narinig at nagpatuloy lang siya
sa pagbulong sakanyang sarili. Gigil na gigil niyang sinabi, "Sigurado akong
may ginawa siya... pagbabayarin ko siya... sisiguraduhin kong magbabayad
siya!"
"Qiao? Qiao?" Hindi talaga maintindihan ni Lucy kung bakit biglang nagbago
ang awra ni Qiao Anhao kaya bigla siyang tumayo at hinila ang braso nito.
Nang maramdaman ni Qiao Anhao ang kamay ni Lucy, doon lang siya
nahimasmsan.
"Qiao, are you alright?"
Dali-daling pinilit ni Qiao Anhao na magmukhang kalmado at ngumiti kay Lucy.
Sumagit siya sa wikang Ingles, "I'm good. Thank you, Lucy."
-
Marami pang ikinwento si Lucy kay Qiao Anhao tungkol sa mga nangyari kay Lu
Jinnian noong nasa America ito, pero hindi kagaya noong una, nakatulala lang
at hindi na siya umiimik dahil hindi niya mapigilan ang sarili niyang magisip ng
mga posibleng ginawa ni Han Ruchu para umalis si Lu Jinnian ng China.
Pagkahatid niya kay Lucy sa labas, galit na galit niyang binuksan ang pintuan
at tumakbo paakyat. Kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan at hindi niya
inalintana na nakapantulog pa siya dahil nagmamadali siyang lumabas ng
bahay para sugurin si Han Ruchu sa mansyon ito.
Pero noong magmamani-obra na siya, bigla niyang naalala ang naging
paguusap nila ni Xu Jiamu noong gabi ng kasal nila ni Lu Jinnian. Tandang-
tanda niya na niyaya siya nito sa isang charity event na gaganapin sa Beijing.