webnovel

Mahabang panahong walang pagkikita, mahal ko (17)

Editor: LiberReverieGroup

Magkasunod na pumasok ang dalawang sasakyan sa Beijing. Pagkarating nila

sa main road, tuluyan ng hindi binigyan ni Lu Jinnian ng pagkakataon na

makahabol si Qiao Anhao at inapakan niya ng madiin ang accelerator at

pinalipad ang kanyang sasakyan kaya pagkaliko ni Qiao Anhao ay wala na

siya.

Unti unting binagalan ni Qiao Anhao ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa

huminto siya sa isang gilid. Nakatitig lang siya sa kalsada at hindi niya alam

kung saan siya pupunta para sundan si Lu Jinnian.

Bandang huli, nawala niya nanaman si Lu Jinnian…

Matagal siyang nakaupo sa loob ng sasakyan bago niya kunin ang kanyang

phone para silipin ang oras – madaling araw na. Sumapit na ang bagong taon

kaya tinawagan niya ang babaeng nagbabantay sa matanda para itanong kung

ligtas pa bang ibalik niya ang sasakyan sa ganung oras pero sinigurado naman

siya nito na walang problema kung bukas niya na ibalik.

Pagkaputol ng tawag, malungkot na dumiretso si Qiao Anhao sa apartment na

kabibili niya lang.

Pagkauwi niya, pagod na pagod siyang umupo sa sofa at doon niya lang unti

unting naramdaman ang sakit ng mga pangyayari.

Nang yumuko siya, nakita niya na may dugo sa medyas niya at napanguso

nalang siya ng sa sobrang lungkot. Daha-dahan niyang tinanggal ang kanyang

medyas para silipin ang mga sugat niya – nagtamo siya ng maraming maliliit

na gasgas sa kanyang maputi at makinis na balat.

Kumuha siya ng isang kahon ng antiseptic wipes mula sa ilalim ng kanyang

coffee table. Naglabas siya ng isang pakete para linisin ang kanyang mga

sugat at habang ginagawa niya ito ay napakunot ng sobra ang kanyang noo sa

sobrang hapdi.

Nang masigurado niya ng malinis na ang kanyang sugat, pakiramdam niya ay

naubos na ang lahat ng kanyang lakas kaya yumakap siya ng isang unan at

dahan-dahang humiga sa sofa.

Sa tagal niyang naghintay, sa wakas nahanap niya na rin si Lu Jinnian, pero

bakit parang ayaw naman siyang makita nito.

Noon, ang buong akala niya ay maunumbalik na ang saya niya kapag nagkita

na silang muli ni Lu Jinnian, malinaw na nagkamali siya.

Pero naintindihan niya naman kung bakit ganoon ang kinilos si Lu Jinnian.

Noon, si Lu Jinnian ang naghintay sakanya ng buong magdamag na sigurado

siyang sobrang nagparusa dito.

Pagkayuko niya, nakita niya ang pinakatatago niyang kaha ng sigarilyo na may

kasamang isang pirasong papel. Kinuha niya ang papel at tinitigan ito ng may

halong determinasyon.

-

Wala talagang balak sumuko si Qiao Anhao at ayaw niya ring magtago. Kahit

na nawala nanaman niya si Lu Jinnian kagabi, hindi naman ibig sabihin 'nun na

hindi niya na ito muling makikiota habang buhay.

Kinabukasan, bago sumikat ang araw, maaga siyang nagising at pumunta sa

mga Qiao para magcelebrate ng Bagong Taon. Pagkatapos niyang batiin ang

kanyang auntie at uncle, sinamahan niya lang na mag'umagahan ang mga ito

at agad din siyang nagpaalam. Wala na siyang sinayang na oras at

nagmaneho siya papunta sa bahay ng matandang babae para ibalik ang

sasakyan nito.

Pagkatapos niyang maibalik ang sasakyan, hindi pa siya kaagad umalis at

sinamahan muna ang matanda.

Isa ang matandang babae sa mga taong malapit sa puso ni Lu Jinnian.

Matapos nitong mawala ng mahabang panahon, wala itong kinontak na kahit

sino pero noong gabi ng bagong taon, pinuntahan nito ang puntod ng nanay

nito kaya ibig sabihin, malaki ang posibilidad na bibisitahin rin nito ang

matanda.

Kaya nagdesisyon si Qiao Anhao na hintayin si Lu Jinnian.

Tuwing umaga, bibisitahin niya ang matanda at maghihintay hanggang

mag'gabi.

Sa ikaapat na gabi ng bagong taon, kagaya ng naisip niya, nagpakita nga si Lu

Jinnian.

Bab berikutnya