webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (3)

Editor: LiberReverieGroup

Dahil si Qiao Anhao ay tumakbo palabas ng ospital kahapon, halos wala siyang pahinga at laman ang kanyang tiyan. Siya ay hinang-hina mula sa kanyang matinding iniinda, ngunit ngayon, ang kanyang mukha ay maputla at ang kanyang buong katawan ay basang-basa sa pawis. Siya ay dahan-dahang umupo sa hagdan sa harapan ng villa, idinikit niya ang kanyang ulo sa kanyang mga tuhod, niyakap niya ito habang umuupo. Hindi matatag ang kanyang paghinga.

Ito ay maaraw sa gitna ng taglagas. Kahit na ang araw ay hindi kasing init tulad kapag tag-init, kapag sininagan nito ang katawan, ramdam ang komportableng init.

Hindi nagtagal, ang puting pinong balat ni Qiao Anhao ay namula. Ginusto niyang tumayo, ngunit walang lakas ang kanyang mga binti.

Ang magagawa na lamang ni Qiao Anhao ay tahimik na umupo sa hagdan habang ang kanyang mga mata ay nakapikit, at pinatitibay ang kanyang paghinga. Pagkaraan ng isang mahabang oras, ang kanyang paghinga ay sa wakas bumalik na sa normal. Ang araw ay bumaba na sa silangan ng panahong iyon.

Tinulak ni Qiao Anhao ang kanyang sarili paakyat ng hagdaan gamit ang kanyang isang kamay, pagkatapos ay marahang lumabas ng villa ni Lu Jinnian.

Nakarating siya dito sa pamamagitan ng pagtawag ng isang taxi, ngunit dahil ang bundok Yi ay isang liblib na lugar, maaari lamang siyang makabalik sa lungsod sa pamamagitan ng pagkuha ng bus.

Si Qiao Anhao ay lumabas ng tarangkahan ng Bundok Yi at lumakad ng dalawang daang metro patungong silangan bago maabot ang babaan ng bus.

Ang tanging bagay na nasa kanyang isip ngayon ay kung saan maaaring magpunta si Lu Jinnian. Siya ay wala sa sarili kaya nang huminto ang bus sa harap niya, nakatingin siya sa kawalan, hindi man lang siya tumugon nang tawagin siya ilang beses ng drayber. Pagkatapos, may napagtantong bagay si Qiao Anhao kaya ito'y natauhan, kinawayan niya ang bus, ngunit unti-unti itong umandar papalayo.

Malungkot na binaba ni Qiao Anhao ang kanyang kamay at matiyagang naghintay para sa isa pang bus. Sa oras na iyon, biglang siyang nakarinig ng tunog ng isang kotse na lumabas sa harap niya. Ang tao sa loob ay binaba ang bintana ng kotse at sumigaw sa kanya "Ms. Qiao!"

Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang ulo at nakita na ang assistant ni Lu Jinnian ang nasa loob nito. Isang pagkagulat ang nakita sa mga mata ni Qiao Anhao at naglakad siya papunta sa harap ng kotse.

"Lu Jinnian, nasaan siya?" tanong niya habang ipinasok niya ang kanyang ulo sa loob ng bintana ng kotse upang silipin ang loob nito. Tinungo niya ang kanyang ulo sa pagkabigo nang makita niyang wala siya sa loob. 

Hindi sumagot ang assistant sa tanong niya tungkol sa kinaroroonan ni Lu Jinnian. Ngunit lumabas ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. "Ms. Qiao, pumasok ka muna ng kotse. Ihahatid kita pabalik ng lungsod."

tumango si Qiao Anhao at pumasok na ng sasakyan.

Makikita sa salamin sa likod na ang kulay ng balat ni Qiao Anhao ay sobrang putla na parang naubusan siya ng dugo. Ang assistant ay agad na nagtanong, "Miss Qiao, masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka mukhang maayos."

"Ayos lang." Pilit na ngumiti si Qiao Anhao, iniling ang kanyang ulo, at tinanong, "Alam mo b kung nasaan si Lu Jinnian? Dalhin mo ako sa kanya, pwede?"

Hindi pinansin ng assistant ang muling hiling ni Qiao Anhao at inabutan ito ng isang bote. "Uminom ka ng tubig."

Nag-atubili sandali si Qiao Anhao bago kunin ang bote ng tubig. at sinabi sa mababang boses, "Salamat."

Ang assistant ay nagmaneho papuntang Bundok Yi upang ibalik si Qiao Anhao sa villa ni Lu Jinnian at isinara ang lahat ng mga pintuan at bintana. Tinakpan niya ng puting tela ang lahat ng mga gamit, at inilagay ang kawayang upuan at mesa sa patyo papunta sa imbakang silid ng villa.

Ang mga kilos ng assistant ay nagpahiwatig na walang sinuman ang muling pupunta dito… Lumundag ang puso ni Qiao Anhao, at hindi niya napigilang tanungin ang assistant habang ito'y nagsasara ng mga pinto, "Hindi na nakatira si Lu Jinnian dito ngayon?"

Bab berikutnya