webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (1)

Editor: LiberReverieGroup

Bago dumating ang liwayway sa walang laman na mga kalye ng Beijing, mataas ang antas ng halumigmig at malamig ang panahon. Mayroong malaking agwat sa pagitan ng mga kotseng dumadaan. Si Qiao Anhao ay nakatayo sa gilid ng kalsada ng mahabang oras bago pa man siya makasigaw ng taxi. Nang maglaon, siya'y nakakuha, pumasok, at sinabing dalhin siya sa Mian Xiu Garden.

Nang makarating na ang sasakyan, binayaran niya ang drayber at tumakbo na palabas bago pa man niya kunin ang kanyang sukli.

Ang passcode sa Mian Xiu Gardens ay hindi pa rin nagbabago.

Ang lugar ay mukhang walang sinuman ang bumisita sa isang mahabang panahon. Ang bumagsak na mga bulaklak sa sahig ng palapag ay naging maputik at makalat. Nang tapakan ito ni Qiao Anhao, ang mga dahon ay nagbigay ng malutong na tunog, malutong na tunog.

Binuksan ni Qiao Anhao ang mga pinto at napansin ang dalawang pares ng tsinelas, tahimik na inilagay sa kabinet ng mga sapatos; isa para sa mga lalaki, ang isa para sa mga babae. Ang pambabae ay isa sa kanya, mula noong siya ay dating nakatira dito, nagpapanggap na mag-asawa kasama si Lu Jinnian. Matapos niyang umalis, iniwan niya ang mga ito sa isang bag at hiniling na itapon ito, ngunit ngayon ang pares ay narito, nakalagay sa kanilang orihinal na lugar. Tila ang dalawa ay mukhang naninirahan pa rin sa bahay.

Ang villa ay ganap na walang laman, walang kaluluwa sa paningin. Tulad ng dati, may isang patong ng alikabok sa ibabaw ng lumang orasan.

Si Qiao Anhao ay tumakbo paakyat ng hagdanan at itinutulak ang mga pintuan sa silid. Sobrang dilim sa loob, at dismayado niyang binuksan ang mga ilaw. Ang unang bagay na nakita niya ay ang teddy bear na kasing-laki ng tao na nilagay niya sa gitna ng malinis na kama. Kinuha niya ang lahat ng kanyang mga pampaganda nang siya'y umalis, ngunit doon, sa harap ng kanyang mesa, ay may mga bago na parehong tatak. Kahit na ang eyeliner ay pareho.

Ang lalaking iyon ... bagaman laging walang ekspresyon sa kanyang mukha, na parang hindi siya nagmamalasakit sa anumang bagay, kailan niya kinabisado ang lahat ng bagay na ginamit niya nang napakalinaw?

Hindi inakala ni Qiao Anhao na ang mga bagay na ito ay magpapatulo ng kanyang mga luha.

Tila siya ay naghinala sa isang bagay, lumakad siya patungo sa silid na pinagbibihisan. Nakita niya ang kalahati ng kabinet ay puno ng mga damit ni Lu Jinnian, at ang kabilang kalahati naman ay ang mga damit na hiniling niyang itapon nito para sa kanya. Marahil dahil ang kabinet ay hindi ganap na napuno, o marahil ay gusto nitong bilhin ang kanyang damit ngunit walang siyang dahilan para ditto. Mayroong isang pader na puno ng mga pinakabagong koleksyon mula sa kanyang mga paboritong tatak. Ang mga bagong binili na damit ay mayroon pa ring mga tag sa loob.

Si Qiao Anhao ay pinilit na itikom ang kanyang bibig at lumipat patungong banyo. Ang toothpaste, sipilyo, sabon, panglinis na losyon ... Ang mga bagay na ginamit niya sa loob ng kalahating taon habang nabubuhay doon ay bumalik sa kanilang orihinal na mga lugar.

Sa kanyang pagkawala, hindi niya kayang buksan ang kanyang bibig upang hilingin sa kanya na manatili, at kaya tulad nito, nagmatigas siyang magkunwari na parang nandiyan pa rin sa paligid niya si Qiao Anhao.

Kaya't ang taong minahal niya, minahal din siya ng sobra nito. Siya ay napaka-hunghang, upang mahalin siya ng sobra.

Nang lumabas si Qiao Anhao sa Mian Xu Garden, ang kalangitan ay medyo maliwanag na. Sa pagkakataong ito, pumara siya ng isang taxi upang direktang pumunta sa Huan Ying Entertainment.

Sa kanyang pagdating, wala pang dumating para sa kanilang trabaho. Mayroon lamang mga pang-gabing mga guwardya, na humikab at bumati ng "Magandang umaga" sa kanya.

Si Qiao Anhao ay umupo at matiyagang naghihintay sa labas ng opisina ni Lu Jinnian sa itaas na palapag.

Ang makasama siya sa loob ng kalahating taon, alam niya na ang kanyang pamumuhay ay napaka-simple. Laging siyang gumugugol ng mahabang oras sa opisina.

Mula bago mag alas-siyete ng umaga hanggang alas-dyis, lahat ay nagtatrabaho. Lahat ngunit si Lu Jinnian.

Tinanong ni Qiao Anhao ang sekretarya ni Lu Jinnian, ngunit ang maaari lamang sabihin nito ay si Mr. Lu ay wala sa opisina ilang araw na.

Napatulala saglit si Qiao Anhao, at biglang naalala ang villa sa bundok Yi. Pinasalamatan nito ang sekretarya at dali-daling bumaba upang kumuha ng taxi papuntang bundok Yi.

Bab berikutnya