webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (5)

Editor: LiberReverieGroup

Magsasara na ang supermarket kaya maraming taong naghahabol na mamili.

Natatakot si Lu Jinnian na baka mawala si Qiao Anhao kaya hindi niya ito

binitawan habang naggrogrocery sila.

Sobrang lapit lang ng supermarket sa bahay nila, kaya imbes na kunin niya

ang kanyang sasakyan sa parking lot, nagkasundo sila ni Qiao Anhao na

maglakad nalang pauwi.

Masarap sa pakiramdamam ang malamig na simoy ng hangin at tamang tama

lang ang liwanag na nanggaling sa mga poste ng ilaw. Hawak ni Lu Jinnian ang

grocery bag sakanyang isang kamay habang kamay naman ni Qiao Anhao sa

kabila. Maikli lang ang lalakaran nila pero napakaraming mabibilis na sasakyan

na may malalakas na busina ang sumasalubong sa paglalakad nila. Marami

pang nakapila sa bus stop at may ilang tao ring kumakanta sa ilalim ng tulay…

Naramdaman ni Qiao Anhao na medyo namamawis na ang kanyang kamay

kaya napatingin siya kay Lu Jinnian na nakahawak dito. Sobrang

nakakamangha ang kagwapuhan nito na lalo pang nangibabaw nag matamaan

ng liwanag na nanggaling sa poste. Habang nagpapatuloy sa paglalakad,

binibilang niya ang mga poste na madadaanan niya at bigla niyang natanong

ang kanyang sarili kung ano nga ba talagang nararamdaman niya ngayon na

semi-couple na sila ni Lu Jinnian…Semi-dating ba ang tawag sa ginagawa

nila? Nakakakilig, masaya, pero medyo nakakakaba…Isang pakiramdam na

kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman noon.

-

Pagkauwi nila, dumiretso kaagad si Qiao Anhao sa taas para magshower.

Pagkababa niya, tapos na ring magshower si Lu Jinnian sa CR na nasa first

floor. Nakasuot ito ng pambahay na mapusyaw ang kulay at kasalukuyang

nakaupo sa sofa habang may kavideo call. Sa harap nito ay mayroong

kalahating pakwan at isang kutsara.

Paglapit ni Qiao Anhao, biglang napatingin si Lu Jinnian at noong napansin

niya na nakasuot ito ng sling nightgown, dali dali niyang pinatay ang videocall

at nagtype nalang.

Nang makita ni Qiao Anhao na masyadong abala si Lu Jinnian sa trabaho,

hindi niya na ito inistorbo. Umupo siya sa isang gilid at binuksan ang TV.

Gamit ang kutsara, kinayod niya ang pakwan na hawak niya para kainin ito.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho, biglang tumingin sakanya si Lu

Jinnian para lang punasan ang mga natirang juice ng pakwan sa gilid ng

kanyang mga labi.

Gustong gantihan ni Qiao Anhao ang kabutihan ni Lu Jinnian kaya kumuha siya

ng isang kutsarang pakwan at inilapit sa bibig nito. Binuksan naman ni Lu

Jinnian ang kanyang bibig para tanggapin ang pakwan., Hindi nagtagal, dahan

dahan niyang hinaplos ang ulo nito bago siya cmagpatuloy sa pagtatrabaho.

Pagkatapos ng unang subo, sunod sunod na ang naging pagpapakain ni Qiao

Anhao….Sinilip niya ang laptop screen nito at wala siyang ibang makita kundi

ang mga kumplikadong statistics at impormasyon na hindi niya maintindihan.

Hindi na siya nagtanong at nagpatuloy lang siya sa pagpapakain dito. Sobrang

saya niya noong mga oras na 'yun, pero bigla niyang naramdamdaman na

parang palamunin lang siya ni sa ni Lu Jinnian habang ang mayari ng bahay ay

sobrang subsob sa pagtatrabaho.

Tatlong pakwan na ang naubos niya kaya pinakain niya na kay Lu Jinnian ang

mga itinira niya pa rito.

Tutok na tutok ito sa pagtatrabaho, pero sa tuwing susubuan niya ito,

automatic na nagbubukas ang bibig nito para tanggapin ang pakwan.

Dahil nagpatalastas, medyo nainip si Qiao Anhao kaya sinubukan niyang

asarin si Lu Jinnian ng kagaya sa ginawa niya noon sa hipon. Naglagay siya ng

ilang buto ng pakwan sa kutsara at muli itong isinubo kay Lu Jinnian na parang

wala lang. Nang makita niyang kinain naman nito ang ibinigay niya, hindi niya

na napigilang sumabog sa tawa.

Samantalang si Lu Jinnian naman ay narealize lang na may mali noong narinig

niyang tumawa si Qiao Anhao….Dali dali niyang idinura ang mga buto at

pinatay ang kanyang laptop. Hindi nagtagal, bigla siyang humarap kay Qiao

Anhao para gumanti.

Bab berikutnya