webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (5)

Editor: LiberReverieGroup

Noong nagaaral palang sila, isa na talaga si Lu Jinnian sa pinaka magaling sa klase, samantalang si Qiao Anhao naman ay nasa katamtaman lang, pero ang katamtaman na ito ay sobrang pursigido sa pagaaral kaya nang luamaon ay nakarating siya sa isa sa pinaka magandang universities.

Sa unang beses na itinuro ng may-ari ng tindahan ang paggawa ng paso, nasundan kaagad ni Lu Jinnian habang si Qiao Anhao ay hirap na hirap dahil madalas niyang nakakalimutan ang sunod niyang gagawin.

Noong may dumating na mga bagong customer, pansalamntala silang iniwan ng may-ari ng tindahan para asikasuhin ang mga ito.

Tirik na tirik ang araw sa bayan ng Xitang at maririnig din ang pagagos ng sapa na hindi naman kalayuan sa tindahan. Marami mang taong dumadaan, hindi pa rin maitatanggi na tunay na napakapayapa ng lugar kaya sobrang kampante nina Qiao Anhao at Lu Jinnian. Sa usapang paso naman, sobrang ganda ng ginawa ni Lu Jinnian samantalang ang kay Qiao Anhao ay parang nasalanta ng bagyo.

Hindi nagtagal, bumalik ang may-ari para tignan ang mga gawa nila. Kinuha ni Qiao Anhao ang pasong ginawa ni Lu Jinnian at nakangiting sinabim "Ano sa tingin mo, ang galing ko diba?"

Alam naman ng may ari na si Lu Jinnian ang tunay na gumawa ng pasong hawak niya pero ayaw rin naman nitong ipahiya siya. Noong pupurihin na sana siya nito, bigla nalang ngumiti si Lu Jinnian at sinabi, "Ang galing."

Nginitian niya rin ito at tinignan ang pasong ginawa niya na pinilit niyang hawakan ni Lu Jinnian. Nagpanggap siyang gulat na gulat at sinabi, "Lu Jinnian, turuan mo naman ako kung paano gumawa ng ganyan ka'pangit na paso!"

Dagdag niya pa, "Itago mo nay an, wag mo ng ipahiya ang sarili mo!"

Natawa nalang si Lu Jinnian sa pinagagawa ni Qiao Anhao. Habang inilalagay niya sa kahon ang paso, halatang halata sa itsura niya na sobrang saya at panatag niya.

Pagkarating nila sa Nanjing, dumiretso sila sa Orchid theater para manuod ng 'The Peony Pavillion.' Kahit na hindi nila maintindihan ang mga kanta, kuntento na sila sa tono ng mga ito.

Pagkatapos nilang manuod, kumain sila ng Lugaw ng Mei Ling at Duck blood Vermicelli…. Pagkalipas ng dalawang araw, lumipad na sila pabalik sa Jingcheng.

Iniwan ni Lu Jinnian ang sasakyan niya sa parking lot ng Beijing airport kaya alas sinco na ng hapon sila nakarating sa siyudad. Pagkadaan nila sa Beijing Hotel, biglang binagalan ni Lu Jinnian ang pagmamaneho at nagtanong, "Gusto mong magdinner dito?"

"Sige." Tinignan ni Qiao Anhao ang hotel at walang pagtutol na tumungo.

-

Madalas talagang punuuan ang mga private rooms ng Beijing Hotel pero dahil maaga sila dumating, maswerte nilng nakuha ang pinaka huling kwartong available.

Pagkarating ng order ni Lu Jinnian na pu'er tea, agad na nagkalat ang amoy sa buong kwarto na talaga namang nakakarelax sa pakiramdam.

Nang masigurado ni Lu Jinnian na nakakain na ng maayos si Qiao Anhao, inilapag niya ang kanyang chopsticks sa lamesa para bigyan ito ng mainit na tsaa. "Mag'tea ka muna. Mabuti yan para sa sikmura mo. Bababa lang ang para magbayad ng bill."

Habang humihigop ng pu'er tea, tumungo lang si Qiao Anhao bilang pagsagot sa sinabi ni Lu Jinnian.

Noong sandali ring iyon, kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang wallet at lumabas ng kwarto.

Pagkatapos niyang magbayad, babalik na sana siya sa kwarto nila pero may bigla siyang nakitang isang pamilyar na tao na nakaupo sa may bintana.

Bab berikutnya