webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (20)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Lu Jinnian na para bang wala siyang narinig.

Tumayo si Qiao Anhao pero halos sampung segudo pa siyang naghintay bago siya tuluyang lumabas ng dining area.

Nang tuluyan ng makalabas si Qiao Anhao sa dining area, dahan-dahang lumingon si Lu Jinnian sa tinayuan nito, sobrang namumutla ang kanyang mukha.

Pagkarating ni Qiao Anhao sa kwarto nila, agad niyang isinara ang pintuan at hindi niya na napigilan ang kanyang mga luha na bumuhos. Pinupunasan niya ang mga ito gamit ang kanyang mga daliri at habang nakasandal sa pintuan, dahan-dahan siyang napaupo sa sahig at tuluyan niya ng inilabas ang lahat ng gusto niyang iiyak. 

Kahit na nakaiyak na siya noong araw na nakumpirma niyang nakunan talaga siya, kahit na akala niya naiiyak niya na ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sakanyang puso, at kahit na nakapagdesisyon na siyang iwanan si Lu Jinnian, noong dumating siya puntong nagawa niya na, hindi niya inaasahan na madudurog pa rin pala ng sobra-sobra ang kanyang puso.

Minahal niya si Lu Jinnian sa loob ng labintatlong taon at inilaan niya rito ang pinakamagagandang araw ng kanyang kabataan, pero ngayon, kailangan niya na itong tanggaling sa buhay niya, at ito ay…masakit… Pero wala na siyang pagpipilian dahil hindi niya magawang patawarin ang naging pagpatay nito sakanyang anak at ayaw niya ng hayaan ang kanyang sarili na mahalin pa ang ganung klaseng lalaki.

Hindi niya alam na ito na pala ang magiging katapusan niya, at hindi niya rin alam kung kakayanin niya pa bang magmahal ng iba, pero mula sa araw na ito, hindi na siya kailanman magmamahal na ibibigay niya ang sarili niya ng buong buo kagaya ng pagmamahal niya kay Lu Jinnian. Ayaw niya ng maramdaman muli ang sakit at pagpapahirap na siya mismo ang pumayag na gawin sakanya ni Lu Jinnian.

Wala masyadong mga gamit si Qiao Anhao. Noong dumating siya, isang maleta lang ang dinala niya kaya ngayon na paalis na siya, isang maleta lang din ang dala niya na nadagdagan lang ng konting damit, sapatos at ang porcelain doll na ibinigay ni Lu Jinnian.

-

Hapon na noong natapos magempake si Qiao Anhao at nasa labas na rin ng mansyon si Lu Jinnian. Medyo mabigat ang kanyang maleta kaya dumiretso siya sa elevator.

Pagkarating niya sa first floor, hinila niya palabas ang kanyang maleta at tumayo muna siya ng ilang sadlit sa living room. Tinignan niya ang pamilyar na kapaligiran at naalala niya na walong buwan na rin pala ang lumipas. Habang pinagmamasdan niya ang iba't-ibang bahagi ng mansyon, napakaraming imahe ng mga alala ang pumasok sa isip niya.

Muli niyang tinignan ang mga nakapaligid sakanya sa huling pagkakataon bago niya hilain ang kanyang maleta papalabas ng pinto.

Pagkatulak niya ng pintuan, nakita niya si Lu Jinnian na nakatayo sa labas. Nasa ilalim ito ng arawan pero hindi ito nagpapakita ng kahit anong bakas na naiinitan ito.

Nang marinig ni Lu Jinnian na nagbukas ang pintuan, agad niyang tinignan si Qiao Anhao pero hindi nagtagal, bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa maletang nasa tabi nito. Parang may bumara sa lalamunan niya habang nagtatanong, "Tapos ka ng magempake?"

Tumungo si Qiao Anhao. "Tapos na akong magempake."

Huminto siya ng ilang sadlit at nagpatuloy, "May ilang mga damit at sapatos na hindi ko na gagamitin kaya hindi ko na rin sila dinala. Nilagay ko nalang sila sa isang kahon na nasa changing room at pwede mong iutos kay Madam Chen na itapon nalang 'yun."

Bahagyang tumungo si Lu Jinnian, at walang imik na tumingin sakanyang sasakyan. Kinuha niya ang kanyang susi at binuhat ang maleta ni Qiao Anhao. Pagkababa niya ng hagdanan, dumiretso siya sa likod ng kanyang sasakyan para mailagay ang maleta bago siya maglakad pabalik sa passenger seat para naman pagbuksan ng pintuan si Qiao Anhao.

Bab berikutnya