webnovel

Paalam aking kabataan, paalam aking mahal (14)

Editor: LiberReverieGroup

Alam ni Xu Jiamu na hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao kaya sumandal siya para mas maging komportable ang kanyang posisyon. Tinignan niya si Qiao Anhao ng walang anumang bakas ng galit o pagkalito sa kanyang itsura habang hinihintay itong magpatuloy sa pagsasalita.

Dahan-dahang ibinuka ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi. "Nalaman ko lang na magpapakasal ako sayo matapos ang naging car accident mo. Dahil sa nangyaring aksidente, maraming naging usap-usapan na nawalan na ng tagapagmana ang Xu family kaya ang mga board of directors ay nagumpisang magduda. Bandang huli, ang tanging solusyon lang na naiwan para malampasan ng Xu family ang krisis ay ang magpanggap si Lu Jinnian bilang ikaw at ang magpanggap kami bilang magasawa.

"Bukod sa akin, wala ni isa sa Qiao family ang nakakaalam ng tunay mong kundisyon, at dahil kinausap ako ni Auntie Xu…"

Noong mga panahon na iyon, walang alinlangan siyang pumayag sa ideya na magpapanggap sila ni Lu Jinnian bilang magasawa. Matagal niya na itong mahal, pero wala siyang pinagsabihang kahit sino. Maging si Xu Jiamu ay wala ring kaalam alam sa tunay niyang nararamdaman kahit pa nakita na nito ang kanyang love letter…

Natigilan ng sadlit si Qiao Anhao bago magpatuloy, "Matagal na tayong magkaibigan at hindi ko kayang iwanan ka nalang ng basta sa ere kaya pumayag ako sa ideya, pero ngayon…"

"Ngayon na nagising na ako, tapos na rin ang anumang ipinangako mo noong una kaya gusto mo na sanang tapusin ang pagiging asawa ko, tama ba? Itinuloy ni Xu Jiamu ang gusto niyang sabihin.

Yumuko si Qiao Anhao at medyo nagalangan siya noong una bago tumungo.

"Sige, naiintindihan ko. Ako ng bahala," agad na pumayag si Xu Jiamu ng walang pagaalinlangan o pagdadalawang isip.

Gulat na gulat na iniangat ni Qiao Anhao ang kanyang ulo. "Brother Jiamu, paano mo ito aayusin ng magisa?"

"Wala kang dapat alalahanin tungkol sa bagay na yan. Hindi tayo pwedeng basta-bastang magdivorce. Wag mong kalimutan na mula noong mamatay ang mga magulang mo, ang mga magulang na ni Qiao Anxia ang nagaruga sayo, kaya hindi lang ikaw ang sangkot sa kasal na ito kundi ang buong Qiao family.

"Kung hihingi ka kaagad ng divorce, paano ka haharap sa aunt at uncle mo sa mga darating na araw?" Pinaliwanag ni Xu Jiamu kay Qiao Anhao ang bawat detalye ng sitwasyon bago niya ito bigyan ng katiyakan, "Qiao Qiao, wala kang dapat problemahin. Ako na ang bahala sa lahat, maghintay ka nalang."

Sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ni Qiao Anhao ang Qiao family noong inisip niya ang divorce pero dahil ipinaliwanag ito sakanya ni Xu Jiamu, bigla siyang nagalala kung paano niya haharapin ang kanyang aunt at uncle. Sobra siyang naantig at naalala niya na simula palang pagkabata nila, lagi na talagang iniisip ni Xu Jiamu ang kanyang kapakanan. 

Tumungo siya at sumagot ng mahina, "Brother Jiamu, salamat."

"Qiao Qiao, bakit sobrang pormal mo naman sa akin?" Ngumiti si Xu Jiamu at iniangat ang kanyang kamay para himasin ang buhok ni Qiao Anhao. "Pero Qiao Qiao, kailangan mo pang maghintay ng sandali, wala pa kasi akong sapat na lakas para lumabas ng bahay ngayon…"

Alas nuebe na ng gabi noong nakabalik si Qiao Anhao sa Mian Xiu Garden. Nakapag'gabihan na siya sa mansyon ng mga Xu kaya bago siya umakyat, sinabihan niya muna si Madam Chen na huwag na siyang paghandaan nito.

Wala pa si Lu Jinnian noong oras na makauwi siya. Hindi naman siya masyadong kumilos sa buong araw pero parang pagod na pagod siya. Naligo lang siya ng sadlit at agad siyang humiga sa kama para makapagpahinga pero bigla namang hindi siya makatulog. Pagsapit ng bandang alas dose ng madaling araw, may narinig siyang isang sasakyan na paparating.

Bab berikutnya