Nagulat si Qiao Anhao sa sinabi ni Lu Jinnian kaya napatingin lang siya ng matagal sa likod nito hanggang sa muli itong nagsalita. "Kakatapos lang umulan kaya mahirap maglakad."
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay nagaalala si Lu Jinnian na baka mapagod siyang maglakad dahil masyadong mataas ang suot niyang takong. Bigla siyang nahimasmasan at sinabi, na tila medyo nagulat sa ipinakita nitong pagaalala, "Ayos lang, kaya kong namang maglakad. At isa pa, hindi naman ganun kalayo."
Nanataling nakahukot si Lu Jinnian. "Sumakay ka na."
Matapos itong sabihin ni Lu Jinnian, tumingin siya kay Qiao Anhao at hinatak ang kamay nito. Walang kahirap-hirap itong lumapag sa kanyang likuran. Hinawakan niya ang dalawang binti nito at tumayo.
Natatakot si Qiao Anhao na baka malaglag siya kaya humawak siya ng mahigpit sa mga braso ni Lu Jinnian. Hindi siya gumagalaw habang ang kanyang katawan ay nakalapat ng maigi sa likod ni Lu Jinnian.
Medyo malapad ang likod ni Lu Jinnian. Walang kahirap-hirap siyang naglakad kahit na may nakapasan sakanya at gamit ang kanyang makikintab na mga sapatos, maya't-maya siyang humakbang sa mga mababaw na naipong tubig na nadadaanan nila. Si Qiao Anhao naman na nasa kanyang likod ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagkapanatag, at ang kanina'y nainigas nitong katawan ay unti-unting naging kalmado.
Medyo malamig dahil ala una na ng umaga noong natapos ang ulan. May mga pagkakataon ding hinahangin ang mga patak ng ulan na nasa mga dahon at nababasa ang mukha ni Qiao Anhao. Malamig man ang kanyang braso at ang kanyang buhok, pero hindi ang kanyang puso.
Noong halos isang daang metro na ang nalalakad ni Lu Jinnian, huminto muna siya para ayusin ang pagkakabuhat kay Qiao Anhao dahil nararamdaman niyang nalalaglag na ito. Habang nakayakap sa leeg ni Lu Jinnian, tinignan ni Qiao Anhao ang napaka gwapong gilid ng mukha nito.
Nakadikit ang dibdib ni Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian kaya nararamdaman niya ang mainit nitong katawan kahit pa may mga damit na namamagitan sakanila. Isang pambihirang init ang dumaloy sa kanyang hindi mapalagay na puso, at ang kanyang mga kamay na nakayakap sa leeg ni Lu Jinnian ay hindi na makagalaw.
Dahil masyado silang malapit, naamoy ni Qiao Anhao ang amoy ng tobacco na dumikit sa katawan ni Lu Jinnian. Ang kanyang mga mata ay napuno ng lambing nang mahinahon niyang tawagin ang pangalan nito, "Lu Jinnian?"
"Hm?" sagot ni Lu Jinnian na kasing kalmado ng kanyang paglalakad.
Isang minutong nanahimik si Qiao Anhao bago siya muling nagsalita sa tenga ni Lu Jinnian, "Maraming taon din tayong naging magkaklase."
Hindi maintindihan ni Lu Jinnian kung bakit ito sinabi ni Qiao Anhao kaya kumunot ang kanyang mga kilay at sumagot ng isa pang "mm" bago niya sabihin, "Kung kasama ang middle school, anim na taon yun."
"So, maituturing namang magkaibigan tayo diba?" Nakaramdam si Qiao Anhao ng nerbyos at kaba habang tinatanong niya ito.
Kung magkaibigan kasi sila, kahit pa makalabas na si Xu Jiamu sa ospital at hindi na nila kailangan pang magpanggap bilang magasawa na gaya ng nangyayari ngayon, pwede pa rin silang makapag usap, tama ba?
Kahit na may ibang babae ng minamahal si Lu Jinnian …at kahit na patuloy pa rin nitong mahalin ang babaeng iyon, hindi magbabago na kasal na ito. Sa paglipas ng mga oras at araw, kakailanganin ni Lu Jinnian na magkaroon ng sarili nitong pamilya.
Kapag dumating ang oras na iyon, hindi na mahalaga kung magpapakasal ito sa taong mahal nito kaya kung sakaling makakapagusap pa din sila, baka balang araw ay magkaroon din siya ng pagasa kay Lu Jinnian, tama ba?