webnovel

Mahal kita, Mahal kita (10)

Editor: LiberReverieGroup

Sa sobrang awkard, tumawa nalang ang third female lead para hindi mahalata na napahiya ito at saka nito ibinaba ang wine glass sa lamesa.

Nanatiling tahimik si Qiao Anhao habang paunti-unting humihigop ng mainit na gatas na kanyang hawak. Mainit ang gatas pero mas mainit pa rin ang kanyang puso, binalot ng sobrag kilig ang kanyang buong katawan habang patuloy lang siya sa paginom. 

Mayroon ng may hawak ng mikropono at kumakanta na ito ng napili nitong kanta samantalang ang mga nakaupo naman ay masayang nakikipag-usap sa mga katabi nito habang umiinom.

Masarap na ang pakikipagkwentuhan ng third female artist, na nasa tabi ni Qiao Anhao, kina Cheng Yang at sa direktor, kaya hindi na siya napansin nito. Samantalang si Lu Jinnian naman na nasa kabilang gilid niya ay sobrang tahimik at bihirang magsalita, kaya wala siyang magawa kundi umupo nalang din ng tahimik at manuod sa kumakanta habang umiinom ng gatas.

Pagkaubos niya ng laman ng tasa, agad niya itong inilapag sa lamesa at sumandal sa sofa. Ang mga kamay niya ay nasa gilid ng kanyang mga hita at sa sobrang bagot ay sinabayan niya nalang ang kumakanta sa kanyang isip.

Ang third male lead na kasalukuyang kumakanta ay kilala bilang bakaw pag dating sa mikropono. Nakakanta na ito ng tatlong sunod-sunod na kanta pero mukhang wala pa itong intensyong bitawan ang mikropono dahil muli nanaman itong namili ng isa pa – ang 'Dong Feng Po' ni Jay Chou.

Noong nagaaral pa si Qiao Anhao, sobrang gusto niya ang kantang ito pero dahil matagal na rin ang panahong lumipas kaya medyo nakalimutan niya na rin ang lyrics nito. Matapos niyang kumanta ng limang sunod-sunod na linya, napahinto siya at tumingin sa para tignan ang mga sunod na linya:

"As the water flowed to the east,

"No matter how much I tried to get more time,

"The flowers can only bloom once

"And I had missed it..."

Noong mga sandaling iyon, nagulat si Qiao Anhao dahil naramdaman niyang nagkadikit ang mga daliri nila ni Lu Jinnian.

Biglang bumulusok ang kanyang emosyon at hindi niya na maigalaw ang kanyang mga daliri. Napatitig nalang siya sa lyrics na nasa screen at hindi niya na magawang kumanta pa sa kanyang isip.

Medyo matagal na natigilan si Qiao Anhao bago niya mapagtanto na magkadikit pa rin ang mga kamay nila ni Lu Jinnian habang may hawak itong phone.

Napalunok siya at inurong ang kanyang kamay para iiwas sana sa kamay ni Lu Jinnian. Pero noong oras na yun, nabitawan na ni Lu Jinnian ang phone nito at tuluyan na ngang ipinatong sakanyang kamay.

Nang sandaling iyon, pakiramdam ni Qiao Anhao na para bang hindi na sakanya ang kamay niya. Mayroon din siyang naramdamang hindi maipaliwanag na init na dumaloy mula sa palad niya hanggang sa daluyan ng kanyang dugo. Sinubukan niya pang pumiglas noong una pero niyang naramdaman na mas humigpit pa ang hawak nito.

Hindi na napigilan ni Qiao Anhao na lumingon kay Lu Jinnian pero diretso lang ang tingin nito sa screen, kalmado lang ang itsura nito. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao kaya pati ang tenga niya ay nagiinit na rin.

Noong binigyan niya si Lu Jinnian ng torch noong bata pa sila, inimagine niya kung anong pakiramdam na mahawakan ang malambot at manipis nitong kamay. Sa loob ng mahabang panahon, ito ang unang pagkakataon na naghawak kamay sila ng ganun kaseryoso, di hamak na mas nakakakilig at mas nakakasabik ito kaysa sa naimagine niya.

Ginaya ni Qiao Anhao si Lu Jinnian, kalmado rin siyang tumingin sa screen na at naglakas loob siya na mas higpitan pa ang hawak sa kamay nito.

Naramdaman ni Lu Jinnian na mas humigpit pa ang hawak ni Qiao Anhao, nagniningning sa saya ang kanyang mga mata pero wala pa ring nagbabago sakanyang reaksyon at nanatili lang siyang kalmado.

Para sa mata ng iba, mukhang hindi sila naguusap, pero ang isang hindi alam ng mga ito, ang mga kamay pala nila'y mahigpit na magkahawak.

Bab berikutnya