webnovel

My Birthday Present to You (1)

Editor: LiberReverieGroup

Medyo nag'alangan ai Qiao Anxia kaya hindi siya kaagad nakasagot pero bandang huli, umiling siya at ngumiti kay Qiao Anhao. "Paano ko naman malalaman kung sino ang taong mahal ni Lu Jinnian? Matagal ko na siyang hindi kinakausap. Kagaya mo, wala rin akong alam. Narinig ko lang sa ibang tao na kasal na raw ang babaeng mahal niya kaya naisipan kong itanong sayo."

"Oh," sagot ni Qiao Anhao na pakiramdam ay napahiya siya. Kinagat niya ang kanyang straw at tumingin sa bintana ng cafe.

Matapos ang ilang sandali, ibinaba ni Qiao Anxia ang kanyang mug at muling nagtanong, "Matagal ko ng hindi nakikita si Jiamu. Kamusta na pala siya?"

Ang tunay na Xu Jiamu ay nakaratay pa rin sa ospital hanggang ngayon. Hindi pa rin ito nagigising, pero hindi yun alam ng mga tao...Tumungo si Qiao Anhao at sumagot, "He's great."

Hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita, "Alam mo naman diba, pagkatapos masira ng mukha ni Jiamu, ayaw niya ng makakita ng ibang tao."

"Yeah, nakakahinayang nga eh. Kung hindi lang nagkaroon ng car accident si Jiamu, malamang ideal couple talaga kayong dalawa."

Yumuko si Qiao Anhao para itago ang konsensya sa kanyang mga mata. Ngumiti lang siya at walang sinabing kahit ano.

"Pero ayos lang yun. Advance na ang cosmetic surgery ngayon. Hintayin lang natin na mas maging okay si Jiamu at pagplanuhan natin ang tungkol dun."

-

Noong natanggap ni Lu Jinnian ang message ni Qiao Anhao ay kasalukuyan siyang nakaupo sa meeting room ng Huan Ying Entertainment para makinig sa mga department performance reports. Napasadahan niya na ang mga reports bago pa man mag-umpisa ang neeting kaya hindi na siya masyadong interesado.

Biglang nagvibrate ang phone na nasa kanyang bulsa. Wala talaga siyang balak na basahin ito noong una pero dahil medyo nababagot na siya kaya kinuha niya ito at nakita ang message ni Qiao Anhao.

Parang biglang huminto ang oras matapos itong makita ni Lu Jinnian. Ganitong ganito rin ang nararamdaman niya noong mga panahong nakaupo siya sa library, pagod at pressured sa pagfifilm at pag-aaral, tapos bigla nalang siyang makakatanggap ng mga walang malisyang texts galing kay Qiao Anhao gaya ng, "Kumuha ka ng historical drama?", "Narinig ko na sinabi ni Brother Jiamu na dahil daw sa pagfifilm kaya ka bumagsak sa course mo?", "Nagssnow ba sa Hagzhou? Ibig ba sabihin nun ay makikita mo yung broken bridge na nakabalot ng snow?"

Sa tuwing nakakatanggap siya ng text mula Qiao Anhao noon, medyo pagod at iritable siya pero parang himala na bigla siyang kumakalma at kaya gusto niya lang itong kausapin sa phone kahit gaano pa katagal.

Nakaramdam ng sakit at lungkot si Lu Jinnian habang inaalala ang magagandang araw ng kanilang kabataan. Dahan-dahan niyang tinap ang kanyang phone screen at nagreply kay Qiao Anhao.

Alas cinco na natapos ang meeting. Bumalik muna si Lu Jinnian sa kanyang office para asikasuhin ang ilang urgent documents na kailangang matapos ngayong araw. Kinuha niya ang kanyang para tignan ang oras—dalawampung minuto na ang nakakalipas matapos ang alas cinco. Binuksan at binasa niya ulit ang mga messages na sinend sakanya ni Qiao Anhao noong meeting at hindi niya napigilan ang kanyang sarili na mapangiti.

"Mr. Lu…" nagmamadaling sabi ng kanyang assistant habang binubuksan ang pintuan.

Agad na ibinaba ni Lu Jinnian ang kanyang phone sa lamesa at walang emosyong sinabi, "Ano?"

"Mr. Lu, may dinner schedule ka ngayon. Naka'book yun ng seven pero baka matraffic tayo kaya kailangan na nating umalis ng maaga. .."

Hindi pa man din natatapos ang kanyang assistant sa pagsasalita ay bigla niya na itong pinutol at walang kabuhay-buhay na sinabi, "Hindi ako aattend ng dinner ngayon." Sobrang nagulat ang kanyang assistant. Tumayo siya at habang kinukuha ang kanyang jacket ay muli siyang nagsalita, "Dadalhin ko ang sasakyan. Dumiretso ka na sa office bukas ng umaga. Hindi mo na kailangang pumunta sa Mian Xiu Garden."

Bab berikutnya