webnovel

Bakit hindi na lang ako? (8)

Editor: LiberReverieGroup

"Maraming salamat, direktor, " sabi ng assistant ni Lu Jinnian. Magalang itong umalis nagpaalam at kinuha ang telepono para tawagan si Lu Jinnian habang paalis ito.

Humingi ng tawad ang direktor, "Xiao Qiao, mukhang para sa wala ang pag-aayos sayo."

"Huwag kayong mag-alala." Tinignan ni Qiao Anhao ang assistant na palayo na bago sinabi sa direktor. "Direktor… kung busy kayo at wala ng ibang gagawin. Aalisin ko na ang make-up ko at babalik na ako sa hotel."

"Sige. "

"Paalam." Ngumiti si Qiao Anhao sa direktor at tumalikod para habulin ang assistant ni Lu Jinnian. Pinigilan niya ito

"Miss Qiao? " Tumigil sa paglalakad ang assistant ni Lu Jinnian at binaba ang telepono at magalang nagtanong, "May maitutulong ba ako?"

"May sugat ba si Lu Jinnian?" parangkang tanong ni Qiao Anhao.

Naalala ng assistant ang bilin na Lu Jinnian kahapon. Natigilan siya at nanatili ang magalang niyang ngiti. "Pasyensya na…"

"Alam ko na may sugat siya." Hindi na tinapos ni Qiao Anhao ang sasabihin. napalunok ang assistant ngunit wala itong sinabi.

"Sa likod, Tama?" habol ni Qiao Anhao.

Tumangoo nalang ang assitant. saka nagsabi ang assistant, "Miss Qiao… uminom siya ng marami sa party kahapon, hindi ba? 

Nang marinig ito ni Qiao yumuko siya. Uminom ng marami si Lu Jinnian dahil alam niya ang trick na sa bato, papel, gunting at dahil dito na talo ito ng maraming beses.

Hindi niya alam na may sugat ito… Kinagat ni Qiao Anhao ang labi niya at tumango sa assistant.

"Sabi ko na!" Agad na nag-alala ang assistant ni Lu Jinnian. "Malala ang sugat niya sa likod, paanong uminom pa siya ng alak? Siguradong na impeksyon na yun. Tinago niya siguro na malala na ang sugat niya. Kaya siya nagtatago. Katulad dati, nung nasa historical drama filming kami.

" Dahil hindi siya kumuha ng stunt double, nang mawala ang atensyon siya sa laban, na baluktot ang tendon niya sa kaliwang ankle niya. Hindi niya ito sinabi ng panahon na iyon! Hindi ko rin alam hanggang sa 4 na araw ang lumipas, nasa isang hotel room siya. Paika-ika itong lumabas ng banyo at nalaglag sa lupa. Doon ko nalaman na may sugat siya!"

sa puntong iyon na galit ang assistant. "4 na araw… baluktot ang tendon… Pinilit niya ang sarili sa 4 na araw. Namaga ang sugat niya na kasing laki ng tinapay! Nang dumating siya sa ospital, kung pinilit niya pa, maaring na lumpo na siya!"

"Hindi ko maintindihan si Mr. Lu kung bakit tuwing magkakasakit siya o masusugatan. Wala siyang sinasabi sa iba nagtatago lang ito. Ayaw niya na may ibang maka alam, at pinipilit niya ang sarili niya. Hindi maintindihan ang iniisip niya.

"Maliban nalang hindi niya alam sumigaw sa sakit? Hindi siya maalam na mahalin ang sarili niya! Sabihin mo… Alam mo ba kung saan siya nagpunta? Hindi niya sinasagot ang tawag o messages!" Hindi maiwasan na mairita ng assistant at tuloy-tuloy sinabi, "Nag-aalala na ako, at hindi ko alam kung na saan siya ngayon? "

"Miss Qiao, Anno sa tingin mo?" Nang tumalikod ang assistant par tanungin si Qiao Anhao, umalis na ito.

-

tinanggal ni Qiao Anhao ang make up niya, Hiningi niya kay Zhao Meng ang susi ng sasakyan at umalis.

Ang crew ay nasa bandang timog ng Beijing at Mount Yi naman at nasa hilaga. Halos 3 oras siyang nagmaneho para marating ang mansion ni Lu Jinnian sa Mount Yi.

Bab berikutnya