webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (11)

Editor: LiberReverieGroup

Papel, Gunting, Bato.

5, 2, 0.

Ito ang binigay niya pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs.

Sayang lang hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin nito.

Nang maupo si Qiao Anhao sa tabi ni Lu Jinnian at marinig ang sinabi nito may kaunting lungkot sa kanyang puso. Ang totoo nagsimula niyang magustuhan ang hindi kilalang babae ng sa unang kalahati ng third sa year sa middle school.

Nakilala niya rin ito ng ganitong panahon at nahulog ang loob niya sa unang sulyap niya rito. Hanggang ngayon, Kung pagsasamahin gusto niya ang babae sa loob ng 13 ½ taon… Ang akala niya siya lang ang matigas ang ulo at hindi na papagod umibig parehas lang pala sila…

Minsan masigla kang kausap pero sa loob mo hindi ka malaya. Nang marinig ni Qiao Anxia ang 'truth', naging seryoso ang ekspresyon nito. Hindi niya alam kung bakit pero nang sinabi niya ito bigla siyang nagsalita, "Sinong makakaisip na may gusto pala si Mr. Lu at hanggang ngayon mahal niya ito."

Dahan-dahan inikot ni Song Xiangsi ang wine glass at tinuloy ang sinabi ni Qiao Anxia, "Tama. Kunng bibilangin, higit sa 10 taon na. Ang swerte ng babaeng mahal mo Mr. Lu. "

Matapos sabihin ito, tumingin si Song Xiangsi at saka ngumiti kay Lu Jinnian.

Paanog hindi malalaman ni Lu Jinnian na pinagtripan siya ni Song Xiangsi. Kahit ganon nanatili lang ito na walang kibo at hindi ito nagbigay ng reaksyon kay Song Xiangsi.

Matapos nito naglaro pa sila at natalo ulit si Qiao mas marami ang talo niya kesa sa panalo.

Gayumpaman, nang manalo siya at iba naman ang kalaban ni Lu Jinnian nanalo naman ito.

Sa loob niya tuwing matatalo si Qiao Anhao dedepende siya laro nila Lu Jinnian.

May matapang na nagtanong kay Lu Jinnian tungkol sa dating history niya. tumahimik ang lahat ng tinanong ang dating history niya.

"Mr. Lu, hanggang ngayon gusto mo pa rin yung babae?"

"Oo."

"Mr. Lu, naging kayo ba? "

"Hindi."

"Mr. Lu, matapos ang maraming taon, mahal pa rin ba ang crush mo? Umamin ka ba sa kanya?"

"Gusto ko pero hindi ako nagtagumpay."

Nabigla ang lahat sa sagot ni Lu Jinnian.

"Oh my god! Hindi pwede! Sino ang tangang tatangi sa THE Mr. Lu?"

"Sigurado kayong hindi bulag yung babae?"

"Siguradong bulag yun. The Nation's Husband! Kahit sino iuuwi siya!"

Gustong malaman ng lahat kung sino ang babaeng gusto niya. gusto nilang malaman ang bawat detalye tungkol sa babaeng ito.

Gusto rin malaman ni Qiao Anhao kung sino ang babaeng ito, iniisip niya kung maganda ba ang babae? Naging sila ba? Mahal pa rin ba niya ang babae?

Nang gabi iyon, Lahat ng gusto niyang itanong ng kanyang puso ay tinanong ng mga tao sa loob ng private room.

Gayumpaman, matapos malaman lalaong nalungkot ang pus niya.

Bandang Huli matapos ang ilang laro, natalo si Lu Jinnian. Nang matalo ito may nagtanong ng gustong itanong ni Qiao Anhao, "Mr. Lu, Ano pangalan ng babaeng gusto niyo?"

Bab berikutnya