webnovel

Pang-Blockbuster na Pag-arte (7)

Editor: LiberReverieGroup

Dalawang metro ang lalim ng swimming pool. Nauna ang ulo ni Qiao Anhao ng mahulog ito.

Biglaan ang incident na ang lahat ay na tulala.

Tinulak palayo ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at umalis, kita ang lugmok sa kanyang mukha. Ngunit, wala pang dalawang hakbang narinig niya ang lagaslas ng tubig. Lumingon siya agad at nakita niya nahulog si Qiao Anhao sa tubig.

Open air ang swimming pool at hindi maligamgam ang tubig kaya ng mahulog si Qiao Anhao ay malamig ito at kagagaling lang niya sa sipon at hindi siya marunong lumangoy.

Namutla si Lu Jinnian at walang pagalinglangan na tumalon sa pool.

Nasa ilalim ng tubig si Qiao Anhao, malamig ang tubig at mawalan ng ulirat. Tumawag siya ng tulong pero napapasukan ng tubig ang kanyang bibig.

Nahirapan umahon si Qiao Anhao at dahil sa kanyang pagkahulog ay lalo siyang lumulubog. Nang malapit na siya sa baba ng pool, naramdaman niya na may kumuha sa kanya at niyakap, at dinala papunta sa itaas.

Nang maahon ni Lu Jinnian si Qiao Anhao agad nito diniin ang kanyang tiyan dahilan para malabas ni Qiao Anhao ang tubig at mabalik sa sarili. Kahit pikit ang mga mata alam ni Qiao Anhao nahulog siya sa tubig.

Ang bilis ng pangyayari at hindi na pansin ng mga tao ang loopholes. Ngunit, bilang isang biktima naalala niya kung paano nabali ang kanyang heels bago siya nalaglag sa pool. Walang ibang rason para dito ay isang foul play para malaglag siya sa lupa. May gustong magpahiya sa kanya.

Wala pang dalawang minuto ng maahon si Qiao Anhao ni Lu Jinnian. Gayumpaman, maputla siya at walang malay matapos malabas ang tubig sa bibig.

Sumimangot si Lu Jinnian, kita rin ang pagkabahala at takot sa mata nito. Dahan-dahan niya tinapik ang mukha ni Qiao Anhao pero hindi ito gumalaw. Bagkus nanginginig ang katawan nito. Nagtitiim-bagang si Lu Jinnian at wala ng paki sa lahat, huminga siya ng malalim at tinuon sa bibig ni Qiao Anhao.

Maraming tao gustong makita na mapahiya siya pero hindi niya ito mapapayagan.

Ngayon nahulog siya sa tubig, babaguhin niya ang incident na ito sa isang bagay na kapana-panabik.

Bab berikutnya