webnovel

Mayroon Ka Talagang Pangit Na Panlasa Noon

Editor: LiberReverieGroup

Nang gabi iyon, nagpatuloy ang dalawa sa pagtulog sa magkahiwalay na kwarto. Natulog si Yao Anqi sa main bedroom kasama si Xingzhe habang nahiga naman si Mo Zixi sa guest bedroom.

Habang gamit niya ang kanyang mga kamay bilang unan, inisip muli ni Mo Zixi ang lahat ng pinagdaanan niya kasama ni Chen Jingrong nitong nakaraang 4 na taon. Hindi niya ito kailanman inisip noon, pero ngaun na iniisip na niya ang tungkol dito ng detalyado, tila, mayroon mga kasinungalingan sa bawat bahagi.

Ang lahat ay isang panaginip lamang na ginawa ni Chen Jingrong. Sa kasamaang palad, kinakailangan talaga ng isang tao na magising mula sa kanilang panaginip.

Sa kabilang banda, nang maisip niya si Yao Anqi at kung paano siya nagdusa nitong mga nakaraang taon dahil sa kanya, pakiramdam niya ay may malaki siyang pagkakautang kay Yao Anqi at Xingzhe.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya