"Wow! Si President Mo ang tagapagsagip! Ang nagmamahalang mag asawa," mapaglarong wika ng host habang pinapanood ang pag alis ng mag asawa sa entablado.
Gayunpaman, hindi kinarga ni Mo Ting si Tangning paalis sa lugar. Sa halip, ibinalik niya ito sa dati nitong kinauupuan bago bumalik sa kanyang kinauupuan sa likuran.
Nagiisip si Long Jie kung dapat ba siyang umalis at ibigay kay President Mo ang kanyang kinauupuan.
Ngunit, nang siya ay tatalikod na lamang, si Mo Ting ay nawala na lamang sa kadiliman.
Dahil sa nangyari, sumandal si Long Jie at nagtanong kay Tangning, "Ok ka lang ba? Gusto mo bang bilhan kita ng isang pares ng sapatos?"
"Maayos ako, yamang nandito na si Ting, hindi mo na kailangan mag alala," ngumiti si Tangning. Dahil kinuha ni Mo Ting ang kanyang sapatos, kung ganon siya ay tiyak na babalik sa katapusan ng event upang kargahin siya palabas, o umalis ito upang bilhan siya ng bagong pares ng sapatos.
"Ok," tango ni Long Jie.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com