Sa nagdaang dalawang araw, ang kondisyon ni Huo Jingjing ay bumuti na. Pagkatapos na bisitahin si Huo Jingjing sa hospital at makitang maganda na ang pakiramdam nito, si Tangning ay nag umpisa nang marelaks.
"Bakit nakatayo ka lang sa pintuan? Hindi ka ba napapagod? Hindi ba nagrereklamo ang maliit na bata diyan sa tiyan mo?" Napansin ni Huo Jingjing ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Tangning, kaya sinubukan niyang patawanin si Tangning.
"Nasaan si Fang Yu?"
"Umalis siya upang ihatid si Fang Yue sa eskwelahan. Ngunit, siya ay magkakaroon ng ilang araw na bakasyon sa mga susunod na araw. Nag aalala akong si Fang Yu ay mawawalan ng oras upang alagaan siya. Tatawag sana ako sa iyo kung maaari namin iwan muna siya sa iyong bahay ng ilang araw," kumumpas si Huo Jingjing kay Tangning upang maupo.
"Hindi iyan problema." Umupo si Tangning sa gilid ng kama ni Huo Jingjing at wala sa loob na tumingin sa nakabendang binti ni Huo Jingjing, "Nitong mga nakaraan..."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com