Ito ang unang pagkakataon na mayroong naglakas ng loob na artist ng kumpanya na pagbabaan ng telepono si Lan Xi.
Isang A-Grade na modelo na may pangalang Tangning.
Tiniis ni Lan Xi ang kanyang galit at pinigil ang kanyang init ng ulo habang tinatawagan niya si An Zihao. Matapos tingnan ang mga iskedyul ni Tangning, tumugon si An Zihao, "Dahil sa ibinigay mo ang ang lahat ng dating trabaho ni Tangning kila Li Danni at Hua Yuan, tumanggap ng ibang trabaho si Tangning. Ang kanyang iskedyul ay puno na. Paumanhin, pero hindi namin ito problema."
Syempre, hindi ito problema nina Tangning at An Zihao.
Pwede lamang sisihin ni Lan Xi ang kanyang sarili.
Hindi niya kailanman inisip na magiging popular si Tangning nang dahil sa highlights ng LM. At hindi talaga niya inakala, na magpupumilit ang kanyang mga kliyente na gamitin si Tangning.
Ang pagkawala ng isang maliit na bayad – pinsala ay hindi naman ganoon kalaking problema. Pero…
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com