Kinabukasan, sa sandaling pumasok ng opisina sina Han Yufan at Mo Yurou, sila ay sinalubong ng gabundok na regalo na nakalagay sa mesa Han Yufan… lumingon – lingon si Mo Yurou at napagtanto niya na nakalimutan niya ang kaarawan ni Han Yufan…
Dati, para sa kaarawan ni Han Yufan, palagi siyang nagplaplano espesyal sa kaarawan nito para pigilan itong umalis at maiwan si Tangning na naghihintay na parang tanga. Gayunpaman, nagbago na ang lahat ngayon. Pagkatapos na maranasan kung paano magtaksil, napagtanto ni Mo Yurou na hindi na siya maaari pang umurong.
"Yufan, hindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, kaya … hindi ako nakapaghanda ng regalo para sa iyo," sabi ni Mo Yurou habang yumayakap sa leeg ni Han Yufan pagkatapos ay gumihit siya ng mga bilog sa dibdib nito gamit ang kanyang mga daliring maselan; alam niya na ito ang kahinaan ni Han Yufan.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com