webnovel

Ang Paglalaro ng Kanyang Baraha sa Hindi Inaasahang Paraan

Editor: LiberReverieGroup

[Mo Yurou Vs Tangning], [Trendy Goddess Battles It Out With Outdated Model], [Tangning and Mo Yurou Fight in the Same Frame]; ang mga ito ay ang lahat ng mga pinakamaiinit na balitang natagpuan ni Long Jie sa online sa umaga ng photo shoot. Syempre alam nila, ito ang lahat ng pagsisikap ni Han Ruoxue na pataasin ang katanyagan ni Mo Yurou. Ang Internet Age ay laging ganito: kahapon lang, si Mo Yurou ay isa pa ring kabit sa labi ng lahat, ngunit ngayon, ang hampas lupa ay naging goddess - siya ay naging perpektong modelo sa kanilang mga mata. Ito ang Entertainment Industry na kung saan walang sinuman ang makakahula kung ano ang maaaring mangyari sa susunod na araw.

Gayunpaman, walang duda, ang Tianyi ay ganap na namuhunan kay Mo Yurou ...

Bago magsimula ang magazine sa kanilang photo shoot, dumating ang pangkat ni Mo Yurou sa entrance ng Headquarters ng Secret.

"Para sa kapakanan ni Mo Yurou, ibinigay ng walang hiyang iyon ang lahat ng makakaya niya. Narinig ko magkakaroon ng interbyu sa pagitan ninyong dalawa bago ang photo shoot," pinagmasdan ni Long Jie ang mga litrato sa online ng hindi masaya. Kasabay nito, ipinahayag niya ang kanyang mga alalahanin, "Tangning, wala ka ba talagang gagawin na kahit ano? Tingnan mo si Mo Yurou, mayroon siyang 3 appearances kada araw, nakikipag – ugnayan siya sa kanyang mga tagahanga at mayroon siyang pangkat na tutulong sa kanya - siya ay itinuturing na parang isang international superstar. "

"Nadaig na niya ang ilan sa mga kilalang international supermodels, normal lang na tratuhin siya bilang isang superstar," Nakaupo si Tangning sa loob ng kotse at tinitingnan ang nakaraang edition ng Secret Magazine. "Ngayon, dapat matuto kayong dalawa kung paano pumuri ng iba at mapabuti ang inyong mga ugali."

"Wala namang kapuri – puri!" hindi maunawaan ni Long Jie kung ano ang nasa isip ni Tangning. Samantala, nakuha na Lin Wei ang ibig sabihin ni Tangning kaya nilingon nito si Long Jie at ipinaalala dito, "Nakalimutan mo ba kung ano ang sinabi ni Tangning kagabi?"

Nag – isip sandali si Long Jie bago sa wakas ay naalala nito, "Oh yes, hayaan na ang kanyang labis na tiwala sa sarili ang pumatay mismo sa kanya."

Ito ay isang pangkaraniwang panlilinlang na ginagamit sa industriya. Maraming management agencies ang gumamit ng pamamaraang ito upang turuan ang kanilang mga artist ng aral, lalo na ang mga naging mapagmataas pagkatapos ng makakuha ng kaunting katanyagan. Patataasin nila ang tiwala nito sa sarili hanggang sa pinakatutok, paniniwalain nila ito at ang iba na sila ay nasa tutok na ng mundo, pagkatapos ay hihilahin nila ito pababa mula sa sanggang kinalalagyan nito at hahayaan ang mga ito na mapagtanto na sila ay para lamang maliit na butil sa mundo – kasing liit ng langgam.

Dahil gustong – gusto ni Mo Yurou na nasa tuktok ng mundo, hahayaan nila ito. Nakagawa na si Han Ruoxue ng sapat na mga kaaway para sa kanya ...

Syempre, lahat ng bagay ay ginawa ni Han Ruoxue ay para makumbinsi si Mo Yurou na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang umasa sa Tianyi; ito ay isang babala na sa sandaling siya ay maging sikat, mas mabuting hindi niya isipin na maghanap ng ibang kumpanya.

"Para kay Mo Yurou, ibinigay ni Han Rouxue ang lahat ng mayroon siya. Nakakalungkot lang isipin na hindi kayang suportahan ng kakayahan ni Mo Yurou ang ambisyon niya."

"Kung patuloy pa niyang susuportahan si Mo Yurou, malalaman natin iyan pagkatapos ng shoot," kalmado lang si Tangning katulad ng dati, ito ang kanyang normal na ekspresyon kapag wala si Mo Ting sa paligid – walang ibang makakapagsabi kung ano ang kanyang iniisip. Ang kanyang ngiti ay ang maskara na kanyang isinusuot para malabanan ang lahat ng panlilinlang sa mundo.

Hindi nagtagal, dumating na sila sa Headquarters ng Secret. Si Tangning ay inihatid sa waiting room na inihanda ng magazine – syempre, ang silid na iyon ay paghahatian nila ni Mo Yurou.

Sinukatan ang katawan ni Tangning ng fashion stylist ng Secret habang pinupuri ang pares ng nakamamanghang binti nito. Pagkatapos nito, ibinigay niya kay Tangning ang isang tradisyunal Chinese dress, "Sa iyong personalidad, pakiramdam ko mas babagay sa iyo ang mga damit na may mas malamlam na kulay. "

Ngumiti si Tangning, tungkol sa mungkahi ng stylist, wala siyang masasabi.

Marahil dahil sa magkaiba ang kanilang propesyon hindi pareho ang paraan ng kanilang pag – iisip, ngunit hindi mapigilan ni Long Jie kundi makialam, "Kaya ni Tangning isuot ang lahat ng damit na ibibigay n'yo sa kanya, hindi siya mapili."

Sa oras na ito, pumasok si Mo Yurou sa silid kasama ang kanyang assistant. Nang makita nito si Tangning na nakaupo sa harap ng salamin, galit itong tumungo sa direksyon ni Tangning. Mayroong mapagmataas na ekspresyon ang mukha nito habang hinila nito ang lipstick na nasa kamay ni Tangning at sinabi, "Dahil nasanay kana na maging kahalili ko na walang ibang damit na maaaring pagpilian, kaya nga nakalimutan mo kung paano maging mapili,"

Pagkatapos magsalita, naglakad – lakad si Mo Yurou sa paligid ng clothing rack. Nagtuturo sa ilang piraso ng damit, hinarap niya ang designer at sinabi, "Gusto kong subukan ang lahat ng ito."

Talagang mahusay si Mo Yurou sa pagpili ng mga damit dahil naintindihan niya kung ano ang nababagay sa kanyang katawan.

Samantala, hindi talaga alam ni Tangning kung paano pumili ng mga damit, dahil … pakiramdam niya, dapat niyang madala ang anumang damit na kanyang isusuot – ito ang dahilan kung bakit siya naroroon.

Kaya, kung ano man ang isuot ng isang modelo, kailangan nila ito ipakita … bagay man o hindi sa kanila.

Dahil sa pagkaunawa na ito, si Tangning ay may sariling natatanging paraan ng pagpapakita ng lahat ng iba't ibang uri ng pananamit.

"Si Yurou ay hindi katulad ng isang outdated na model. Sa propesyon na ito, ang pagsusuot ng damit ay isang seryosong bagay, paanong napaka – kaswal mo tungkol dito?" pagdaragdag ng assistant ni Mo Yurou.

"Ano man ang isuot ng isang kabit, isn't it just 'The Emperor's New Clothes*'? Sa mga mata ng mga lalaki, ano man ang iyong isuot, para ka pa ring nakahubad … ano pa ang punto ng pamimili ng magandang damit na isusuot?"

"Ikaw…"

"Yurou, huwag kang magalit, hindi ito makakatulong sa katawan mo" pag – aalo ng assistant niya. "Malapit na magsimula ang interbyu, lumabas na tayo at maghanda …"

Nilingon ni Tangning si Lin Wei at Long Jie habang siya ay bumulong, "Dapat na din tayong pumunta."

Ang interbyu ay naka – iskedyul na magsisimula ng 9 ng umaga, ang kasalukuyang oras ay 8:40 ng umaga. Dahil sa ito ay ipapalabas ng live sa online, hinili ni Han Yufan ni Tangning at Mo Yurou sa isang tabi para paalalahanan ang mga ito, "Sa ganitong uri ng sitwasyon, mas mabuting mag – isip muna kayo bago magsalita. Sigurado naman ako na alam ninyo pareho kung ano dapat at hindi n'yo dapat sabihin. Lalo ka na Tangning, kontrolin mo ang sarili mo, ito ay ipapalabas ng live. Kapag nagsimula ka ng isang negatibong talakayan, hindi namin makakayang hawakan ang mga implikasyon nito at hindi ko nakikita kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa iyo. "

"Tungkol sa paksa ng pagbabahagi ng entablado, mas maganda kung nakapaghanda kayo ng sagot at ilagay ninyo ang pokus sa front cover ng magazine."

Huwag kang mag – alala Yufan. Hindi ako sigurado kung may isang tao dito na may masamang motibo," sabi ni Mo Yurou habang ikinakabit ang kanyang braso sa braso ni Han Yufan.

"Gagawin ko ang aking makakaya," mahinahong tugon ni Tangning. Ngunit, pagkatapos ng kamakailang mga pangyayari, medyo natatakot si Han Yufan kapag nakikita niya ang pagiging kalmado ni Tangning … kapag mas itinatago nito ang kanyang emosyon, mas maraming itong pakana na nakatago ang kanyang manggas. Gusto talaga niyang malaman, sa sandaling ito, ano talaga ang inisiip ni Tangning.

"Yufan, pumasok na tayo…" kinalog ni Mo yurou ang braso nito, hindi niya kayang makita na panooring nakatitig si Han Yufan kay Tangning.

Nagbigay si Han Yufan ng nagbababalang tingin kay Tangning. Kung kikilos ng maayos ngayon si Tangning, sa hinaharap ... kapag nagbalik si Mo Yurou, pag – iisipan niya kung bibigyan pa niya ito ng isa pang pagkakataon.

Pumasok na silang tatlo sa loob ng interview room, ngunit si Tangning at Mo Yurou lang ang naupo sa upuan na nasa loob. Si Han Yufan naman ay tahimik na tumayo kasama ng mga reporters. Kapag gumawa si Tangning ng anumang pagkakamali, mula sa kanyang kinatatayuan, madali niya itong pipigilan at para makontrol niya ang sitwasyon…

Ngunit ngayon, hindi lalaruin ni Tangning ang kanyang mga baraha sa paraan na inaasahan nila.

Translators Notes:

*The Emperor's New Clothes (皇帝的新装) – Ito ay isang maikling kwento na isinulat Hans Christian Andersen tungkol sa isang emperador na naloko ng mga gumagawa ng tela. Pinaniwala ng mga ito ang emperador na hindi nakikita ng mga taong hindi nararapat sa kanilang posisyon, hangal o walang kakayahan ang damit na suot niya. Ngunit sa katotohanan, ang emperador ay nakahubad talaga at natatakot lamang ang iba na sabihin ito sa kanya.

Bab berikutnya