webnovel

Spider Cave (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang apat lubhang agresibo. Sila ay pasikretong nag-usap sa isang tabi at tuluyang pinabayaan si Ye Xiu na gawin ang lahat ng gawain. Mabuti na lamang at hindi lubhang timang ang turing nila kay Ye Xiu. Matapos nilang mag-usap ay tinulungan nila si Ye Xiu na puksain ang mga halimaw.

"May pinag-uusapan lang kami tungkol sa Guild. Ayos na ang lahat ngayon." paunti-unting pagdadahilan nila.

"Sige kayo naman," Kalmadong sabi ni Ye Xiu, para bang hindi siya naghihinala.

Lubhang natuwa ang apat kapag magkakaisa silang lahat, ang apat at ang dalubhasang si Ye Xiu ay paniguradong matatapos ang dungeon nang walang kahirap-hirap. Ang apat naman ay lihim na nasisiyahan, habang pinapatay nila ang mga halimaw. Hindi mo mahahalata na may masama silang plano sa kanilang isipan.

Palihim na nag-usap si Sleeping Moon at Seven Fields. "Nakita mo ba na lubang mataas ang pinsalang nailalapat niya sa mga halimaw?

"Oo. Hindi pa ako nakakakita ng ganiyan nang ganyang mala-sibat na sandata," sabi ni Sleeping Moon.

"Hindi naman ako masyadong interesado sa mga armas na lubhang mababa ang level." Tugon ni Seven Fields.

"Maganda sana kung maiwan niya iyon pagtapos niyang mamatay sa mga kamay natin." Sagot ni Sleeping Moon.

"Kahit na mahulog sa kaniya iyan kapag namatay siya ay isa pa rin iyang sandata na lubhang mababa ang level, hindi rin natin yan magagamit nang matagal," Sagot ni Seven Fields.

Tumango si Sleeping Moon at nagsalita, "Tama."

Sa paglabas-pasok nila sa Green Forest ay para bang nagkaisa silang lahat at masayang nagpapalakas, lubhang naging mabilis at epektibo silang lahat. Pero sa kasamaang-palad ay hindi nila nakatagpo ang Midnight Phantom Cat.

Matapos ang ilang beses na paglabas-pasok sa Green Forest ay unang narating ni Ye Xiu ang Level 10. Ito'y dahil na rin sa malaking tipak ng Experience na natamasa niya mula noong napatay niya ang Midnight Phantom Cat.

Matapos makita na narating na ni Lord Grim ang Level 10, ay biglang kinabahan si Sleeping Moon. Natakot siya na baka biglang umalis sa grupo si Lord Grim. Pero si Lord Grim ay walang ginawang kahit na ano bukod sa pagbibigay alam sa kanila na narating na niya ang Level 10.

Matapos ang maikling pagbati nila kay Lord Grim ay pumasok na naman sila sa Green Forest Dungeon.

Sa mga sandaling nakapasok na sila ay namalayan nilang lahat na hindi naman pala masyadong malaki ang agwat nila sa isa't-isa, matapos ang dungeon ay narating na nilang lahat ang Level 10 at may nakuha pa silang ilang kagamitan bilang karagdagang gantimpala.

Nilapitan ni Seven Fields si Ye Xiu. "Kaibigan, ngayong level 10 na tayong lahat, at saka mukhang nagkakasundo naman tayo. Ano sa tingin mo kung magsama-sama tayo't pasukin nating ang Spider Cave?"

Dahil may nakaraang bangayan sina Ye Xiu at Sleeping Moon. Ang ikinilos, at pakikitungo ni Seven Fields sa kaniya ay parang kakaiba sa mga mata ni Ye Xiu.

Idagdag pa na makamandag pa rin ang tingin ni Sleeping Moon sa kaniya, at palagiang si Seven Fields ang namamagitan sa kanilang dalawa para magkasundo na sila.

Matapos niyang sumang-ayon ay nagpaalam muna siya upang makuha nang iba pang skills.

Tungkol sa Skill Points, hindi na importante pa kung saan nanggaling ang Skill Points mo dahil natutulungan ka rin naman nilang lahat na marating ang 4000 Skill Points. At ngayong Level 10 na siya, oras na para makakuha siya ng ibang skills na magagamit niya.

Nagtinginan ang apat, at malinaw na kailangan rin muna nilang umalis para makuha ang mga skill na kailangan nila. Dahil dito ay nilisan muna nila ang isa't-isa bago nagkatipon muli sa Spider Cave.

Wala silang nakitang maraming manlalaro sa lagusan ng Spider Cave. Ito'y dahil naging mas mabilis ang pagpapalakas nila kaysa sa mga ordinaryong manlalaro, at saka. Hindi rin naman susubukan ng mga baguhan ang dungeon na ito.

Sa labas ng lagusan ay may ilang manlalaro lang ang makikita. Dahil mahirap ang dungeon ay kailangang mabusisa sila sa pagpili ng mga kasamahan.

Pero sina Ye Xiu at ang mga kasamahan niya ay wala nang tinanong pa sa isa't-isa. Deretsahan silang pumasok sa dungeon. At syempre, sa pagpasok nila ay nagsimula na ang kasamaan nina Sleeping Moon at ng mga kasamahan niya.

"Papatayin ba natin agad o titignan pa natin ang mga pangyayari?" Isa sa kanila ang tahimik na nagtanong.

Nagbigay opinyon naman si Seven Fields "Tingnan nalang muna natin. Hindi ba't mas mainam kung mapapakinabangan natin ang taong 'to kung siya nga ay isang eksperto? Mag-usap nalang tayo ulit pag nakaharap na natin ang BOSS."

"Sige."

Sa totoo lang, wala naman silang ikinagagalit kay Ye Xiu. Siya ay isang napakagaling na manlalaro. Sa totoo lang ay gustong-gusto talaga nilang makasama siya. Pero dahil pinapahalagahan nila ang kaibigan nilang si Sleeping Moon, sumusunod na lamang sila sa plano.

"Nagdala kayong lahat ng antidotes?" Tanong ni Seven Fields sa lahat, syempre sumagot naman sila ng 'nagdala'. Tanging si Ye Xiu lang ang iba ang isinagot. "Hindi na kailangan".

Hindi maganda ang pakiramdam ni Sleeping Moon sa kumpyansa ni Ye Xiu, "Gustong-gusto niya talagang mamatay".

"Tara na," masayang utal ni Seven Fields.

Sa loob ng kweba, makikita ang samut-saring sapot kung saan-saan. May mga buto din na mapapansin paminsan-minsan. Biglang kinabahan si Sleeping Moon at iba pa nang makita ang nakakatakot na lugar.

Kapag ang isang manlalaro ay namatay sa Glory, mawawalan sila ng isang tipak ng Experience, sa mundong nasa labas nila ay tanging 10% lamang ang mawawalang Experience sa kanila, at maari ring mahulog ang mga kagamitan nila, kahit na mababa lang ang chansang mangyari iyon.

Pero lubhang magiging nakakatakot na ang mundo pag narating na nila ang Heavenly Domain. Doon ay may bawas na 20% sa Experience at malaki-laki ang chansa na mahulog ang iyong kagamitan kapag ikaw ay namatay.

Nakita nila Sleeping Moon na kalmadong naglalakad si Lord Grim na dala-dala ang kaniyang Battle Lance na para bang siya ay nasa kaniyang bakuran lamang.

Sa totoo lang ay nanguna pa nga siyang hanapin ang mga patibong sa paligid. Hindi na sila umalma matapos makita ang pagkakawanggawa ni Lord Grim, iyan rin naman ang gusto nilang makita.

Pagdating sa mga low-leveled dungeon na ito, sa totoo lang ay halos nakalimutan na ni Ye Xiu silang lahat. Ang naaalala lang niya ay ang patnubay na ginawa nya para sa Spider Cave, pero hindi nya maalala kung ano ito sapagkat sampung taon na ang nakakalipas.

Habang nag-iisip si Ye Xiu, ay may biglang may tumalon na anino galing sa bitak ng isang bato. Bigla namang pinindot ni Ye Xiu ang keyboard gamit ang kanyang kaliwang kamay at iginalaw ang mouse gamit ang kanan. Gumulong naman si Lord Grim palikod para maiwasan ito sabay gamit ng isang Sky Strike.

Sumugod ang pang-malapitang berdeng gagamba sa kanya, ngunit natamaan ito ng Sky Strike. Paanong palalampasin ni Ye Xiu ang pagkakataong ito?

Ang pag-atake sa kalaban habang ito ay nakatumba ay isang pangunahing kaalama na kailangan mong malaman sa paglalaro ng Glory.

Mula sa taas, paibaba niyang pinagsasaksak ang berdeng gagamba nang sunod-sunod. Apat na tadtad ang kanyang pinakawalan. Hanggang sa tumama ito sa malapit na bato.

"T*ngina! Nagawa niya 'yun?!" Natatarantang sabi ni Seven Fields.

"Inatake niya ng sunod-sunod ang halimaw habang ito ay nasa ere! Apat na tama pa't sunod-sunod!" Takot na sinabi ng isa pang kasamahan nila.

"Nagagawa niya iyan kahit na siya ay Level 10 pa lamang?" Hindi makapaniwalang sabi ng isang nakakita na kasamahan rin nila.

Hindi makapaniwala si Sleeping Moon sa kanyang nasaksihan, hindi maiwasang bumukas ang kanyang bibig sa sobrang gulat.

Yung 4-hit combo sa hangin na kanilang nasaksihan ay kilala bilang isang partikular na Combo ng mga Battle Mage, at mabibilang lamang sa isang kamay ang mga manlalarong may kakayahang gawin iyon.

Bigla namang napasabi si Seven Fields ng, "Sa pagkakaalam ko, hindi mo magagawa 'yun kung hindi 170 o pataas ang APM mo."

"Hindi ba't mga propesyonal na manlalaro lamang ang maaring makagawa nun?" Paalala ng isa sa kanila.

"Pero isang unspecialized pa naman yung karakter niya."

"Gaano ba kalaki ang diperensya sa pagitan ng isang unspecialized na karakter at isang Battle Mage?

"Hindi ko rin alam, pero kailangan mo ring isipin ang gamit niyang kagamitan. Pero parang hindi naman nagpapabilis sa mga galaw niya ang gamit niyang kagamitan." Halos parehas lang sa mga suot nila ang kagamitang gamit ni Lord Grim.

"Paano naman ang sandata niya? Hindi kaya yung sandata niya?"

"Huwag muna nating intindihin ang dahilan. Isipin niyo nalang na kung kayo ay isang Battle Mage na may suot na kagamitang nagpapabilis sa inyong galaw, ang tanong ay. Magagawa niyo ba 'yung ginawa niya?"

Natahimik ang lahat. Kung kaya nilang gawin iyon ay hindi sila magugulat ng ganito.

"Sino ba talaga itong taong ito?" Biglang tiningnan ng mga kasamahan niya si Sleeping Moon.

Bab berikutnya