webnovel

Inonomina ko Si Zhang Xuan na Maging Punong-guro

Editor: LiberReverieGroup

Kagaya ng dati, madaming tao ang labas-pasok sa Tianyu Trading Firm. Pumasok si Zhang Xuan sa loob nang nakalagay sa kanyang likod ang kanyang mga kamay.

"Old master, ang opisina ni Lord Ling ay nasa harap lang…"

Pagkatapos nilang maglakad, tumuro si Sun Qiang sa gawing harapan nila.

Inangat ni Zhang Xuan ang kanyang ulo at isang napakagarbong balkonahe ang tumambad sa kanyang harapan. May dalawang leon na gawa sa berdeng jade stones sa bungad ng pinto. Matatayog at magarbo ang mga ito.

Ang mga mata ng mga estatwang leon ay napakaitim at puno ng buhay, kaya nagmistulang buhay ang mga ito. Sa isang sulyap, hindi maiiwasan na makaramdam ng takot.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya