webnovel

Cloudy Brook Academy (4)

Editor: LiberReverieGroup

Agad na natigilan ang mga kabataan dahil sa sinabing iyon ng disipulo ng Palace of Flame Demons.

Huwag daw gagalawin si Jun Wu? Bakit!?

Ang grupo ng mga kabataan ay napatitig sa lalaki, gulat na gulat sila sa kanilang narinig.

Harap-harapang tinanggihan ni Jun Wu Xie ang Palace of Flame Demons, hindi ba dapat ang sabihin sa kanila ay "kayo na ang bahala sa batang iyon" sa Cloudy Brook Academy? Paanong ganito ang inuutos sa kanila ngayon?

Hindi na nag-abala pang magpaliwanag ang lalaking mula sa Palace of Flame Demons. 

Gulong-gulo ang mga kabataan ngunit hindi na sila nangahas na magtanong pa. Itinikom na lang nila ang kanilang bibig habang iniisip ng mabuti ang sinabi ng lalaki.

Maliban kay Qiao Chu na lihim na tumatawa.

[Napakahusay talaga ng plano ni Little Xie!]

Nasa labas ng Cloudy Brook Academy ang mga "pinalad" na kabataan. Kahit na nakabukas na ang pinto, walang nagpatiunang pumasok doon.

Maraming mga academy sa Middle Realm. Pagmamay-ari man ng Twelve Palaces o Nine Temples, mayroon silang mga academy na sumusuporta. Karamihan sa kanilang mga disipulo ay na-promote mula sa mga academy na iyon.

Ang mga academy na sinusuportahan ng Twelve Palaces o Nine Temples ay may malaking advantage kumpara sa pangkaraniwang academy. Ngunit nag-iisa lang ang academy na nakakahigit sa lahat!

Iyon ay ang Cloudy Brook Academy.

Walang nagmamay-aring palasyo o templo sa Cloudy Brook. Pero ito ay nakalink sa buong Twelve Palaces at Nine Temples.

Iyon ay matatagpuan sa Mount Fu Yao, ito ang kumokontrol sa buong bundok na iyon. Mula sa tuktok hanggang sa paanan ng bundok, Cloudy Brook Academy ang tanging may kontrol doon. Bukod sa mga araw na binubuksan nila ang bundok na ito para sa Battle of Deities Grand Meet, ito ay sarado para sa kahit na sinong gustong pumasok doon. Ang sinumang mangahas na mag-trespass sa Mount Fu Yao ay hindi na nakakabalik. Mayroong hindi maipaliwanag na takot ang ibinibigay ng Cloudy Brook Academy sa mga tao.

Ang sinumang bata na matanggap sa Cloudy Brook Academy ay nakahihigit sa kahit na sinong nasa ibang academy.

Iyon ay dahil sa rule na wala man sa kasulatan, subalit alam iyon ng lahat.

Ang sinumang matanggap sa Cloudy Brook Academy ay hindi maaaring tumigil sa kaniyang cultivation hanggat hindi niya naaabot ang pamantayang itinalaga ng academy. Ibig sabihin noon ay sa araw na sila ay natanggap sa Cloudy Brook, ibig sabihin ay nakatali na sila doon. Maliban na lang kung naabot na nila ang pamantayang itinalaga ng eskwelahang ito, doon pa lang sila maaaring lumabas. Kung hindi, kahit pa na mamatay sila sa loob ay hindi pa rin sila makakalabas!

Tuwing sumasapit ang Battle of Deities Grand Meet, maraming pinapadala ang Twelve Palaces at Nine Temples na mga kabataan sa Cloudy Brook Academy. Ngunit kaunti lang ang nakakalabas doon. Ang iba sa kanila ay inabot na ng sampung taon at hindi pa rin nagagawang maabot ang pamantayan.

Kahit pa na dumating pa ang mga tauhan ng Twelve Palaces at Nine Temples para kunin sila, hindi sila papansinin ng Cloudy Brook Academy!

Ang sinumang ipapadala sa Cloudy Brook Academy ay kailangang sumunod sa kanilang panuntunan! Iyon ay isang academy na madaling makapasok, ngunit mahirap makalabas.

Ngunit kahit pa na ganoon ang sitwasyon sa Cloudy Brook Academy, iyon pa rin ang pinipili ng Twelve Palaces at Nine Temples para hasain ang kanilang mga elites.

Lahat ng makakapagtapos sa Cloudy Brook Academy ay sigurado na ang kinabukasan. Dahil sa badge ng academy na iyon, mataas ang magiging tingin sa kanila ng lahat!

Kahit na alam ng lahat ang pahirap sa Cloudy Brook Academy, nagpupursige pa rin ang mga kabataan na manalo at mapansin sa Battle of Deities Grand Meet. Inaasam na ang kasunod noon ay ang kanilang pagkatanggap at pag-graduate sa naturang academy. 

Bab berikutnya