webnovel

Ganoon Pala Iyon (2)

Editor: LiberReverieGroup

"Ngunit may isang pagkakataon matagal na matagal na panahon na, sa hindi malaman na dahilan ang Spirit Jade Palace ay biglang nakaranas ng panloob na alitan kung saan ay naging dahilan iyon upang bumagsak sila sa kanilang posisyon bilang isa sa piankamalakas na palace sa Thirteen Palaces. Bagaman ang usap-usapan tungkol sa Spirit Jade Palace ay maririnig pa rin matapos iyon, ang ilan sa kanila ay inusig ng mga disipulo ng Twelve Palaces, at hindi na kailanman narinig ang tungkol sa kanila na muling nagbalik sa katanyagan."

"Ang pangyayaring ito sa Spirit Jade Palace ay maagang nangyari at ang inyong lingkod ay wala pa noong panahon na iyon. Kaya, hindi ko alam ang tunay na dahil sa likod nito." Saad ni Ye Sha.

Si Ye Gu ay tumatango sa isang tabi.

"Naalala ko na!" Biglang naging masaya si Qiao Chu. "Bigla kong naalala kung saan ko narinig ang tungkol sa Spirit Jade Palace! Noong bata pa ako, ang aking ina ay sinabi sa akin na ang pinaka-magandang babae sa buong Middle Realm ay ang Palace Lord ng Spirit Jade Palace. Sabi niya na ang Spirit Jade Palace ay may naggagandang babae na kasing-dami ng ulap sa kalangitan…" Ang alaalang iyon mula sa matagal na panahon ay naging dahilan upang hindi mapigilan ni Qiao Chu na mapa ngiti. Musmos pa siya noon at wala pa siyang kamuwang-muwang. Sa tuwing mahawakan niya ang damit ng isang batang babae at ayaw itong bitawan, at doon siya hinikayat ng kaniyang ina, sinabi sa kaniya na mahahanap niya ang Lord ng Spirit Jade Palace sa hinaharap, at papayagan siya na pumili ng magandang babae mula doon upang kaniyang maging asawa.

[Ang pinakamaganda sa Middle Realm… na mga babae…]

Malayo ang tingin ni Jun Wu Xie. Siya ay isandaan at isang porsyento na sigurado na ang tao doon sa Spirit Jade Palace ay isang lalaki! Tunay na lalaki!

"Bakit sinasabi na ang kanilang Palace Lord ang pinakamagandang babae sa Middle Realm?" Tanong ni Jun Wu Xie, nagkukunwaring walang alam.

Sumagot si Qiao Chu: "Hindi ko alam. Ngunit dahil sa ang Spirit Jade Palace ay lugar na ang tinatanggap lamang ay mga babaeng disipulo, karamihan sa kanilang miyembro ay natural na nagtataglay ng namumukod-tanging hitsura. Ang magkaroon ng kawan ng magagandang babae, hindi ba't nararapat lang na ang kanilang Palace Lord ay napakaganda upang mapa-sunod silang lahat?"

Napayuko si Jun Wu Xie sa bawat isang cell organism ni Qiao Chu, natalo sa sagot nito na sobrang payak at tapat.

"Sa totoo lang, kung anuman ang itsura ng Palace Lord, o kung ano ang katauhan nito, ay walang nakakaalam. Bukod sa mga tauhan ng Spirit Jade Palace mismo, wala pang nakakakita sa tunay na wangis ng Spirit Jade Palace Lord sapagkat ni minsan ay hindi pa ito lumabas ng Spirit Jade Palace." Inalala ni Ye Gu ang kaniyang nalalaman at sinabi iyon.

Ipagpalagay na ganoon na lamang, iyon ay mas may kabuluhan. Taimtim na tumango si Jun Wu Xie.

"Ye Gu, sabi sa akin noon ni Jun Wu Yao na ang Purple Spirit ay hamak na pundasyon lamang sa Middle Realm. Kung gayon, sa taas ng pundasyon na iyon, ano ang nandoon?" Ibinaling ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang masdan ang bata at malnaw na mukha ni Ye Gu.

At si Ye Gu ay nagsalita sa taimtim at seryosong boses: "Sa itaas ng pangunahing Purple Spirit, ay may limang antas. Lampas sa limang antas na iyon ay ang Silver Spirit at pagkatapos ng Silver Spirit ay Gold, kung saan ang parehong Gold at Silver Spirits ay muling nahati sa limang antas. Ang Elder mula sa Palace of Flame Demons na kinalaban ng Young Miss noon sa Clear Breeze City ay isang Purple Spirit sa ikatlong antas at ang Palace Lords ng Twelve Palaces marahil ay nakaabot na sa Silver Spirit. Sa itaas ng Purple Spirit, ang kaibahan sa pagitan ng bawat antas ay parang ulap ng kalangitan sa putik na nasa lupa."

"Nasa anong antas na ako ngayon?" Tanong NI Jun Wu Xie.

"Ang Young Miss ngayon ay nasa ikaapat na antas ng Purple Spirit." tugon ni Ye Gu.

"Paano naman ako? Ako?" Hindi napigilan ni Qiao Chu na biglang magtanong.

Tiningnan ito ni Ye Gu at tuwirang sinabi: "Si Young Master Qiao at ang kapangyarihan ng iba pang Young Masters ay nasa ikatlong antas."

"Ha?" Natigagal si Qiao Chu.

"Ito… Ito marahil ay isang kamalian. Kami… Kami ay mas mababang isang antas kay Little Xie?" Biglang naramdaman ni Qiao Chu na ang kaniyang utak ay pinapahirapan. [Nang magtungo sila sa libingan ng Dark Emperor, ang spirit powers ni Jun Wu Xie ay mahina kumpara sa kanilang lahat. Sa huli, sandali lamang ang nakaraan ng sila'y makalabas mula doon at ngayon ay nahigitan na silang lahat nito…

Biglang nilukob ng pakiramdam si Qiao Chu na wala ng dahilan para mabuhay. Naaalala niya pa noong una niyang makita si Jun Wu Xie noon sa Ghost City. Napakaliit pa lang nito at mahina!!

At ang malupit na katotohanan ngayon ay dumaluhong sa kaniyang harapan! 

Bab berikutnya